eksaktong dalawang linggo na siyang nasa bakasyon, ngunit tila hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maramdaman sa kanyang loob ang pagkahilom ng kanyang mga sugat sa puso. tila parang wala namang naitutulong ang espasyo at oras na dinayo pa niya, matamasa lang
para siyang isang manhid
ngunit nasasaktan pa rin
naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. agad din naman niya itong pinunasan, dahil ayaw niyang makita siya ng kapatid sa ganuong kalagayan. kaya nga siya sumama sa Paris upang hilumin ang sarili niya, tapos eto siya ngayon, umiiyak pa rin
nanatili lang siyang nakahiga sa kama't nakatanaw sa kisame. habang ang kapatid ay nakaupo sa isang upuan, malapit sa may pituan ng kwarto. nakatalikod man ang kapatid ay alam niyang ngiting ngiti ito, habang nakatuon ang mga mata sa harapan ng laptop. naririnig niya kasi ang mga bungisngis nito at ang marahang halakhak, marahil sa mga nababasa
"uy Pot?" tawag ng kanyang kapatid. siya naman, ay napatuon sa kanyang gawing kanan
"hmmm?"
"trending ka o"
"huh?"
"trending ka sa Twitter...." sagot nito sa kanya
ang Popster ko talaga... usal niya sa utak. magpapakita na sana siya ng ngiti ngunit naputol ito ng marinig niya ang sunod na nilitanya ng kapatid sa kanya
"...ikaw, si Maja saka si Gerald...." dagdag ni Shine "3rd spot...." usal pa nito na tila kala mo'y tuwang tuwa pa na trending topic ang kanyang pangalan
napakunot naman ang kanyang noo, at dali dali siyang napabangon mula sa pagkakahiga
"ha???!!!!" gulat na gulat niyang tanong
"ayan o...." bigkas muli ng kapatid sa kanya "....Gerald Anderson, 1DInvasion, tapos sunod na yung pangalan mo...Sarah Ge--
agad naman siyang lumapit sa likuran ng kapatid at kanya ring tinignan ang tinutukoy nito "patingin nga niyan..."
"ayan nga o, 3rd spot ka nga. tapos 1st spot si Ge... si Maja nasa 6th spot...."
TRENDING TOPICS: (Philippines)
Gerald Anderson
1D Invasion
Sarah Geronimo
#50MoviesYouCan'tGetOver
Korea
Maja Salvador
#ThankGodBecause
#SweetestProposalAGuyShouldDo
#AyanNa
True Love
ang basa niya sa lahat ng mga nasa listahan. lalo tuloy napakunot ang kanyang noo. anu namang ginagawa ng pangalan niya sa listahan ng mga trending topic ngayon sa Pilipinas at bakit pare-parehong pinaguusapan ng madla ang pangalan nilang tatlo...
"Ate, click mo nga yung pangalan ko..." pakiusap niya sa kapatid. sumunod naman si Shine sa kanyang pakiusap
-----------------------------------------
PEP (@peptalk)
Sarah Geronimo leaves the country to have vacation in Paris
-----------------------------------------