maaga ako nagising..
medyo maganda naman yung tulog ko..
pagkagising ko kumain muna ako ng almusal, tapos tinext ko si Ace susunduin na lang daw niya ako mayang gabi..
pupunta daw siya sa Manila ngayong umaga para magfile ng review niya at para makahanap ng condo..
siguro kung wala kami pupuntahan na bakasyon kasama niya ako dun..
meaning tuloy na tuloy na talaga kami sa bakasyon namin sa Boracay..
although may pag aalinlangan ako, excited pa rin naman ako na makarating sa dun! :)
pagkatapos ko kumain umakyat na ako sa taas para magimpake ng mga gamit ko sa maleta na dadalhin ko sa Singapore..
nagbaon ako ng maraming damit at madaming printed pictures namin ni Ace kahit na ang dami naman namin pictures sa iPad ko..
sunod ko namang inihanda ay mga gamit na dadalhin ko sa Boracay..
saka ko lang napansin na wala pala ako swimwear..
pati kokonti lang yung mga pang summer kong damit..
di ba halos naman ng nagpupunta sa beach ay naka swimsuit? hala.. buti na lang in control pa din ang diet ko..
tapos biglang may nagtxt sa akin..
si Cha, nangungumusta..
buti na lang nagtxt siya, naisip ko tuloy na ayain siya sa mall..
nung nalaman niya ang tungkol sa bakasyon namin at kasama namin si Maui at Nate siya na mismo ang nagsabi na kailangan naming mag shopping at hindi daw ako dapat magpahuli ng beauty kay Maui.. haha adik talaga tong si Charlotta..
kaya yun mga 10 am na nun..
sa mall na kami nagkita..
namiss ko ang babaeng to..
kasi bihira na lang kami magkasama ngayon..
kung pwede ko nga lang siya ayain sumama kaso hindi naman daw siya pwede kasi hindi rin makakasama si Joseph niya, biglaan daw kasi..
biglaan naman kasi talaga..
kaya ayun, inikot namin ang buong mall..
si Cha na ang namili ng mga swim wear ko.. may two piece siyang binili mga dalawa yun..
ayoko naman pumayag ang kaso wala ako nagawa.. bagay daw sa akin yun at tsaka hindi naman daw ganun ka daring..
magsuot na lang daw ako ng short sa ibabaw..
may swimwear naman siyang pinili na hindi two piece..
may pang wholesome naman, maganda yung fit sa akin..
tapos pumili din siya sa akin ng mga usong summer dress ngayon..
may mga short na maiikli din kaming binili kahit na sabi ko na magagalit sa akin si Ace hindi pa rin nagpaawat itong si Cha..
kaya ko naman daw dalhin e tsaka wag daw ako magpadala sa kj kong bf.. haha
may mga accessories din kaming binili..
bawat terno ng damit may accessories.. kumpleto rin nga ang mga shades na binili namin..
pati mga summer hat meron din..
kumpleto lahat kahit mga footwear..
pag kami talagang dalawa ang magkasama walang katipiran! haha..
dapat daw kasi araw araw akong maganda sa bakasyon namin..haha
one week din kasi yun dapat marami din akong baon na damit..

BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
RomanceKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..