CHAPTER 32: DAY 3 sa Boracay

67 0 0
                                        

kinabukasan hindi pa rin mawala sa isip ko yung eksena namin ni Nate..

bakit kasi kailangan niya pa magsalita ng ganon?

pakiramdam ko tuloy paliit na ng paliit ang pagitan naming apat..

sana talaga hindi ako nagkamali na sumama ako dito..

ako na lang pala ang gising sa kuwarto..

wala na si Maui, siguro kanina pa siya gising..

bumangon na ako at naghilamos..

at saka ako lumabas..

nakita ko si Ace at si Maui sa may sala..

nakaupo, nag-uusap at mukhang masayang nagkukulitan..

ano ba yan, bakit pag nakikita ko silang magkasama bigla na lang hindi ako nagiging kumportable? haay..

tapos bigla napatingin sa akin si Ace..

at tinawag ako..

"Bhie, gising ka na pala..come here join us! nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa pagkabata namin.."

oo na!

alam ko ng magkababata kayo..

at hindi ko gustong malaman ang tungkol dun..

"halika Eunna.. natutulog pa si Nate kaya kami na lang dalawa ni Ace ang nag-uusap, mukha kasing napuyat kayong dalawa kagabi?"

there something in her words na hindi ko maexplain..

may iba ba siyang ibig sabihin?

kung sabagay lahat naman ng sinasabi niya laging may ibang ibig sabihin kaya hindi na ako nagtataka kung may gusto siyang iparating..

hindi ko na lang siya papansinin..

napilitan akong sumali sa usapan nila..

umupo ako sa tabi ni Ace at inakbayan niya ako..

"you know what Eunna, nung mga bata pa kami lagi kami magkasabay maligo niyang si Ace..at alam mo ba na..."

inalis ni Ace ang pagkakaakbay sa akin at pilit tinatakpan ang bibig ni Maui..

pero si Maui nagpipilit na masabi yung gusto niya sabihin..

"Choi, stop it!"

pero kahit hindi na makapagsalita ng ayos si Maui dahil sa kamay ni Ace pilit pa rin niya sinasabi ang gusto niya sabihin..

ano ba kasi yun?

"bakit ba? wala naman ako ibang masamang sasabihin ah?"

"ganito kasi yan Eunna.. si Ace kasi.."

"Choi, isa!"

ang saya nila pareho..

pakiramdam ko tuloy OP ako dito..

as in out of place..

"alam mo ba takot na takot yang si Ace dati magpa tuli! haha akala nga namin bading yan e!"

"kailangan mo ba talaga sabihin yun? hindi naman ako takot.. naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.."

"grade 5 ka na nun Choi pero hindi ka pa rin tuli! binata ka na! yun ba tamang pagkakataon??haha buti na lang kamo sinamahan kita.. naku kung hindi siguro college ka na hindi ka pa rin tuli.. haha"

si Maui ba talaga kasama niya nun?

haaay..

siguro nga ganoon na kalalim ang pinagsamahan nila..

CHANCES and REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon