Irina's Pov
"Irina wake up..."
Naalimpungutan ako sa mahinang pag yugyog sa balikat ko, unti unti ko namang iminulat yung mga mata ko at inaninag kung sino man ang yumugyog sa akin.
"Raven..?"
Mahinang sambit ko, ngumiti lang siya sa akin, bumangon ako at sumandig sa headboard ng kama.
"You've been sleeping for almost ten hours..hindi ka pa nakapag lunch kanina and then now it's dinner time, so here's your food.."
Sabay lapag niya sa kama nung maliit na table na may nakahain na pagkain.
Medyo nangunot naman ako sa sinabi niya na almost ten hours na akong natutulog, napatingin naman ako sa wall clock, and to my shock, it's 7:30 pm na, ang natatandaan ko lang kanina ay nung nag breakfast ako ng 7:00 am din, ganun ako katagal natulog?
"Sana ginising mo nalang ako kanina,.."
Medyo nahihiya kong sabi sa kanya sabay napakamot pa ako sa batok ko.
Eh kasi naman! Kahapon pa ako nakahilata dito sa kama dahil ayaw akong patayuin nitong si Raven dahil nanghihina pa daw ako, and that's true,talagang mahina pa yung katawan ko, isa na dun ang dahilan dahil nalipasan kami ng gutom, hindi rin kaya ng powers ko ang gumalaw, kaya hindi nalang ako nagpumilit.Nag pumilit lang naman ako dahil ayaw ko namang matigil ang photoshot na gagawin namin, we have only 2 days para matapos yun.
And that day halos di na ako iwan ni Raven dito at sobra siyang maka alaga sa akin na para bang baldado ako, tsk! Hello i'm totally fine, now..
Eh yung si bakulaw kaya? Ano na kayang nangyari dun? Kahapon wala man lang akong balita sa kanya, hindi naman ako makapag tanong kay Raven; ewan ko ba kung bakit, ok na kaya yun?
Why am i feel this way..ok? I'm worried! Pero wag niyo ng isipan ng kung anu ano, wala lang to' nag aalala lang naman ako dun, kasi...kasi he saved me! Kahit na sinabi niya sa akin na...na...gusto niya ako!
Arrgh! Alam ko naman nantitrip lang yun.
"Irina masakit ba yung ulo mo?.."
Takang napatingin ako kay Raven sa tanong niya worried na naman yung mukha niya na hindi na bago sa akin, psh..
"H-hindi naman..why you ask?.."
"Bakit mo sinasabunutan yang buhok mo?..meron bang masakit sa'yo.?"
Ngayon ko lang narealize ang sinabi niya, sinabunutan ko ba talaga ang sarili ko? Sh*t baliw na ata ako!
"W-wala, sinusuklay ko lang yung buhok ko.."
Gosh Irina! What a lame excuse.
Kahit naguguluhan yung reaksyon ni Raven pinili nalang niyang hindi magsalita.
Inilapit ko na lang yung tray sa akin at agad na nagsimulang kumain ng hindi tumitingin kay Raven baka kasi na we-werduhan na siya sa akin.
-------------------
Ok? Bakit di ako makatulog?! I want to sleep! I want to rest! Pero di talaga ako dalawin ni antok eh, may saltik ata.
Di ko alam kung anong gagawin ko, kanina ko pa iniisip to eh!
Bumangon ako sa pagkakahiga at sinuot ko yung jacket na nasa upuan ko lang, tumayo ako at sinulyapan ang mahimbing na natutulog kong bestfriend at ang lakas humilik ng bruha parang di babae, psh!
Lumabas na ako ng kwarto at sumakay sa elevator, pupuntahan ko ba yun? Mangungumusta lang naman ako, pero baka anong isipin ng bakulaw na yun, baka isipin niya na may gusto din ako sa kanya.
Crap! Pano ko yun naisip? Ofcourse wala akong gusto sa kanya! Period! May utang na loob lang naman ako dun, yun lang naman kaya pupuntahan ko para mangamusta aalamin ko kung buhay pa ba yun.
Pero sa huli! Wag na nga lang baka mastorbo ko pa yun, baka natutulog na yun, it's already 10 pm, kaya i'm sure tulog na yun.
In the end lumabas nalang ako ng hotel maglalakad lakad nalang siguro ako, agad naman sumalubong sa akin ang malamig na hangin kaya nayakap ko yung sarili ko, wala narin gaanung tao ngayon.
Kung maganda sa umaga ang beach na'to maganda din sa gabi dahil bawat puno na madadaanan mo ay may mga ilaw na hindi naman gaanong maliwanag tingnan, hindi masakit sa mata, nakakatuwa ngang tingnan yung mga puno dahil may mga upuan na gawa sa kahoy at may sahig din na gawa sa kahoy na tama lang sa dalawang upuan na nakalagay,may mga ilan ilan ding couple na nakaupo at naglalambingan at naghahalikan?!
Seriously?! Tsk..
Di ba sila nahihiya??Malapit ko nang marating yung dulo ng may mapansin akong isang lalaki na nakaupo din, pinaliit ko pa yung mga mata ko upang mapagsino yung lalaki.
Is that bakulaw?..
Siya nga! Anong ginagawa niya dito? Akala ko natutulog na yun? Naglakad ako papunta sa kanya pero di man lang niya ako napansin agad? Masyado naman atang lalim ng iniisip niya? Nakatanaw lang siya sa dagat.
Pinakatitigan ko pa siya, ngayon ko lang masasabi to sa inyu na pa iba iba yung style ng medyo mahaba at bagsak niyang buhok na katulad ng mga k-pop, kung minsan yung style ng buhok niya ay pabagsak lang talaga ngayon naman naka ayos na parang nilagyan ng gel, yung tipong may lakad style, nakasuot din siya ng jacket, ng mas malapitan ko pa siya ay naaninag ko yung dalawang band aid sa gilid ng noo niya na naka cross, i think yun yung sugat niya nung nahulog kami.
But infairness! Mas gwapo siya ngayon.
Jeez! Ok fine, inaamin ko naman talaga yun.
Napakurap lang ako ng mapagtanto ko na magkatitigan na pala kami ngayon.
Di ko man lang napansin na nakatitig na pala siya sa akin?! Ganun ka tagal na nakatulala ako sa kanya?
Agad ko nalang iniwas ang tingin at patay malisyang napatingin sa ibang direksyon, bigla tuloy akong napasipol ng wala sa oras.
Bakit parang nakaramdam tuloy ako ng hiya? What?! At bakit naman ako mahihiya sa kanya?
Kasi may utang na loob ka sa tao! Yun na yon!
Aist! Bahala na nga..
Humakbang na ako papalapit sa kanya habang nakapako parin yung tingin niya sa akin..
I don't know but my heart was beating so fast..
(End of chapter..)

BINABASA MO ANG
"Capturing you"
Teen Fiction'CAPTURING YOU' by:juddyanbarrete6 COPYRIGHT All rights reserve character: Irina Marshiela Montero Red Monteverde Raven Samonte Tiffanny Mae Elizundo