'Fight the bad feeling'

19 2 1
                                    

Irina's Pov






"O M GEE!! i'm so excited and i just can't fight it!!.."

Opo kumakanta po ang loka loka kong bestfriend, at sobrang ingay niya po na parang hindi nakakain ng umagahan, psh..

Minsan talaga nakakarindi ang boses niya lalo na pag sumisigaw.

"Bestfriend, excited na talaga akong mag island hopping, antagal ko na tong di ginagawa..blah blah blah.."

Kasasabi ko lang na ang ingay niya, tsk!

So dahil nga 1 week kami dito, at dahil merkyules pa ulit yung photoshot namin, so ngayon pinlano namin ni Raven na mamasyal muna at naisipan naman niya na mag island hopping nalang, at nakakapagod yun at inaantok pa ako, pero ok narin para kukuha narin ako ng magagandang tanawin para may iguhit na naman ako, andami ko kasing collection sa mga drawing ko.

*Yaaaawwwwn*

Gosh! As in inaantok pa ako!

Kaya nag unat muna ako sabay tingin ko sa kabilang side, pero nakatitig ang isang bakulaw sa akin, ewan ko ba di ko rin maiwasang mapatitig sa kanya. Sh*t !!! Oo na bagay sa kanya yung suot niya..Tsk!

Oo na gwapo siya!!

Tsk!

Pero bakulaw parin siya..

Pero bigla siyang natawa, at narealize ko na naka nga-nga pa pala ako at naka-taas pa yung dalawa kong mga kamay, and not in nano second binaba ko agad ang aking kamay at agad na tinalikuran siya.

Arrggh! Damn! Talaga bang natulala ako? At ano tong nararamdaman ko? Bakit umiinit yung pisngi ko? Wag niyong sabihin?!!

NO!!!! MALI KAYO NG INIISIP!!
ARRGH!

Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kahapon, yung ano...ay! Bw*sit! Bakit ko ba naaalala yun! Nasisira araw ko eh!

"Irina.."

Napatingin naman ako kay Raven na papalapit sa akin, sino kayang pina pa gwapuhan ng lalaking to'? Simple lang naman yung suot niya pero, gwapo parin..

Hmmmm...si Tiffany kaya?..

Napangiti ako sa naiisip ko, baka nagkaka gusto nato'ng si Raven kay Tiffany..good for them, supportado ako sa kanila, pero kulang pa ng push tong si Raven para umamin kay Tiffany, halata namang may gusto tong si Raven sa bestfriend kong loka-loka, torpe lang talaga to'..

"Bakit namumula ka?.."

Agad niyang tanong sa akin ng tuluyan ng makalapit.

Ha? Namumula pa ba ako? Damn!

"A-ano..ang init kasi..oo tama..ang init.."

Aish!!

Pero mainit naman talaga, buti nga naka sumbrero ako ngayon eh at nakapag sunblock na din.

At oo nga pala, gusto ko lang ipa alam sa inyu na ayaw ko sa suot ko ngayon, psh!

=____=

Ayaw ko sa mga dress, sun dresses..Arrgh! Alam niyo naman kung sinong nagpa suot sa akin ni to' ..

Ok na sana sa akin yung jeans at t-shirt eh, pinag dress pa talaga ako, hindi na ako nakapalag dahil tinali ako ng bestfriend ko at siya ang nagbihis sa akin. Tsk! Baliw kasi yun.

At ngayon sinusuri na ako ni Raven.

Oo na pangit na! Di bagay sa akin.

"Wow..you look..."

"Manang.."

Putol ko sa kanya..
Alam ko naman yun ang sasabihin niya.

Bigla naman siyang napatawa, o diba sabi ko sa inyu eh! Para talaga akong manang. Psh..

"Don't be silly...you look so amazing.."

Ay! Nambola pa..

"Talaga ba?.."

Nakangiti ko pang tanong sa kanya.

Sasagot na sana si Raven ng may sumingit na bakulaw, alam ko talaga na siya, umaandar yung radar -bakulaw is here- ko eh.

"Anong oras tayo lalakad?.."

Medyo may pagka irita niyang sabi, mula sa likod niya may lumabas na bingka---este si bianca pala, mukhang napapadalas ata pag banggit ko ng bingka, para kasi siyang bingka eh..

Pero joke lang! Hehe

Ang rude ko naman kapag ganun no.

Ngumiti naman yung bianca sa amin ni Raven ng pagka luwag luwag, correction pala kay Raven yung pagka luwag-luwag na ngiti pero sa akin slight lang. Tsk!

"Kapag dumating na yung bangkang sasakyan natin.."

Ani Raven..

Ano ba talagang problema ng bakulaw na'to? Bakit ansama niyang makatingin sa akin ngayon?! Baka nakakalimutan niya na may atraso pa siya sa akin, ihuhulog ko talaga siya sa bangka mamaya eh.

Oo ansama niya ho makatingin sa akin, hindi ko naman siya inaano ah.

"Sir Raven..andito na ho yung bangka.."

Sabay naman kaming napalingon sa nagsalita isa sa mga staff namin. At andun na nga yung pampasaherong bangga, at nagsi sakay na nga yung ibang model at staff.

"Bestfriend..tayo na!.."

Sabay hila sa akin ni Tiffany, kailan pa to narito?

Napasulyap naman ako kay Raven na nakangiti at umiling iling lang kay Tiffany dahil sa pag ismid ng bestfriend kong loka-loka. Psh..

Kaya nag patinaod nalang ako, agad kaming sumakay ng bangka yung pantatluhan yung inupuan namin ni bestfriend sa harap, ako yung humila sa kanya para maka upo kami sa pantatluhan, para maka upo si Raven.

Sinadya ko talaga dahil alam kong mag iingay na naman tong katabi ko, at ayaw kong mag ingay siya, dahil naririndi ako. Tsk..

Wag kayo, mahal ko parin to'
Kahit maingay.

"Raven, dito.."

Tawag ko kay Raven na palinga linga yung mata at mukhang hinahanap kami, napangiti naman siya at agad na lumapit sa amin.

Tumahimik nga yung katabi ko, haha, at dun lang nakatingin sa dagat.

Haist! Ang obvious niya talaga, ang obvious niya na inlove parin siya kay Raven.

At napapagitnaan naman nila ako.

"Red baby..dito tayo.."

Di ko naiwasang mapalingon,
our eyes met, nag smirk siya sa akin, at inismiran ko lang siya, at agad naman silang umupo nung bingka sa tabi nung upuan namin at means nasa right side sila, at grabe talaga ha! Kung maka dikit ang bingka na ito.

Now playing: Fight the bad feeling (korean song)
(^0^)( listen to the music,,up)

Arggh! Ayan ka na naman Irina! Umiwas ka na nga lang, i want to enjoy this ride, gusto ko na walang distraction.

Kaya kukuha nalang ako ng mga view,
At aasarin ko nalang din si Bestfriend, at kukunan ko siya ng litrato at pati narin si Raven.

kahit nararamdaman kong nakatitig parin siya sa akin.

And i hate this feeling! Bigla nalang lumalakas ang tibok ng puso ko, kahit sa titig lang niya. Aaarrghh!

Lumalala na talaga itong nararamdaman ko! Hindi to pwede..

Hindi!










I love this song! Kahit di ko naiintindihan.. Hehe
Alam niyo na san galing to.

Vote po at comment! ^0^
Sige na poooo! :3

"Capturing you"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon