EUNNA's POV
Pagkatapos ng official break up namin ni Nate hindi ko alam kung san ako pupunta.. gusto ko mag unwind..gusto ko maging masaya kahit sandali lang..Ayoko ng ganito iyak lang ako ng iyak..
Hindi niya na ko hinabol kanina sa restaurant maybe tama talaga ginawa ko..o talagang mahalaga na para sa kanya ang babaeng yun..dahil kung hindi, hindi na dapat naextend ang 2months na sinasabe nya..siguro nga inlove na siya..sakit! Palagi sila na lang ang magkasama, nakakalimutan niya na ko itext..di na sya tumatawag..tapos nagpapahalik pa sya sa mukang susong yun..di na kami halos magkita..kung magkita man kami di ko masolo oras niya..at parang nagbago na sya saken..akala ko saglit lang ang 2 months..hindi pala, pakiramdam ko bawat oras ang katumbas isang araw..ganun katagal! Kakainip..kung mahal talaga niya ko, tinapos niya na yun at sana Masaya na ulit kami ngayon..
Bakit pa kasi nung una pa lang pumayag ako sa planong yun, kahit alam ko na parang kalokohan lang yun..wala ako nagawa..hindi ako nagalit kasi inisip ko para san pa ang magalit? Lalo ko lang siya pahihirapan..Ok pa nung simula pero habang tumatagal lumalala..siguro nakatakda talagang mangyari to samen..
Hindi ko lang inakala na dito matatapos ang lahat..
Akala ko sapat ng mahal ko siya..
Akala ko sapat na ang magtiwala at umasa..
Akala ko ipaglalaban niya ko..
Hindi pala…
Pero atleast nagawa kong panindigan kahit sa huling pagkakataon ang nararamdaman ko, nasabi ko sa kanya mga naiisip at nararamdaman ko.. Nasanay kasi akong tinatago ko lang..Oo mahal ko pa rin siya, alam ko hindi siya ganun kadaling kalimutan..kung nasaktan ko man siya, pareho lang kami.. sana maging Masaya parin siya…
Buti na lang dala ko kotse ko…
Naalala kong may gimik kami nina Cha..tinanong niya ko kanina kung makakapunta ko sinabi ko na lang di ako sigurado..tapos ngayon na feel ko parang ang sarap uminom ng alak..pakiramdam ko ok lang mapakalasing, baka sakali mababawasan ang sakit..nasa Exodia bar daw sila..katetext lang nya andun pa daw sila..di ko pa sinasabi about samen ni Nate, ayoko magmukang kawawa…
Finally, I am here..
Buti na lang maganda ko sa gabing yun..buti na lang di halata saken dinudurog ang puso ko..hinanap ko sila..si Cha parang may tama na, kasama si Alexa, Aaron, Jeckay basta madami sila.. Masaya sila nung nakita ako, itong si Cha inabutan kagad ako ng beer teka di muna tinanong kung kumaen na ko..tsk..ako naman sunggab nga agad..problemado e..
“Mahal, ok na kayo ni Nate mo?” tanung niya.
Sasabihin ko na ba?
“ Wala na kami..” matipid yung sagot ko..sabay laklak ng beer.
“Ok lang yan, madaming gwapo sa mundo..hayaan mo na sya, you deserve someone better..”
Ewan, pero parang sa sinabi niya, lumakas bigla loob ko.. oo nga naman..i deserve someone better nga siguro..May better pa ba ke Nate?haayy..
“Guys listen, I would like to announce that our very own Precious Eunna is now single and available for good!!!! It’s official! Cheeers!!!!”
Huwwwwhaaat!Charlota kelangan pa talaga iannounce yun sa barkada? Tsk… ok lang malalaman din nila.. Wala naman ako ibang nakita sa mga reaction nila kundi ok lang yan di pa daw katapusan ng mundo..haay buti na lang andiyan sila… Kahit puro parang mga lasing na, matitino parin naman kausap..
Madami na ata ako naiinom..ewan para namang di ako tinatablan e.. Pumunta ako dun sa may bartender tapos pinanood lang kung pano niya ihagis yung mga bote..pampalipas oras, Nakatalikod ako sa madaming tao..ayaw ko naman sumayaw..wala ako sa mood..
BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
Roman d'amourKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..
