CHAPTER 54-C.

4.6K 172 39
                                    

napapiglat siya sa sakit na maramdaman niya ang pagdapo ng bulak na hawak hawak ni Sarah sa kanyang sugat sa kanyang bandang noo

"ay sorry, sorry, sorry" mahinang paumanhin ng dalaga. hinipan pa nito ang kanyang sugat upang pawiin ang pag-kirot 

pag-katapos ng engkwentrong kinasangkutan nilang dalawa ni Sarah ay dineretcho sila ng mga staff sa isang private room sa second floor upang magamot na nga ang sugat ng binata. ang dalaga na mismo ang nagpresenta upang siya ay gamutin

ang mga kaibigan niya ay naiwan saglit sa labas upang siya ay saluhin sa mga reporters. may mga ilan ilan kasing reporters na nasa labas at hinihingi ang kanyang salita. ang mga magulang naman ni Sarah ay naiwan din sa labas upang naman, ay makipag-usap kay Yuri maging sa mga magulang nito

kaya kumbaga, silang dalawa lang talaga ang naiwan sa loob ng silid na pinaubaya sa kanila ng mga staff

kapwa pareho silang walang kaimik imik. tahimik lang na ginagamot ni Sarah ang kanyang mga sugat. ni hindi nga ito makatingin sa kanyang mga mata na kanina pa nakatitig sa dalaga. tila nais niyang mabasa ang nadarama ng dalaga ngunit tila napakagaling talaga yata ng mga babae na magtago ng kanilang dinaramdam

kaya upang makasiguro ay tinanong na niya ito "...okay ka ba?" 

napatingin naman si Sarah sa kanyang mga mata "ha?" 

"..okay ka ba?" tanong niyang muli

"...wala bang masakit sayo?" dagdag pa niya 

umiling naman ang dalaga "..ikaw, okay ka ba?" balik tanong ng dalaga sa kanya "...tignan mo ang dami mong sugat o. sugod ka kasi ng sugod e" 

napapiglat siyang muli sa dampi ng bulak sa kanyang sugat. damang dama niya ang pagkakakirot ng mga ito. sa bawat pag-ilag naman niya, ay siyang paumanhin ng dalaga at kung minsan pa nga ay hinihipan pa nito ang kanyang sugat upang pawiin ang pagkakahapdi

"...salamat.." bigla biglang usal ni Sarah. nakatingin pa ito direkta sa kanyang mga mata ng magsalita ito "....kung hindi ka siguro dumating, baka....baka kung anu ng nangyari sakin"

"...salamat..." sabi niyang muli sa binata 

binigyan naman niya ng tipid na ngiti ang dalaga sabay tango sa sinabi nito sa kanya. sandali silang nagkatitigan ni Sarah ngunit agad din itong naputol ng marinig nila ang pagsarado ng pintuan ng kanilang kwarto

"Ge???" tawag ni Nhila sa kanya. lumapit ito mula sa kinauupuan nilang dalawa "..okay ka na ba?? may masakit ba sayo??" tanong ng handler sa kanya 

bahagya naman siyang natawa sa nakitang hindi maipaliwanag na itsura ng handler. hindi niya mawari kung nag-aalala ba ito para sa kanya o nasusuya ito sa gulo na kanyang ginawa. si Sarah din ay tila hindi mapigilan na mapangiti sa kakulitan ni Nhila 

"Ate??? para kang ewan" natatawa niyang komento sa handler

"anung para akong ewan??!! tignan mo nga yang mukha mo o. daig mo pa yung nalalag sa 7th floor"

"o di patay na yun, Ate!!" pilosopo niyang sabi sa handler. kinurot naman siya nito dahil sa naging sagot "Aray Ate!!!!" piglat niya 

"Ge?"

napukaw naman ang kanyang atensyon sa narinig na pagtawag ng isang babae sa kanyang pangalan. tila unti unting naglaho ang mga ngiti sa kanyang labi ng makita niya ang kasintahan na kasama pala ng kanyang handler papunta dito. panung hindi niya iyon napansin?

lumapit ito sa kanya "okay ka na ba?" tanong nito sa kanya sabay hawak nito sa kanyang kanang pisngi. agad namang iniwas ni Sarah ang paningin sa kanilang dalawa ng kasintahan 

marahan lang siyang tumango bilang tugon 

"may masakit ba sayo?" 

iling naman ang kanyang naging tugon sa naging tanong nito. naramdaman niyang tumayo si Sarah mula sa pagkakaupo nito sa kanyang tabihan

lalabas na sana si Sarah sa loob ng silid ngunit pumasok naman ang mga magulang nito kasama na rin ang kanyang ibang mga kaibigan 

"Bro, okay ka na ba?" tanong ni Enchong sa kanya. nakangiti niya ito tinanguaan bilang tugon. ganun din naman ang naging tanong ni Fred sa kanya, at ganun lang din naman ang naging tugon niya, isang tango

nakita niyang lumakad papalapit sa kanya si Daddy Delfin at inalok nito ang kamay sa kanya. sandali niyang tinignan ang kamay nito at tiningalan ang matanda. he gave Daddy Delfin a look of whats-that-hand-all-about

mas inilapit pa ni Daddy Delfin ang kamay sa kanya. buong galang naman niya itong tinanggap

"..salamat.." sabi nito sa kanya habang nakikipagkamay. halos parang hinaplos ng pinakamalambot na kamay ang kanyang puso dahil sa narinig. pakiramdam niya ay gusto niyang maluha sa kaantigan ng kanyang damdamin na kanyang nadarama ngayon

"...salamat sa ginawa mo para kay Sarah.." dagdag na sabi pa ni Daddy Delfin sa kanya. binigyan naman niya ng ngiti ito at marahang tinanguan ito

si Mommy Divine ay lumapit din sa kanya. ipinatong nito ang kanang kamay sa kanyang kanang gawing balikat "...salamat Gerald..." sabi rin nito sa kanya. nakayuko siyang ngumiti at nang mag-angat siya ng ulo, ay halos namamasa na ang kanyang mga mata. iginawi niya ang tingin kay Sarah. tulad niya, ay parang naluluha luha ito. binigyan siya ng napakatamis na ngiti ng dalaga

ang tagal niyang inasam ang sandaling ito....higit si Sarah

nag-bitiw na sila ni Daddy Defin mula sa pagka-kakamay. muli, ay nagpasalamat ito sa kanya at tinapik pa siya sa balikat

"...mauna na kami..." paalam ni Daddy Delfin sa kanilang lahat na naruruon. isa isa ng nagpaalam ang mga kaibigan niya kay Sarah at sa mga magulang nito 

nakita niyang nagkatinginan saglit si Sarah at ang kanyang kasintahan. ngunit hindi rin naman nag-imikan ang dalawang babae. hindi na rin lumapit si Sarah sa kanya. binigyan lang siya ng ngiti nito na siyang tinugunan niya ng tango at isang ring ngiti 

"....o Gerald, okay na ba yang mga sugat mo?" tanong ni Mommy Divine ng muling makalapit ito sa kanya matapos makapag-paalam sa iba nilang kasama 

tipid na ngiti naman siyang tumugon dito sa pamamagitan ng isang tango "..salamat po.." sabi niya sa ina ni Sarah 

"...mag-iingat ka sa pag-uwi ha?...salamat ulit Gerald.." buong pusong sabi nito sa kanya

naglakad na ang mag-asawa papuntang pintuan. sa likod ng mga ito, ay nakasunod si Sarah. bago tuluyang makalabas ang dalaga sa silid, ay nilingon siyang muli nito

ilang sandali din silang nagtitigan, bago tuluyang lumabas ang dalaga

napayuko siya sandali bago nag-angat muli ng ulo at binigyan ng ngiti ang mga kasama. lumapit si Nhila sa kanya at tinapik nito ang kanyang balikat. alam niya na nauunawaan siya kanyang handler. ni hindi na niya kailangan pang mag-salita dito, isang basa pa lang nito sa kanyang mata....alam na alam na nito ang nasa loob niya 

sa tabihan niya, ay naroon pa rin ang kasintahang nakatitig lang sa kanya 

gustong gusto na nitong umiyak kanina pa

tila hindi na nito makayanan pa ang siyang nadarama

...kahit naman na sinong nag-mamahal siguro, 

ay hindi makakayanang makita 

na ang kanyang minamahal

ay may ibang...

TUNAY NA SINISINTA

at hindi...SIYANG....KASINTAHAN

-----------------

FAVOR ULIT...

100 VOTES 

BAGO KO IPOST YUNG NEXT CHAPTER 

KAYA NIYO BA?

KAYA NIYO YAN...

COMMENTS & VOTESSSSSSSSSSSS.....

GOODNIGHT, GUYS!!

SEE YOU NEXT CHAPTER...WHEN?

IT'S ALL UP TO YOU..

#anglakasngtripniAwtor

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon