Irina's Pov
Irina I like you!...I really do!
Irina I like you!...I really do!
Irina I like you!...I really do!
Irina I like you!...I really do!
Irina I like you!...I rea-----
Pwede ba! Arrrghh! Kailangan talaga paulit ulit?!! Paulit ulit! Pa ulit ulit!!!
"Bwesit talaga ang bakulaw na yun!..ano bang pumasok sa gwapo niyang mukha----este sa utak niya at sinabi yun?! Anlakas talaga man trip ng gago na yun! Arrgh! Yan! Yan ang nararapat sayo!"
*pok*
*pok*
*pok
*po---
"Araay!!"
Agad akong napaupo dahil sa sakit ng paa ko, sinipa sipa ko kasi yung kahoy na malapit sa akin at iniisip ko na si bakulaw yun, na bubwesit talaga ako sa kanya! Akalain niyo ang lakas ng loob sabihin sa akin yun! At ang lakas niyang mangtrip sa akin! Pwes! Hindi ako madadala sa trip ng bakulaw na yun! Hmmp!
Pero------ANSAKIIIIT TALAGA!!
Halos mangiyak ngiyak na ako!
Hindi lang dahil sa sakit kundi dahil hindi ko na alam ang daan pabalik!na lintikan na talaga! Ngayon ko lang talaga napansin na nawawala na pala ako! Paano na ngayon?! Andito pa naman ako sa gubat, pumasok ako ng di ko man lang namamalayan, as in liblib na'to eh!
At isa pa, paano ako makakalakad nito, ansakit parin ng paa ko, parang may naipit atang ugat, hindi nadadala ng hilot to.
Nagpalinga linga ako...gosh! Dumidilim na! Nakaramdam tuloy ako ng takot, pano pag merong aswang dito?, o umaalolong na aso? And i'm sure may mga ahas dito! At mababangis na hayop! Kahit naman mukhang paraiso ang lugar na'to sa umaga, pero ang creepy naman sa gabi!
Nakakainis naman eh! Hindi man lang ba ako sinundan ng bakulaw na yun?! Paano na ako nito?! Lagot talaga sa akin ang lalaking yun.!
*Awwwwooooooo*
waaahh! Ano yun?! Sabi ko na nga ba eh! May umaalulong na aso dito! Sa palagay ko nga hindi aso yun kundi lobo!
Anlakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.
Asan na ba kasi ang bakulaw na yun?! Dapat sinundan niya ako!
*Awwwwoooooo*
Ayan na naman! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapaiyak!
"Red! Asan ka na ba?"
Anas ko sa kabila nang paghikbi ko, nakaduko na ako ngayon dahil taas baba na yung balikat ko.
Pero napasinghap ako, ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa aking likuran, naramdaman ko agad ang init ng katawan niya.
"Sshh..don't cry...i'm here now.."
Mas lalo tuloy akong napaiyak, akala ko di niya ako susundan, akala ko di niya ako makikita, akala ko galit siya sa akin dahil lagi ko na lang siyang iniirapan, sinusungitan, at di pinapansin.
Nakaramdam tuloy ako nang pagkahiya sa sarili ko, sa kabila nang lahat ng ginawa ko sa kanya, now he's here with me..wash away my weakness..ang mag isa, ayaw kong mag isa dahil natatakot parin ako, iniwanan na ako noon, at ayaw ko ulit maramdaman yun ngayon, pero nung dumating si Red ngayon at kasama ko siya dito sa gubat biglang nawala yung takot ko kanina, naramdaman kong di ako nag iisa, i feel secured in his arms...
Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya yung yakap niya sa akin, na para bang ayaw niya na akong pakawalan.
"I'm sorry kung ngayon lang ako dumating..."
I felt sencirity in his voice, na parang anlaki ng kasalanan niya sa pang iiwan sa akin, pero hindi niya kailangan mag sorry.
Gusto kong magsalita pero pinili ko ang tumahimik, tumigil na din ako sa pag iyak, dahil alam kong safe na ako ngayon.
Kumalas na siya sa akin, at agad ko namang pinunasan yung pisngi ko, nakakahiya, first time niya akong makitang umiyak, alam naman niya na masungit ako , maldita, at hindi basta basta umiiyak sa mababaw lang na dahilan, in short! Matigas ako, hindi basta basta nadudurog, nasasaktan, at naaapektuhan sa mga sinasabi ng iba.
Nagulat pa ako nang tumalikod siya at tinukod yung tuhod niya sa lupa, nakakunot yung noo ko na napatingin sa kanya.
"A-anong ginagawa mo?"
Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Sumakay ka sa likod ko.."
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya, ibig sabihin ba niya piggiy back ride?
Psh! Oo Irina! Wag ka ngang engot!
"Teka! Ayaw ko nga!.."
Sabay halukipkip ko, bakit kailangan ko pang sumakay sa likod niya, kaya ko namang maglakad,
maglakad? Haist! Ang engot engot mo Irina! Nagmamalasakit lang yung tao eh!
"How can you walk, when you have an injury?"
Lingon niyang sabi sa akin.
Oo na sorry na! Nagulat lang naman ako, bigla kong nakalimutan na may pilay pala ako, tsk!
"Fine!.."
Nag-aalangan pa akong kumapit sa balikat niya, pero nung napahawak ako sa kanya bigla nalang may na feel akong kuryente na dumaloy sa akin, tsk! Ang wierd!
Nang tuluyan na akong nakasakay sa likod niya, unti-unti na siyang tumayo sabay buga ng hangin, nabibigatan ba siya sa akin?
"Kung nabibigatan ka sa akin, pwede mo naman akong ibaba.."
"Oo nga eh ang bigat mo..pero wala naman akong choice eh.."
Ah ganun!
"Ganun naman pala! E di e baba mo na ako!"
I hissed sabay likot ko sa likod niya.
"Wag ka ngang malikot! I'm just kidding!.."
Natatawa niya pang sabi sa akin, sasapakin ko talaga siya eh! Pasalamat siya at may utang na loob ako sa kanya. Psh!
"Actually, ang gaan mo lang..tama lang naman yung katawan mo.."
My god! Bakit ngumingiti ako?! Naku Irina itigil mo ang kabaliwan na yan! Wag mong sabihing kinikilig ka sa sinabi niya?! Jusko naman! Parang wala lang yun eh! Walang ibang ibig sabihin yun? Iniisip mo bang sexy ang meaning dun?
Naku Irina! Nababaliw ka na!
Pero lechi! Hindi ko mapigilan eh!
"S-saan tayo ngayon?.."
Pag iiba ko na lang ng topic, baka kasi tuluyan na akong mabaliw, psh!
"Hahanapin natin ang daan, baka hinahanap din nila tayo, kaya kailangan nating kumilos dahil lumalalim na yung gabi, at delikado na.."
Malayo layo narin yung narating namin pero di parin namin makita yung daan palabas nitong gubat, feeling ko nga nangangawit na tong bakulaw na'to, sabi ko nga sa kanya na ibaba na ako, pero ayaw naman niya.
Ilang sandali pa may narinig kaming sumsigaw.
"Bestfriend!"
"Red!"
Teka! Sila Raven at bestfriend yun, mukhang malapit na kami sa kanila, nabuhayan agad kami ng loob.
Nagmadali sa paghakbang si Red, at ako naman ay sumisigaw.
"Raven! Bestfriend! Andi------"
"Irina!"
Pero bigla nalang namin naramdaman ang malakas na impact ng aming katawan ni Red na sa isang matigas na bagay.
Ang huling narinig kong boses ay kay Raven.
BINABASA MO ANG
"Capturing you"
Teen Fiction'CAPTURING YOU' by:juddyanbarrete6 COPYRIGHT All rights reserve character: Irina Marshiela Montero Red Monteverde Raven Samonte Tiffanny Mae Elizundo