EUNNA's POV
IIsipin mo na ang tanga tanga ko..
IIsipin ng lahat na mali ako..
Iniisip ni Ace na unfair ako...
pero nasasaktan din ako...... :(
nauna ako umuwi sa Batangas dahil hindi ko na kaya..
hindi ko na kaya na nasasaktan ako..
gusto ko mag-isip isip!
pagod na ako na palagi na lang ganito..
alam kong may mali..
pero ano?
alam kong may kulang..
pero ano yun?
alam kong may sobra..
pero ano ang dapat bawasan?
alam kong masakit..
pero bakit?
alam kong mahal ko siya..
pero hanggang saan?
hanggang kailan ko kayang manindigan?
paano ko malalaman lahat ng tanong..
paano ko lahat maayos to..
hanggang sa bumigay na ako....
hanggang sa napagod na ang isip ko..
hanggang sa nagmamakaawa na ang puso ko..
na magpahinga sa lahat!
sinundo ako ni Cha pauwi ng Batangas..
noong bago ako umalis..
humingi muna ako ng sign..
ipinaubaya ko sa isang tao ang pag-alis ko..
kung si Ace ang makikita ko..
hindi ako aalis..
kung si Nate..
kakalimutan ko lahat ng nangyari at magpapatuloy..
kung si Maui..
kailangan kong umalis..
hindi ko alam kung may sense ba ang hiningi kong sign..
basta naniwala lang ako na baka tutulungan ako ng tadhana kung ano bang dapat kong gawin..
bago ako umalis..
si Maui ang nakita ko..
pero bakit siya????
bakit hindi si Ace?
nalungkot ako kasi kailangan ko ng umalis..
"saan ka pupunta? susuko ka na? kasi napatunayan mong loser ka? lahat ng sayo.. nakukuha ko! you're nothing but a worthless bitch!"
yun ang masasakit na salita na sumampal sa pagkatao ko..
na ang tanging nasabi ko lang...
"you are nothing but a hopeless..wala ka na talagang pag-asa.."
at saka ako tuluyang umalis..
hindi ko alam kung bakit hindi kami magkasundo..
hindi ko alam kung bakit palagi kami pinagtatagpo..
basta ang alam ko kailangan ko masagot lahat ng tanong ko sa sarili ko ng ako lang......
noong gabing hinihintay ko si Ace..
humingi din ako ng sign..
na kung hindi siya darating para sundan ako..
baka nga kailangan ko muna ng space sa isang relasyon!
hanggang sa hindi siya dumating at nabuo na naman ang loob kong sundin ang sign na hiningi ko..
masakit! noong una akala ko hindi ko kaya!
pero nung gabing yun..
nakaya ko!
alam kong unfair ako kung dahil lang sa sign ang naging desiyon ko..
pero hindi lang ito tungkol sa sign..
dahil hindi ko naman hihingin yun kung hindi rin yun ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko lang talaga kayang magdesisyon sa sarili ko...
alibi ko lang ang sign!
dahil natatakot ako na harapin ang katotohanan sa kabila ng lahat ng naiisip kong gawin..
dahil kahit noong una pa, hindi ko na kayang maninidigan sa sarili ko..
saka lang ako magsasalita kung kailan huli na..
saka lang ako magrereklamo kung kailan sobra na..
saka lang ako hihingi ng tulong kung kailan hindi ko na kaya...
kailan ko kayang panindigan ang sarili kong nararamdaman?
kailan ako hindi maghihintay na mahuli ang lahat..
buhay ko na si Ace at masakit sa akin na pipiliin kong umiwas muna sa kaniya..
hindi ko siya gustong mawala sa akin, at lalong hindi ko gustong iwan siya..
alam kong mahal niya ako at naniniwala ako dun..
pero hindi ko mapigilang mag-isip kung hanggang kailan niya kayang paninidigan yun?
pati ako hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kayang panghawakan ang sarili kong nararamdaman..
na sa tingin ko..
malalaman namin yun kung magbibigay muna kami ng distansya sa isa't isa..
lalo na sa akin, alam ko malalaman ko yun kung kaya kong magsimula ulit...
habang unti unting umaalis sa nakaraan ko..
pakiramdam ko kasi paliit ng paliit ang mundo namin..
nakakasakal.. at hindi na ako makahinga..
baka panahon naman para palawakin muna namin ang mga mundo namin..
bukas aalis na ako..
pakiramdam ko mabigat yung loob ko dahil nasasaktan ko si Ace..
pero mas bibigat ang loob ko kung hindi ko mapapanindigan ang desisyon ko..
kung isang magandang pagkakataon ang mahalin si Ace..
sana hindi ko pagsisihan ang desisyon ko...
sana kung kami, sana kami nga kahit anong mangyari!
kung makikita ko man siya bukas..
ang hinihiling ko lang sana maging malakas ako para sa desisyon ko..
sana kahit ngayon may mapanindigan ako!
kahit ngayon lang...
:(
i'm a fan of our smooth relationship..
i'm a fan...
and i know i will always be..
sana siya rin! :(
kahit masakit..
kahit mahirap...
:(
kahit kailangang maghintay..
:(
BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
Roman d'amourKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..