CHAPTER 24: CONFESSIONS

87 0 0
                                    

(the place where it started..

and the same place where it will start again...)

here i am..

at last...

EXODIA bar..

my last option..

sana andito siya..

kahit mukhang imposible..

it's been a while...

since huli ako nagpunta dito at nakilala si Ace..

nakatayo lang ako sa harap ng bar..

tapos bigla ko naaalala lahat..

yung sign na hiningi ko..

hanggang sa magkakilala kami ni Ace..

nung sabihin niyang mahal niya ko..

at natutunan ko siyang mahalin..

minahal ko nga siya pero ngayon ko lang naramdaman na kulang pala..

ngayon ko lang naisip na tama ba talaga nangyayari sakin ngayon?

tama ba talaga na humingi ako ng sign kay God?

tama ba talagang humingi ako ng bagong mamahalin?

kahit na alam kong may mahal pa kong iba..

tama ba talagang pinilit kong kalimutan si Nate kung ang kapalit naman nito ay ang makasakit ako ng ibang tao?

tama ba talaga nararamdaman ko? mahal ko na ba talaga si Ace at nakalimutan ko na ba talaga ang pintig ng puso ko para kay Nate?

bakit nga ba sa tuwing masasaktan ang isang tao dahil sa kanilang minamahal lalo pa at dumating sa hiwalayan may mga tao na humihiling na sana matagpuan na agad nila ang tamang tao para sa kanila?gayong mas kailangan ng pahinga ng mga puso nila..

para unti unti ay mawala ang pait ng nakaraan...

kalimitan at madalas may mga tao na akala nila kapag may ipinalit na kagad sila sa kanilang minahal dati malilimutan na niya kaagad iyon..kaya nauuso ang panakip butas..

ang totoo hindi ko naman talaga ginawang panakip butas si Ace..

hindi ko lang inasahan ang mga nangyayari sakin..

masyadong mabilis na hindi ko lang talaga masabayan..

hindi ako mali na humingi ako ng sign..

mali lang yung panahon kung kelan ko hiningi yun..

sana humingi na lang ako ng sign nung nalimutan ko na talaga si Nate..

hindi nung araw na galit ako at gustong makaganti..

sana humingi ako nung wala na akong dapat ikaduda sa nararamdaman ko..

na umaasa naman ako na kung si Ace talaga ang para sakin kahit anong panahon at pagkakataon siya parin yung ibibigay sakin..

ganunpaman..

alam kong naging mali ang aking simula..

hindi pa tapos ang lahat para maayos at maitama ko..

kung dumating si Ace sa buhay ko..

yun ay dahil yun ang nakatakda..

kung dumating man siya para pasayahin ako at ilayo ako sa masakit na nakaraan ko.. yun ay dahil yun ang hiniling ko kay God!

kung dumating man siya para mahalin ako habang buhay..o kahit hindi man siya ang para sakin..

hindi niya dapat nararanasan to..

CHANCES and REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon