ACE's POV
ilang araw na nung huli ko siyang nakita..
mali, halos tatlong buwan na pala.....
para sa akin sobrang tagal na..
kahit anong uri ng komunikasyon wala kami..
mukhang pinanindigan niya talaga ang space na gusto niya..
ilang beses na sinubukan kong tawagan siya..
kahit sa internet gusto ko makausap man lang siya..
pero wala akong lakas ng loob para gawin yun..
nakuntento na ako sa mga balita galing kay Charlotte, pinadadalhan niya ako ng pictures ni Eunna sa tuwing magkakausap sila..nakuntento na akong titigan at kausapin yun!
para na nga akong baliw..
sinunod ko ang gusto niya..
ang magfocus sa review ko, nagkaroon ako ng goal na ipasa to para sa kaniya..
palagi ko parin naaalala ang araw na umalis siya..
pag naiisip ko yun hindi ko parin mapigilang malungkot, kung minsan at madalas napapatahimik na lang ako..
noong tuluyan na siyang umalis at hindi ako tingnan, minabuti kong tumalikod na lang din para hindi ko makita ang pag-alis niya.. dahil alam ko hindi pa yun ang huli para sa amin..babalik siya..
kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil sa hiwalayang iyon..
naniwala parin ako na may magandang patutunguhan yun basta magtiwala lang ako..
halos tatlong buwan na akong broken hearted..baduy! tsk...
libro at gitara lang ang naging mundo ko sa tatlong buwan na yun..
ilang beses din akong sinubukang ipakilala ng mga kabarkada ko sa ibang babae pero kahit isa sa kanila wala akong tiningnan..
palagi kong suot ang relong binigay sakin ni Eunna nung bday ko.. sa tuwing titingin ako sa relo nagkakaroon ako ng pag-asa na malapit na siyang bumalik..
at tulad ng sinabi ko..
maghihintay ako..
dahil alam kong babalik siya..
babalik siya!!
sabi ni Charlotte ok lang daw si Eunna..ok naman daw ang training niya dun..
hindi ko na tinatanong kung ako ba naaalala niya rin dun..
masaya na ako na alam ko na mukhang nagiging ok ang lahat sa kaniya..
kung babalik siya sakin?
hindi ako sigurado...
basta bahala na maghihintay lang ako..
lunes hanggang biyernes ang review ko..
pero umuuwi ako tuwing weekends sa Batangas..
may inuuwian kasi ako..
mula nung gabing umalis si Eunna..
yun na ang naging comfort zone ko..
doon ako kumukuha ng inspirasyon.................
kapag andon ako pakiramdam ko nagiging masaya ako kahit saglit lang....
habang tumutugtog ako at nagsesenti..
may dumating sa condo ko..
noong una wala akong idea kung sino....
BINABASA MO ANG
CHANCES and REGRETS
RomanceKailan nga ba ang tamang panahon ng PAGBITAW sa kabila ng PAGHIHINTAY??? it's all about taking chances... life is full of choices..it's just a matter of how you will love your choice..