CHAPTER 35.

4.9K 70 19
                                    

lagpas alas-otso na ng makabalik muli silang dalawa sa kanilang location. nanibago pa silang dalawa ng wala silang marinig na tawanan at ingay mula sa loob 

"ang tahimik a" komento niya ng makababa. inalalayan niyang muli si Sarah sa pagbaba 

"nandito pa ba sila?" natawa naman siya sa tanong ni Sarah "late kasi tayo. mamaya umuwi na sila. 8:49 na o" paliwanag ng dalaga. piningot na lang niya ang ilong nito

patuloy lang silang dalawa sa paglakad papasok. hawak hawak niya sa kabilang kamay ang dalawang bilao ng pancit na binili nilang dalawa para sa mga kasama 

"ay Ge mauna ka na sa loob" sabi ni Sarah sa kanya "pupunta lang ako sandali sa tent, may kukuhain ako" dagdag pa nito 

"samahan na kita"

"wag na...sige na mauna ka na" sabi ng dalaga

"mauna ka na" sambit muli ni Sarah ng hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. bahagya siyang natawa at sinunod na rin ang utos ng dalaga "sunod ka ha" bilin niya dito

"oo naman!! sandali lang" tugon ni Sarah sa kanya. lumihis na nga ito mula sa kanya at nagtungo sa tent nito. siya naman ay pasipol sipol na nagtungo sa mga kasamahan

"sorry...late!!!" nakangiting sabi niya ng makita ang mga kasama. tahimik naman ang mga ito na siya namang ikinapanibago niya. napakunot noo naman siya habang patuloy na naglalakad papalapit sa mga kasama habang nakatingin lamang ang mga ito sa kanya

"gutom na kayo no?" biro niya pa sa mga ito. tipid namang ngumiti si Ana at si Direk Cathy. si Imbo naman ay tumayo sa kinauupuan nito at nagtungo sa may camera at ang ilan ay nagbusy busyhan kuno

ng tuluyan siyang nakalapit sa mga ito ay ipinakita niya ang dala, umaasang mapapasigla niya ang mga kasama "may dala akong pancit kasi alam ko na-----" lalo tuloy napakunot ang kanyang noo ng wala man lang pagbabagong naganap sa reaksyon ng mga kasama kahit ipinakita na niya ang pasalubong "---okay lang ba kayo? ha?" binalingan naman niya ng tingin ang handler na nakaupo sa isang gilid. nakita niyang lumingon ito sa kaliwa kaya pati siya ay tumingin sa kanang gawi naman niya 

para siyang nakakita ng multo sa nakikitang niyang babaeng naglalakad papalapit sa kanya. ang babaeng ito ay ngiting ngiti habang nakatingin sa kanya. bakas sa mukha nito ang tinding pagkasabik na makita siyang muli

"Hi Bie" sabi ni Maja ng makalapit ito sa kanya. lumapit pa ito lalo sa kanya at niyakap siya ng buong higpit "I miss You" bulong nito sa kanya 

nakakunot pa rin ang kanyang noo. tila parang hindi pa siya makapaniwala sa nangyayari. hinawakan niya ang kasintahan "Maj?"

mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap ni Maja sa kanya ng tawagin niya ito. hindi niya mamalayan kung bakit ngayong nandirito na ang kasintahan, ngayong yakap yakap na siya nito....ay wala siyang maramdaman na paglukso ng kanyang puso

hindi ba dapat masaya siya?..

hindi ba dapat mahigpit din ang pagkakayakap niya sa kasintahan?..

hindi ba dapat sasabihan niya rin ito ng I miss You?..

ngunit bakit ganun??..walang reaksyon ang kanyang damdamin

AND WHY DOES HE FEEL EMPTY EVEN THOUGH HE'S HOLDING HER..

-----------------

AND SHE'S BACK NOW....

SORRY GUYS!!! 

LIKE WHAT I'VE SAID BEFORE...

KAILANGAN SIYA SA STORY!!!

ANYWAY.....COMMENTS/VOTES, MAS MARAMI...MAS MAPAPADALI YUNG NEXT UPDATE KO

HAPPY TUESDAY

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon