CHAPTER 19: As TIME goes by

91 1 0
                                    

pagkatapos ng gabing yun..

di na ulit ako hinayaan ni Ace na kung kani kanino sumasabay..

Adik yun e..

palagi niya ko inihahatid at kung hindi naman e ibibilin niya kaagad kay Manong Jun kapag susunduin ako..

ang tawag ko over protective! daig pa niya ang kuya ko kung magbantay sakin..

kung minsan pumupunta siya sa school para sabay kami kumain ng lunch..

masyado na siya kilala sa school, yung iba ayaw maniwala na hindi pa daw kami..

e sa hindi pa naman talaga di ba?

eto kasing si Ace masyadong showee palagi at malimit niya ako sinosorpresa..

alam ko mahal niya talaga ako..

pero di ko parin magawa sabihin sa kaniya lahat..kasi feeling ko naman hindi na kailangan, nakalimutan ko na kasi si Nate tutal halos 5 months di kami nagkikita..ang huling balita ko sa kanya e sila pa din daw nitong si Maui..

alam ko sa sarili ko nakamove on na ako..at handa na ako pumasok ulit sa panibagong relasyon..mahal ko na rin naman si Ace! naghihintay na lang ako ng bday ko para officially masagot ko na si Ace at maging kami na, tagal niya na nagtitiyaga sakin e..

pero sa ngayon mas importante na maipasa ko lahat ng subject ko kasi malapit na matapos ang sem..

maya maya lang e finals na namin..

nga pala, etong si Justin naging close na kami...magkasundo kami..nalaman kong mas bata siya sakin, kaya ang tawag niya sakin ay Noona(older sister sa korea) katunog daw ng pangalan ko.. kaming tatlo palagi magkasama ni Justin at Venus..itong si Justin akala mo lang tatahi tahimik yun naman pala makulit din..palagi niya nga ako kinukulit, kung pede daw ako na lang ang mahalin..ewan ko ba, alam ko naman hindi seryoso pati nakilala niya na si Ace..pano kasi brokenhearted pala ang loko kaya napilitan lumipat ng school.. palagi ko naman niloloko kay Venus, kaso hindi sila magkasundo..feeling ko e may younger brother ako pag kasama si Justin, napaka isip bata kasi..

One week na lang 21st bday ko na..

wala akong plano na engrande, ang gusto ko lang e kumpleto kaming family tapos mga close friends ko..

mas gusto ko ang simple lang..

sabi ni mama siya na lang daw bahala magprepare para sa kanilang prinsesa..

spoiled kasi ako.

umuwi sila kahapon lang..pero aalis din daw sila pagkatapos ng bday ko, kasi di daw nila pede iwan ng matagal yung business nila dun..

haay, ibig sabihin one week lang talaga sila dito..

si kuya naman the day before pa daw ng bday ko ang dating kasama asawa niya at pamangkin ko..

sana man lang may kapatid pa ako para may kasama ako dito sa bahay pag wala sila..

anyway..

Sunday ngayon, dito lang ako sa bahay kasama nina mama at papa kahit ilang beses na ako kinukulit ni Ace na lumabas naman daw kami..

nangungulit kung di ko pa daw siya pwede ipakilala sa parents ko..ang sabi ko naman, sa bday ko na lang mamimeet niya rin..

miss ko siya..

kinuha ko phone ko at tinawagan siya..

may ipagpapaalam din kasi ako.

*calling Mr. Suplado*

(Bhie napatawag ka?miss mo ko?)

(haha..asa ka! asan ka ba?)

(andito sa bahay, nakakainip yung isa kasing bata diyan ayaw ako samahan)

CHANCES and REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon