CHAPTER 34.

5.4K 76 20
                                    

Sarah, totoo bang lilipat ka na ng ibang istasyon?

anong masasabi mo Sarah sa pag-amin ni Ejay Falcon na gusto ka daw niyang ligawan?

any comment regarding sa issue ngayon tungkol kay Rachelle Ann Go?

may alitan nga ba kayo ni Angelica Panganiban?

nag-iwasan nga ba kayo ni Angeline Quinto last sunday sa Asap?

kababa pa lang niya sa mula sa kanyang van ay ito na agad ang bumungad sa kanya. mga reporters na hanggang sa set ba naman ng trabaho niya ay sinusundan pa rin siya. ang kanyang mga body guard ay hindi na malaman kung paano pa siya poprotektahan mula sa mga reporters na ito na pilit siyang dinudumog

wala naman siyang sinasagot kahit na isa sa mga katananungan ng mga ito. binibigyan lamang niya sila ng ngiti, kahit na halos ipitin na siya ng mga ito

"padaan na lang po" pakiusap ni Ana na hawak hawak siya sa kamay habang inaalalayan siyang makawala sa mga reporters na ito "excuse me ho"

Sarah, totoo bang nagiging malapit muli kayo ng ex mong si Gerald?

"hindi ko po siya naging Ex" hindi na niya napigilan ang sarili sa pagsasalita. at dahil nga sa nag-react siya sa isang naging tanong sa kanya, ay mas lalo pa tuloy siyang kinulit ng mga reporters na panay ang sunod sa kanya. mas hinigpitan tuloy ni Ana ang pagkakahawak sa kanya

matapos ang mahabang minuto ng pakikipagsisikan sa mga pulo ng reporters sa labas ay nakapasok na rin sila sa pinaka location area nila. agad namang hinarang ng mga security guards ang mga reporters ng nakapasok na sila sa loob. agad agad silang nagtungo sa tent nila

"okay ka lang ba?" tanong ni Ana sa kanya

pasalampak siyang umupo sa sofa. isinandal niya ang kanyang ulo at buong diing ipinikit ang mga mata. agad naman ng nakuha ni Ana ang dinaramdam ng alaga kaya nagpasya itong iwanan muna ang alaga sandali

"sa labas na muna ako. kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako"

hindi naman na siya umimik pa. nanatiling nakapikit lang ang kanyang mga mata. tila bumalik nanaman ang selda ng kanyang pagkatao. andiyan nanaman ang mga mapunuring mata sa paligid niya. pagmamay-ari nanaman siya ng mga  tao sa paligid niya. nanakawan nanaman siya ng pribadong buhay

isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya

~~o~~o~~

"what the..." mahinang usal niya ng pagkabukas niya ng pintuan ng kanyang sasakyan ay sumambulat sa kanya ang napakaraming reporters na mukha yatang hinihintay ang pagdating niya 

anong masasabi mo na willing daw ulit si Maricel Soriano na makatrabaho ka?

anong masasabi mo na extended ang Bukas na lang kita Mamahalin?

nagkakalabuan na ba kayo ni Maja?

inalalayan agad siya ng mga bodyguards niya sa pagbaba at paglalakad. si Nhila naman ay nakasunod sa likod niya "Ate?" tawag niya dito

"sige lang, wag mo kong intindihin" sabi naman nito sa kanya

patuloy lang siya sa paglakad ngunit palingon lingon din siya sa likuran upang tignan ang kanyang handler. ang mga reporters naman ay pilit pa rin siya kinukuyog, pilit siyang kinukulit ng mga tanong na kung tutuusin ay wala naman sa lugar para itanong 

mas naging close nga ba kayo ni Sarah nung nasa Baguio kayo?

pinagseselosan nga ba ni Maja si Sarah?

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon