ACE's POV
HIndi ako nakatulog..
sobra ako nalulungkot sa nangyayari sa amin ni Eunna..
ni hindi ko namalayan na pwedeng mangyari to samin..
na nasaktan ko siya..
hindi ko man lang naisip..
ang tanga tanga ko..
tama siya sa lahat ng mga sinabi niya..
nagfocus ako sa iisang bagay lang ang masiguro ang kalagayan ni Maui..
ayoko na kasi maulit ang nangyari na wala ako nagawa noong nakita ko siyang nag-aagaw buhay..
totoong kapatid na ang turing ko sa kaniya..
mula bata pa kasi palagi siyang naghahanap ng atensyon na hindi naman maibigay ng mga magulang niya..
nasanay lang ako na sa tuwing umiiyak siya, sa akin siya tumatakbo..
sa tuwing may umaaway sa kaniya sa akin siya nagsusumbong....
isa pa nakapangako ako sa magulang niya...
pero hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari..
pakiramdam ko sa lahat ng sinabi ni Eunna kagabi tumagos sakin..
tama siyang hindi ko man lang siya nabigyan ng pantay na atensyon..
umasa ako na nasa ayos lang ang lahat..
sa tuwing naiinvolve sa amin si Maui, napansin kong hindi nga naging pantay ang pagbibigay ko ng atensyon sa kanilang dalawa..
naipit ako sa pagitan ng kababata ko at ng girlfriend ko..
hindi naman talaga ako namimili sa kanilang dalawa dahil hindi naman dapat dumating sa puntong iyon..
concern lang ako kay Maui pero nasasaktan ko si Eunna..
nagpadala din ako sa sarili kong pagkaseloso..
bakit ba ako naniwala kaagad sa mga sinabi ni Maui tungkol kay Eunna ng hindi man lang nagtatanong sa kaniya?
hindi ako nag-iisip!
hindi ko isinaalang alang ang nararamdaman ni Eunna at ang pag-asang niyang may tiwala ako sa kaniya..
nagkamali ako!
wala ako ginawa kundi ang pukpukin ng paulit ulit ang sarili ko..
nasasaktan si Eunna pero wala akong magawa..
sinabi kong hinding hindi ko siya sasaktan pero ginawa ko..
tama nga ba talagang nagpunta kami dito?
nangyari pa to kung kailan malapit na siya umalis papuntang Singapore..
hindi ko siya nabigyan ng masayang bakasyon puro na lang pasakit ang naibigay ko sa kaniya..
hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya sa akin dahil sa sarili kong katangahan..
mahal na mahal ko siya!
baduy mang sabihin hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak kahit tahimik..
nalulungkot ako..
sana maging maayos na kaagad ang lahat..
hinintay ko talaga ang mag-umaga para magkausap na kami ni Eunna..
gusto kong bumawi sa kaniya..
sana kausapin niya na ako ngayon..
pumunta ako sa kuwarto niya pero sarado pa iyon..
ala sais na ng umaga..
BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
RomanceKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..