ACE's POV
Pinakamasayang araw na ata ng buhay ko ang naging date namin ni Eunna sa Baguio..
Haayyy..Bakit ba sa araw araw na ginawa ng Diyos lalo ko lang minamahal si Eunna!! Natotorete na ko.. Ano kaya nararamdaman niya para sakin??
Ayoko magassume na ganun din siya sakin.. Gusto ko na aminin lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya..
Nang araw ding yon pagkauwi namin galing sa bakasyon, minabuti kong magpahinga..konting panahon na lang at masasabi ko narin ang nararamdaman ko para sa kaniya..
Namimiss ko na kagad siya kahit ilang oras pa lang kaming naghihiwalay..
Kinagabihan..
Napagpasyahan kong pumunta sa bar nina ate para kumanta..
namimiss na daw ako ni Ate e..
Nang gabi ding yun may nakilala akong isang babae..
Kaibigan daw niya si Eunna..
Pero hindi siya si Cha..
Nagkuwento siya tungkol kay Eunna..
Mga bagay na gusto kong malaman mismo kay Eunna..
Masaya ako ng araw na yon..
Pero nalaman kong kabbreak lang pala ni Eunna mula sa isang mahabang relasyon..
Kaya pala ganun siya kalungkot at nahihirapan...
nakaramdam ako ng selos..
Hindi detalyado ang naging kuwento niya..
Hindi ko rin alam kung ano ba talaga intensyon niya at kinuwento niya sakin yun..
Sabi niya baka daw ginagamit lang ako ni Eunna para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya..
Layuan ko na raw si Eunna..
Hindi ako naniniwala..
Mahal pa kaya niya ang ex niya??
Ako? Mahal niya ba ko?
Bakit hindi man lang siya nagkukuwento sakin tungkol dun kung talagang nakalimutan niya na ito?
Bakit niya hinayaan pa niyang mahalin ko siya??
Hindi ako galit..
Naguguluhan ako at nasasaktan..
Ano ba dapat kong gawin ngayon???
Maniniwala ba ako?
Pero di ba sabi nga ex na...
Feeling ko hindi naman ganun si Eunna..
Sana nga..
dahil ngayon pa na mahal ko na talaga siya..
Pero kung ganun man nga..
Sana hindi niya lang talaga ako ginagamit... :(
Hindi ko alam kung bakit sobra akong apektado..
Hihintayin ko na lang na si Eunna ang mismo magsabi sakin ng lahat..
Baka hindi pa siya handa sabihin sakin ngayon, baka naguguluhan pa siya..
Minabuti ko na hindi muna magparamdam kay Eunna, isang araw...dalawang araw...hanggang sa di ko namalayan, halos umabot na pala ng isang linggo..nagtetext naman siya saken pero tiniis ko na di muna siya kausapin..baka hindi ko kayang magpretend sa harap niya..
Palagi ako tulala, malungkot..dumadalas din ang pagiinom ko..ano ba to siguro nga nakulam na ako..haay
Inaamin ko namimiss ko na siya..
BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
RomanceKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..