CHAPTER 7: She's hard to resist

112 2 0
                                    

ACE's POV

Last night sa bar..

Hindi ko inexpect makikilala ko ang isang babaeng iba yung dating saken..

Ewan ko ba! Papasok pa lang siya sa bar nakuha niya na atensyon ko..crush ko lang siguro, ganda niya kasi..

And then habang tumatagal gusto ko siya lapitan..ang kaso parang suplada! 

Ayoko naman talaga pumunta sa bar na yon kagabi, bday lang talaga ng barkada ko..si Jake..tapos bigla ako nabored..

gusto ko na talaga siya kausapin.. 

.....

....

bigla na lang kami nagkatinginan..

Pakiramdam ko tumigil yung mundo ko..

Napansin niya rin kaya ako??

Di ako mapakali..kaya umupo na lang ako..

Tapos nakita kong tumitingin din siya sakin..ako ba gusto niya lapitan o hindi???

ah basta..di matatapos ang gabing tong di ko siya nakikilala..

Lumapit na ako..

Pero parang nagulat ko ata siya..

Grabe lakas niya uminom ha.. di ko alam sasabihin e..dinadaga ata ako..

Ang kaso.. ang sungit niya!

Buti na lang pumayag siya makipagsayaw sakin..

pacool lang ako, pero ang totoo gusto ko naman talaga siya makasayaw..kunware pa akong nabobored..

Di ko din alam kung pano sya iaapproach! langya naman oh..napapaghalata tuloy akong di ako marunong pagdating sa babae..

Sinungitan niya na naman ako..

Ganda parin niya kahit nagsusungit..

Pero bakit parang ang lungkot ng mga mata niya? Napansin ko ring ang dami niya na naiinom.. May problema kaya siya?

Feel na feel ko yung sayaw..

At ang sarap niyang titigan..mukha kasing di sya mapakaling ewan..

At ang sarap sarap niya asarin..ang cute niya kasi..

Gumaganda siya pag nagsusungit..

Yun totoo gusto ko siya..

Ewan ko nga lang ba kung ano pumasok sa utak nito at sinabing kami na daw..

Ganun na lang yun? Di nya pa ko kilala e..

Lasing lang siguro to..

Kahit na, magandang simula to para tuluyan ko siyang makilala..

May kasama naman pala siya kaibigan, Charlotte daw pangalan..inagaw na siya sakin..

Umuwe na sila, pero nakuha buong pangalan ni Eunna sa kaibigan niya..

Ireresearch ko pagdating sa bahay..:)

Hahanapin ko siya...^^

Lourd Ace Montero Lopez totoo ko pangalan..21 na ko..

Malapit lang yung school na pinapasukan nitong si Eunna kaya di ako mahihirapan pang hanapin siya..

Bukod sa nagaaral pa ko..isa akong vocalist ng banda ko..actually ako bumuo..hilig ko din kasi ang music.. Ang totoo meron kami isang bar and resto na minamanage ng ate ko..dun kami madalas magjamming, dun ako kumakanta..

Sakto! Kaklase ng kakilala ko si Eunna..tinanong ko kagad sched nila..

Pupuntahan ko siya bukas para sunduin..

Gusto ko na ulit makita kung pano siya magsungit! :)

Silent type naman talaga ako..

Mas madalas seryoso, di ako basta basta nagpapakita ng emosyon sa mukha..pero pagdating kay Eunna bigla na lang ako naging interesado sa kanya!!

Bahala na..

Ngayon ko lang naramdaman to e..

....

....

...

....

...

100 days!

Nachallenge ata ko..

Kunware pa ko magaling ako sa babae..hooh! eh never ko pa naman naranasan manligaw..wala parin naman ako nagiging girlfriend! at lalong hindi ako bading! Marami naman babae nagkakagusto saken, kaya nga palagi gusto ni ate kumakanta ako sa resto namin sabi niya palagi daw dinudumog.. Ang kaso wala akong trip sa kanila...

Ngayon lang ako tumitig sa isang babae..

Ngayon ko lang nasabing siya yung babaeng gusto ko...

Hanep! Inlove ba ko??? Ngayon lang ako naging inspired palagi kumanta..Yung pakiramdam na parang ang sarap magexpress ng nararamdaman..Baka nakukulam na ko! Taeh yae na..basta sa kanya!^^.

Isa pa..makipagtripan lang ata habol nitong si Eunna sakin..hindi man lang ba siya attracted saken???

Hindi ako basta nakikipagtripan lang sa kanya..gusto ko talaga siya!

Yung feeling na una ko palang siyang nakita, alam ko siya ang para sakin..

Sana lang may pag asa ako..

Di ko lang alam kung paano aaminin..

Kung isa siyang pulis, pwes suko na ko!!^^

Ano kaya pwede ko gawin to win her heart?

Ano kayang pwedeng mas madaling paraan para mas makilala ko siya??

Ano kaya problema niya nung gabing yun nung makilala ko siya...

Gusto ko malaman...

Kahit maganda siya pag masungit siya, gusto ko parin makita kung pano siya ngumiti...

I want to win her smile..

I will do anything for it..

I will!

(^_-)

On that day...

Hindi siya nagpahatid sakin, pagkatapos naming magusap about 100 days lumabas na siya ng sasakyan at sinungitan lang ako..Nakakachallenge yung tingin niya..ang ganda nakakastarstruck!! Tapos umalis na siya..sayang may dala kasi siyang sasakyan..kala ko makakasama ko siya..

Pumunta na lang ako sa mga kabanda ko..

Inaya ko sila magjamming, wala lang inspired ako kumanta sa bar namin mamaya..

(^^,)

CHANCES and REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon