Irina's Pov
Continue.
"Why are you still awake?.."
Yun agad ang tanong niya sa akin, wow ha hindi man lang siya nag offer na umupo ako, psh kahit kailan talaga ang un-gentleman niya!
"W-wala, di pa kasi ako inaantok.."
Ako nalang yung kusang umupo, sa gitna naman namin yung maliit na table
Nakatanaw na ulit siya sa dagat
Ano kaya ang iniisip ng lalaking to' mukhang problemado eh!
"I-ikaw bakit gising ka pa?.."
Alangan ko pang tanong, mukhang masyado kasi siyang seryoso, parang iba siya ngayon eh.
"It's late, you need to sleep now Irina.."
Anlayo naman ng sagot niya, atsaka hindi pa nga ako inaantok eh!
"Hindi pa nga ako inaantok!.."
Himutok ko sabay tanaw sa dagat, pagkatapos nun di na siya nagsalita.
Naalala ko, kahit labag man sa loob ko na sabihin to sa kanya..ok fine! May utang na loob ako sa kanya, kaya kailangan kong mag pasalamat.
"Ahhm..bakulaw!.."
Bigla siyang napatingin sa akin at tiningnan ako ng masama.
Naku naman! Bakit yun ang lumabas sa bibig ko!
"Este, Red pala...hehe.."
"What?!"
Aba! Galit agad?..
Di ko naman sinasadya yun, sadyang lumabas lang yun sa bibig ko. Tsk!
"galit ka agad?! Dapat nga ako ang magalit sa'yo dahil sa ginawa mo!"
Sigaw ko sa kanya, hala! Ano yun?
Magpapasalamat ka Irina hindi magagalit.
"Ano namang ginawa ko sayo?.."
Nakakunot niyang tanong sa akin.
Oo nga naman, ano ba ang ginawa niya sa akin? As far as i remember...wala..expect dun sa pang iinis niya sa akin?
"Aah---yung ginawa mo! Nung nahulog tayo sa bangin, diba dapat ako yung mauna mahulog, hindi ikaw! P-pero bakit nasa ibabaw mo na ako nung time na yun?!"
Pasigaw kong sabi sa kanya
Pero napa 'tskd' lang siya sa akin at umiwas ng tingin.Grabe siya! Ang haba ng sinabi ko pero 'tskd' lang yung sinagot niya
Unbelievable!
Gusto ko lang naman malaman kung bakit diba?
Bakit niya ginawa yun.
"Why don't you straight me to the point Irina, you were here right because you want to ask me if i'm ok?.."
Ngayon ako naman yung hindi makasagot sa tanong niya, bigla atang umurong yung dila ko, nakatitig lang ako sa kanya and my eyes was blinking for many times.
Ok? Nandito ako ngayon dahil magpapasalamat ako sa kanya, pero di ko naman masabi, at wala naman sa plano ko yung tanungin siya kung ok lang siya sa isip ko lang naman tinatanong kung ano ng nangyari sa kanya kung buhay pa ba siya
Ang feeling niya masyado eh!
Napatitig naman siya sa akin at biglang gumuhit ang isang mapang asar na ngiti sa labi niya
BINABASA MO ANG
"Capturing you"
Ficção Adolescente'CAPTURING YOU' by:juddyanbarrete6 COPYRIGHT All rights reserve character: Irina Marshiela Montero Red Monteverde Raven Samonte Tiffanny Mae Elizundo