CHAPTER 82.

3.5K 123 20
                                    

"Gerald, pwede ba naming malaman san ka nagpunta?"

"Gerald, totoo bang sinundan mo si Sarah sa ibang bansa?

"Gerald, si Sarah ba ang third party sa relasyon niyo ni Maja?"

"Gerald, kayo na ba ni Sarah?"

ang ilan sa mga tanong sumalubong sa kanyang pagkalabas na pagkalabas niya ng NAIA. siya ay nanatili lamang tikom at wala sinagot ni isa sa mga tanog 

"Gerald, any comment about sa accusation ng tao sayo na tinimer mo daw si Maja?"

"Gerald, Sarah or Maja?"

"Gerald?"

"Gerald?..."

patuloy na hirit ng press people sa kanya. kung dati rati, kapag ganito't kinukumpol siya ng mga reporters...nag-ngingitngit na agad siya sa inis ngunit ngayon tila wala siyang maramdaman na pagkainis sa kahit sinuman sa kanila, kahit pa yung iba ay tila below the belt na ang tanong. wala siyang pakialam sa kanilang lahat. bahala sila kung anung isipin nila basta siya...masaya siya. at yung nga ang pinakita niya sa mga ito, nagpausal lang siya ng ngiti sa mga ito na hindi  pa rin naguusal ng kahit isang salita 

patuloy siya sa paglalakad habang ang patuloy din siyang dinudumog ng mga press people. ilang saglit pa ay nakita na niya ang kanyang dalawang security na agad agad din lumapit sa kanya. sa pagtulong ng dalawa, ay mas napadali ang kanyang pagdaan papunta sa kanyang sasakyan

"sila Mama?" tanong niya sa kanilang driver ng makasakay siya sa loob. buong akala niya ay sumama din ang kanyang ina sa pagsunod sa kanya ngunit wala naman pala ito

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon