bago ako makaalis sa bahay nina Eunna matagal din akong parang estatwa sa harap ng bahay nila..
habang nakatingin sa kuwarto niya at umaasang lalabas siya para bawiin lahat ng sinabi niya..
kailangan ba talagang dito humantong ang lahat?
hanggang ngayon hindi parin malinaw para sa akin ang lahat..
kung bakit kailangan niyang bumitaw at pliing iwan ako..
ano bang kasalanan ko?
masama yung loob ko..
hindi ko kasi naiintindihan ang nangyayari..
dahil lang ba to sa nangyari samin nung bakasyon?
tungkol parin ba to kay Maui?
kay Nate?
gulong gulo na ako.....
hanggang sa mukhang wala na akong hinihintay..
buo na ata ang loob niya..
bakit ganon? ang bigat sa loob..
kahit gusto kong magwala! sumigaw! para lang masabi ko ang bigat na nararamdaman ko..
saan ba ako nagkulang??
sumakay na ako ng kotse ko..
wala ako sa sarili ko..
hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko na rin namamalayan na halos lumipad na ang sasakyan ko kung gaano ako kabilis magpatakbo..
bahala na! siguro kung maaga pa..maaring mahuli ako ng traffic enforcer dahil sa bilis ng takbo ko..
wala akong gustong puntahan kundi sa lugar kung saan kaya kong mag-isip..
kung saan kaya kong intindihin lahat ng nangyayari sa akin..
sa lugar kung saan pwede kong ilabas ang nararamdaman ko..
tumigil ako sa isang bar..
hindi ko alam, pero ngayon lang ako nakarating dito..
gusto ko ng kadamay!
umupo ako sa isang bakanteng upuan at saka umorder ng alak..
wala ako sa sarili..
hindi ko namamalayan na madali kong nauubos ang bawat bote ng alak na inoorder ko..
kahit gusto ko mag-isip bumabalik lang ang lahat ng alaala namin ni Eunna..
at lalo lang ako nalulungkot..
hindi ko iniintindi ang mga tao sa paligid ko..
naiinis ako pag nakakarinig ng mga masaya at nagtatawanan!
masama to..
baka hindi ko mapigilan ang sarili ko..
baka mapaaway ako..
naiingayan na ako sa mga taong nasa paligid ko..
gusto kong magreklamo!
tatayo na sana ako at sisigaw pero may tumapik sa mga balikat ko...
"Pare hindi matutuwa si Eunna kapag nakita ka niyang ganyan"
huli na nung narealize ko na si Nate yun..
bakit ang liit ng mundo para sa aming dalawa?
wala ako sa mood para makipag-usap sa kaniya..
minabuti kong umupo na lang ulit ang ipagpatuloy ang paginom ng alak..
BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
RomanceKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..
