CHAPTER 39: I won't GIVE you up

76 0 0
                                    

pagkatapos ng gabing yun..

hindi ako nakatulog..

namimiss ko siya...

namimiss ko si Ace..

hindi na siya nagparamdam kagabi,

masakit sa akin na hayaan siyang umalis na nasasaktan..

noong nakita ko siyang nalulungkot at parang hindi matanggap ang nangyayari..

gusto ko magalit sa sarili ko..

gusto ko sisihin kung bakit ako ganito! kung bakit napakahina ko, at kung bakit kailangang mangyari pa samin to..

at higit sa lahat gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit siya nasasaktan...

:((

pakiramdam ko gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi ko kagabi..

kapag naiisip ko na aalis na ako mamayang gabi papuntang Singapore at kapag naiisip ko na mas matagal ko siyang hindi makikita.. hindi ko ata kaya!

hindi ba pwedeng magkahiwalay kami sa magandang paraan?

yung hindi ganito kasakit..

at yung hindi ganito kahirap...

halos hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang pagaalala kay Ace..

umiyak lang ako ng umiyak..

wala akong gustong kausapin kahit may mga tumatawag sa cellphone ko..

ang iniisip ko lang ay si Ace..

sana hindi siya magalit sa akin!

pero alam ko na matibay siya, maiintindihan niya rin ako kung bakit kailangan ko tong gawin..

kailangan ko tong gawin... :'(

hinihintay ko kahit man lng txt niya o kaya kahit saglit na tawag para malaman ko kung ok siya..

pero wala, siguro nga masama yung loob niya sakin..

hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras..

nakahanda na lahat ng gamit ko..

nakahanda na ang lahat sa pagalis ko..

ako na lang ang hindi! :(

naisip ko na lang na baka nga mas mabuti pa na hindi na lang ako kausapin ni Ace bago ako umalis dahil baka magbago bigla ang isip ko, at mawala lahat ng sakripisyo ko.. ginagawa ko naman to hindi lang para sakin kundi para sa amin dalawa..

hanggang sa oras na ng pag-alis ko..

nagpaalam ako kay Manang at Manong Jun..

hindi ko sila kasama sa paghatid sa akin sa Airport..

si Charlotte at Justin ang maghahatid sa akin dahil sila lang ang pinayagan ko..

kung tutuusin mas gugustuhin ko pa sana na si Manong Jun na lang maghatid sa akin para hindi ako mahirapan umalis..

pero mapilit si Charlotte.. gusto niyang masiguro na ok ako..

kahit alam niya na hindi..

paalis pa lang ako ng bahay gusto ko na umiyak..

nakailang ulit akong tumingin sa cellphone ko at umaasa na magtetext man lang si Ace para sabihan ako ng mag-iingat..

hindi ko rin naman inaasahan na dadating siya para ihatid ako sa Airport..pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi, siguro ayaw niya na ako makita pa... :(

CHANCES and REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon