CHAPTER 15: UNDECIDED

86 0 0
                                    

Monday ngayon..

Wala kaming pasok..holiday kasi..

Bibisita daw dito sa bahay si Cha!

Chichismis na naman yun..

Maya maya pa andiyan na siya..

Para ko na ring kapatid to..

Kasi nga wala naman ako kapatid na babae..

Halos ampunin na nga namin e..

Charlotte Agoncillo totoo pangalan niya..

Only child to kaya bigay lahat gusto ng mga magulang..

Mababait naman sina Tita at Tito, halos ampunin narin ako!

We've been friends for 5 years

Kasama ko na siya high school pa lang kami..

"Mahal, namiss ko pumunta dito a..palagi na lang kasi iba yung inaatupag mo"

Nagtatampo ang bruha???

"Hoy! Excuse me! Sino kaya tong palagi kasama e ang boyfriend?? Kinalimutan na ko!" 

gigil ko..

"Di ba kasama mo din naman palagi si Ace???Kwits lang tayo! Nagpunta pa nga kayo ng Baguio"

 Kinukurit niya ko..

"Pero hindi ko siya bf!"

"Asus..dun narin punta nun.."

"Tze..Anyway kumusta na kayo ng Joseph mo??"

"Ayun..palagi parin nagaaway..nakakainis na nga!"

"Ano ba kasi pinagaawayan niyo??"

"Napaka childish kasi! Napaka seloso! Gusto niya palagi niya alam lahat ng kilos ko..Nakakairita kaya yun!"

"Hayaan mo na baka mahal ka lang talaga!"

"Ang pagmamahal hindi dapat nakakasakal! Ang sabihin mo wala talaga siyang tiwala sakin.. Teka bakit ba ako pinaguusapan natin?? Ikaw nga tong dapat nagkukuwento.."

"Ano ikukuwento ko??"

"Kayo ni Ace??"

"Wala namang kami e!"

"E anu na balita sa deal niyo???Hindi ka pa ba naiinlove girl??"

"Hindi ko alam..Ewan!"

1 week na nakakaraan pagkatapos nung nangyari samin sa Baguio!

Hindi niya na ulit ako itinxt..

Hindi niya na ko sinusundo at hinahatid!

Hindi siya nagpapakita sakin!

Miss na Miss ko na siya!

Hindi ko lang maamin sa sarili ko! tsk!

"Teka linawin mo nga..ano ba kasi talaga para sayo yung tao???"

" I like him!"

"Yun lang yun???"

"Hindi ko alam.."

"Sinungaling! alam mo yun!"

"With him parang nakikita kong masaya ka na ulit..ano ba talaga??"

"Mahal naguguluhan ata ako! :(!"

"Ipokreta! Ang sabihin mo kasi mahal mo parin si Nate!"

"Hindi ko na siya mahal! Masaya ako pag kasama ko si Ace! In fact, nalimutan ko na ata si Nate.."

"Wag mong sabihing ginagamit mo lang si Ace para makalimutan si Nate??Bad ka! Baka pinipilt mo lang i divert ang nararamdaman mo kay Ace! Mali yun!"

nakikita kong concern naman talaga siya sakin..

Bakit ba ang gulo gulo ko??

"Bakit hindi ba pwede yun???"

"Ano ka ba! Ang bait sayo ni Ace..tapos ganyan ka! Ang pagmamahal sa magkaibang tao ay magkaiba din..kahit parehong pagmamahal ang tawag, magkaiba dapat ang basehan at hindi sapilitan!"

"Wala naman siya sinasabing mahal niya ako e.."

"Baka naghihintay lang siya ng tamang panahon?"

"Baka ginagawa niya lang yun para sa deal namin! :("

"Bruha! akala mo ba deal lang lahat to para sa kaniya??Paano kung totoo na pala na mahal ka niya???Kaya mo ba siyang mahalin???"

"Hindi naman siya mahirap mahalin e.."

"Asus..ang tanong kung mahal mo??"

Hindi ako sumagot..

Ano ba dapat isagot???

"Ganito na lang mahal mo pa ba si Nate?"

Hala! Mas lalo akong naguluhan!

Hindi ko na ba siya mahal???

"Alam mo Mahal ang laki ng problema mo! Kung wala din namang patutunguhan ang deal niyo ni Ace wag mo ng ituloy! Masasaktan mo lang siya..Kung kahit konti may concern ka sa kaniya..hayaan mo siya maging masaya sa iba kung hindi mo siya kayang pasayahin! kawawa lang yung tao!"

Nakikita kong concern naman talaga siya sa sitwasyon namin..

Ako lang talaga tong magulo!

Kung sabihin ba sakin ni Ace na mahal niya ko..

Kaya ko na bang sabihing mahal ko din siya???

:(

Hindi ako makapagsalita..

"Mahal tanga ba ako??"

"HIndi! Nagtatanga tangahan lang! tsk... "

"Ouch!"

Tagos naman talaga sakin..

Alam ko ibig niyang sabihin..

Oo selfish na nga din siguro ata ako..

" Hindi mo magagawang magmahal ng iba hanggang hindi ka pa bumibitaw sa nakaraan"

Naputol paguusap namin kasi kailangan niya na puntahan si Joseph..

Iniwan niya akong windang at hindi parin makarecover sa naging paguusap namin..

Tanga ba ko??

Hindi pa ba talaga ako nakaka let go???

:(

Nalungkot ako..

Hindi ko kayang saktan si Ace..

Handa na ba ako magmahal ulit??

Hindi ko na ba talaga mahal si Nate??

='(

CHANCES and REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon