CHAPTER 41.

5.2K 96 44
                                    

sabay silang dumating ng kasintahan sa birthday party ni Ms.Peggy na ginanap sa isang bar along Taguig. punong puno ito ng iba pang kapwa nila artista maging na rin ng ibang mga kilalang press sa industriya 

nakaalalay siya bewang ng nobya habang sila'y lumalakad papasok sa event. panay naman ang pagkuha ng kanilang larawan ng mga photographers na narooon din. wala naman silang choice kundi pagbigyan ang mga ito sa pagkuha ng kanilang litrato

"Ge?" bati ni Fred mula sa likod na ikinapukaw nilang dalawa. bumaling sila patalikod upang makita ito "hi Maj" bati nito sa kanyang kasintahan, bumeso pa ito "uy Fred" balik bati naman ni Maja sa kaibigan niya

"sila Direk?" tanong niya sa kaibigan "nasa loob na" sagot naman ni Fred "kumpleto na sila dun" dagdag pa ni Fred

"pati si Sarah?" tanong niya. bigla naman siyang binalingan ng tingin ng kasintahan. animoy parang biglang bumilis ang tibok ng puso nito dahil sa sinabi niya

umiling si Fred "hindi. yung staff lang saka crew". bahagya siyang tumango tango  

"puntahan mo na lang sila dun" sabi ni Fred sa kaibigan. tumango lang siyang muli. "sige Maj, dun muna ko" paalam ni Fred kay Maja. "sige" nakangiting tugon naman ng kasintahan sa kanyang kaibigan

hinawakan niya sa kamay ang kasintahan "let's go" anyaya niya dito. tumango naman ito sa kanya bilang tugon. tuluyan na nga silang dalawang pumasok sa loob ng bar. at talagang pagkapasok pa lang, ay hinanap na agad nila si Ms.Peggy para batiin ito ng happy birthday 

nagpasalamat naman ang birthday celebrant sa kanilang presensyang dalawa. sinabihan din sila nito na mag-enjoy at mag-relax muna ngayong gabi at kalimutan muna panandalian ang kanilang mga trabaho

~~o~~o~~

"ang sarap ng food nila no, Bie" sabi niya sa kasintahan. binalingan naman siya nito sandali, nakangiting tumango ito sa kanya bilang pagsang-ayon sabay baling muli ng mga mata nito sa mga tao

siya naman ay inaliw sandali ang mga mata sa mga taong naroon din. nakita niya ang ibang mga kasama sa programang ASAP gayun din ang ibang mga katrabaho sa kanyang bagong palabas sa primetime

"Bie, pupunta talaga kayo ng Palawan next week?" tanong niya sa kasintahan. muli nanamang bumaling ng tingin sa kanya ang kasintahan, tumango ito bilang tugon "kailangan ba talaga doon?" tanong niyang muli 

"kasama sa story yun e" tipid na sagot naman ng nobyo "saka mabilis lang naman kami dun, mga apat na araw lang tapos babalik na ulit kami dito" dagdag na sagot pa nito sa kanya. napatango tango naman siya habang ang kasintahan ay muling nabalik ang mata sa mga taong nanroroon

"ingat ka dun a" sabi niya. bumaling muli ng tingin si Gerald sa kanya. "ha?" tanong nito sa kanya. "sabi ko ingat ka dun" tugon niya. tipid na ngumiti naman ang binata sa kanya kasunod ng pagtango nito, at muling ang mga nito'y nabaling sa mga tao 

"uhmm...Bie" tawag niyang muli sa kasintahan. binalingan naman siyang muli ng kasintahan "hmmm?"

"kapag tapos na yung movie na ginagawa mo, bakasyon naman tayo. miss na miss na kita e" sabi niya sa kasintahan. ngumiti naman si Gerald at tumango lang bilang tugon sabay balik muli ng mga mata sa mga tao 

habang ang mga mata ng kasintahan ay nakatuon sa mga taong naroon, ang mga mata naman niya ay nakatingin lamang dito. para bang sinusuntok suntok ang kanyang puso habang nakikita niya ang kasintahan...

na kahit siya nga ang katabi ngunit iba naman ang hinahanap

~~o~~o~~

"Direk?" bati niya kay Direk Cathy ng lumapit siya sa table ng mga kasama niya sa pelikula. "o Ge?" balik bati ng kanyang direktor sa kanya 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon