CHAPTER 71.

4.2K 139 30
                                    

tumayo siya mula sa pagkakaupo ng makita niya ang presensya ng dalagang kanyang sadya sa kung nasaan man siya 

nagpakita ito ng ngiti sa kanya "...sit down" usal nito sa kanya. umupo naman siya tulad ng sinabi ng kausap

"kamusta ka na?" tanong niya dito. umupo ang kasama niya sa kabilang silya

"okay naman" tipid na sagot nito sa kanya "..ikaw? kamusta ka naman?" tanong nito sa kanya 

napalunok siya sa kanyang lalamunan "..okay din" sagot niya. tumango tango naman ang babaeng kausap 

"nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni...uhmm..ni Ge.." usal ng kausap. napayuko naman siya habang ang kausap ay napakagat sa ibabang labi, tila hindi nito alam kung anung pwedeng idugtong sa sinabi 

"...uhmmm..." napalunok sa lalamunan ang kausap "...okay ka ba?" naitanong na lang nito sa kanya 

tumango naman siya "okay naman ako" nakangiti niyang tugon

"A....mabuti kung ganun" ang nasabi na lang din ng kausap "...a...bat ka nga pala nandito?" tanong nito sa kanya 

"gusto kasi kitang makausap e.."

"tungkol saan?"

"sating dalawa..." sagot niya 

naubusan ata ng sasabihin ang kanyang kausap. tila wala itong naisagot o nasabi sa kanya. nanatili lamang itong nakatingin sa kanya 

"...huli na ba para mabuo ulit yung pag-kakaibigan natin?" naiiyak niyang tanong

"alam ko nasaktan kita sa mga nangyari, at gusto kong mag-sorry sayo. kasi hindi ko pinahalagahan yung pagkakaibigan natin" dagdag niya. nakita niyang pati ang mga mata ng kausap ay naiiyak na rin 

"I'm so sorry. sorry. sorry talaga....kung nilunok ko lahat ng sinabi ko, at pinagpalit ko yung friendship natin para sa pagmamahal ko" bigkas niya "sorry. I'm really so sorry..." ang kanyang mga palad ay napahawak sa kanyang mukha habang patuloy ang kanyang pagtangis. ang kausap naman ay tumayo mula sa kinauupuan nito at lumipat sa tabihan niya. hinawakan nito ang kanyang likod at marahan na hinamas himas

"...pwede pa ba??" tanong niya sa katabi "...pwede pa ba kong maging bestfriend mo?" 

"sira!! anu ka ba?!!!" naiiyak na usal ni Kim sa kanya "...bestfriend naman talaga tayo e" dagdag nito sabay yakap sa kanya na mas lalo pa niyang ikinaiyak

"sorry...sorry talaga!!" ulit niya muli

"wala na yun, anu ka ba?!!" sabi nito sa kanya 

"sorry pa rin" paumanhin niyang muli. kumalas si Kim mula sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan nito ang kanyang magkabilang pisngi na basang basa ng kanyang luha 

"wag ka ng umiyak. tahan na" bigkas nito sa kanya "...bati na nga tayo o. wag ka ng umiyak diyan" natatawang dagdag pa ni Kim "...kakalat make up mo niyan, kapag hindi ka pa tumigil sa pag-ngawa"

"wala akong make-up, sira" natatawa niyang sagot habang patuloy na lumuluha 

"ako din naman may mali e. dapat kung anuman yung sama ng loob ko sayo, dapat sinabi ko mismo sayo. hindi yung pinagsigawan ko sa lahat. nasiraan tuloy kita"

"naintidihan ko naman yun e" sagot niya sa dalaga "..sorry talaga Kimmy"

"sorry din.." usal ng kausap sabay yakap muli sa kanya "..anu ba yan??!! ang O.A na nating dalawa"

"kaya nga e..." natatawa niyang usal ng maghiwalay sila sa pagkakayakap sa isa't isa. sandali niyang pinunasan ang magkabilang pisngi

"namiss kita!!!"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon