CHAPTER 70.

4K 87 10
                                    

napakunot ang kanyang noo ng mapadako ang kanyang paningin sa mga nagkukupulang tao na nakabalandra sa tapat ng isang kwarto. humakbang siya ng ilan, upang mas makita pa kung anu ba ang komosyon na nagaganap sa di kalayuan sa kanya 

"si Maj yun a..." usal niya ng makita niya ang dalagang sinisiksik ng mga press people. nakaramdam siya ng pag-aalala para sa babae dahil nakikita niyang nasasaktan na ito sa pang-gigipit ng mga reporters para lamang tanungin ito tungkol sa hiwalayan nila ng dating nitong kasintahan

humakba siyang muli, papalapit sa dalaga 

at isa pang muli....hanggang sa naririnig na niya ang mga boses ng mga reporters

"Maja, bakit kayo nag-hiwalay ni Gerald?"

"is it a mutual decision Maja?"

"Maja, may kinalaman ba si Sarah sa hiwalayan niyo ni Gerald?"

ang ilan sa mga tanong na naririnig niya mula sa mga press people

"padaan na lang po..." narinig niyang pakiusap ni Maja. ngunit wala itong epekto sa mga reporters. tuloy pa rin ang buyo ng mga ito sa dalaga

"Maja, anung nararamdaman mo ngayon?"

"nag-usap na ba kayo ni Gerald?"

"Maja, anung masasabi mo sa pag-alis ni Gerald sa bansa?"

"Maja, alam mo ba kung saan pupunta si Gerald?"

"please po....padaan po" narinig niyang muling pakiusap ng dalaga ngunit patuloy pa rin ang pag-gigi at pang-gigipit ng reporters sa babae

dahil sa nakikita, mas lumapit pa siya sa kinaroroonan ng dalaga 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon