CHAPTER 27.

5.9K 79 18
                                    

pasado alas-onse na ng gabi, ngunit hindi pa rin siya natutulog. naroon pa siya sa labas ng lodge, sa may likod, nakaupo siya sa bubungan ng isang kotse habang tinatanaw niya ang napakagandang buwan at mga bituin sa langit

napapangiti pa nga siya

napakasarap sa pakiramdam, kapag humahampas sa kanyang balat ang napakalamig na simoy ng hangin; sariwa't malayong malayo ang amoy sa Maynila

pumikit siya at dinama ang kapayapaan sa kanyang paligid...ni galaw ng dahon ay kanyang naririnig sa sobrang katahimikan na bumabalot sa kanya...katahimikang nabasag din ng may marinig siyang tawa

lumingon siya patalikod

"ang kulit mo no!!!"

"ewan ko sayo. binubulabog mo ko"

"o sige na nga. pagbalik ko, sige dinner tayo. o ayan na ha? pumayag na ko"

"e panu?? ang pilit mo kasi"

"anu ba yang mga-----hello???---uy???--hell..hello??--hello?"

simula pa kanina, ay pinapanood niya lang ang dalaga na mukhang tuwang tuwa sa kanyang kausap sa cellphone. naglalaro nga sa isipan niya kung sino ang kausap nito sa cellphone at bakit sobra naman yata ito kung makangiti

napatingin naman si Sarah sa gawi niya, napahawak pa to sa dibdib ng makita siya "anu ba Ge? ginulat mo naman ako!!! kanina ka pa diyan?"

ngumiti siya "okay ka lang?"

"na-lowbat e" sagot ng dalaga sa kanya "bat ka nandiyan?" tanong nito. unti unting naglalakad si Sarah papunta sa kanya, siya naman ay sinundan lang ng tingin ang dalaga "saka bat hindi ka pa natutulog? maaga tayo aalis bukas a"

ng makalapit na ang dalaga sa sasakyan, bumababa siya sa bubungan nito. hinawakan niya ang bewang ni Sarah na ikinapiglat naman nito "uy teka, anung gagawin mo?" panick na tanong ng dalaga

ngumiti naman siya "relax!!!i won't do anything to you. tutulungan lang kita.." binuhat niya ang dalaga at iniupo sa bubungan ng kotse "...mukhang di mo kasi abot e" parang nang-aasar niyang sabi sa dalaga

napataas naman ang kilay ni Sarah "excuse me??!! abot ko kaya!! wag kang feeling matangkad diyan"

bahagya naman siyang natawa sa pagsusungit ng dalaga

itinungkod niya ang kanyang kamay sa likod, at marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. huminga siya ng malalim. muling sumungaw ang napakagandang ngiti sa kanyang labi "this is what I miss the most..." huminga siyang muli "...peace"

ginaya rin ng dalaga ang kanyang posisyon "ako rin..."

tumingin siya sa dalaga

"...sa Maynila...ang ingay...ang ingay ingay!!!" dagdag pa ng dalaga, she even puts emphasize to ang ingay ingay

siya naman, ay nakatingin lang sa dalaga. dama niya kung anu ang ibig sabihin ng dalaga. alam niya na may mas malalim pa na punto ang dalaga sa sinabi niya

"maingay talaga!! minsan nga nakakabingi na e.." pag-sangayon niya. napatingin naman ang dalaga sa kanya "..pero wala ka namang choice kundi, pakinggan pa rin ang ingay"

alam nila pareho kung anung ang ibig nilang ipuntong dalawa. alam nilang pareho kung anung ibig sabihin ng mga salita nila

humiga siya. ipinatong niya ang kanyang ulo sa dalawang kamay niya sa likod ng kanyang batok. muli siyang pumikit at huminga ng malalim

humiga rin ang dalaga sa tabi niya "miss mo na siya?" nakatingin sa kanyang tanong ni Sarah. agad naman siyang nagmulat ng mata

"sino?"

"si Ate---Ate Maj"

ngumiti siya "siyempre..."

"...kahit naman sino mamimiss si Maja kapag wala siya.." nakangiti pa rin siya "...makulit kasi yun e, madaldal. tapos mostly, yung mga kwento niya nakakatawa. game din yun sa kahit saan. ang sarap sarap kasama kaya nga nung----"

natigilan siya sa pag-sasalita ng lingunin niya si Sarah. nakapikit na ito at mukhang nakatulog. napangiti siya lalo. hinawakan niya ang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ng dalaga at iniipit iyo sa tenga nito. marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Sarah

matagal niyang tinitigan ang dalaga na mukhang himbing na himbing na sa pagtulog

~~o~~o~~

papuyaw puyaw siyang nagmulat ng mata. nakita niyang madilim pa sa kanyang paligid

iginalaw niya ang kanyang ulo. bigla siyang nagulat sa napansin

panung nangyaring na....

nakayakap siya kay Gerald, at nakapulupot ang braso nito sa kanya?????

sa pagkakatanda niya...hindi naman siya ganito natulog kagabi

iniangat niya ang kanyang ulo, at pinagmasdan ang binata na himbing sa pagtulog. para itong isang sanggol na payapang payapa ang tulog

ang kaamuhan ng mukha ng binata ay nagdulot ng ngiti sa kanyang labi, maski na rin sa kanyang puso

sabi ng kanyang utak....tanggalin daw niya ang kamay sa pagkakayakap sa binata. tumayo at iwanan ang binata

ngunit.....

mas hinigpitan pa niya ang yakap kay Gerald. mas isiniksik pa niya ang sarili dito. naramdaman niya namang bahagyang gumalaw ang binata at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. pinagdugtong pa ni Gerald ang mga kamay at kinulong siya sa mga bisig nito

ipinikit niyang muli ang mga mata. isang matamis na ngiti ang sumungay sa kanya

ngayon lang....ngayon lang

bulong ng puso niya...na siyang mas pinakinggan niya....NGAYON LANG

------------------

UULITIN KO PO....HINDI PO AKO MAJARALD!!!!

kailangan lang po talaga siya sa story!! (i know you know who i mean)

JUST GO WITH THE FLOW GUYS!!!

anyway...comments/votes

thank you guys ">

GOODNIGHT & HAVE A GOOD TOMORROW!!

#certifiedASHRALDto

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon