'Girlfriend'

29 3 0
                                    

Irina's Pov

(HOTZIP BAR)


"Red, where are you?..were here now.."

Kausap ni Raven si bakulaw sa phone,
Pa Vip talaga ang bakulaw na yun! Mga 30 minutes na kami nandito wala pa din, ayaw ko sanang sumama dito eh, pwede naman na sila nalang ni Raven, but i have no choice mapilit kasi tong isang lalaki rito, halos kaladkarin na nga ako nito papasok sa kotse niya, aisht!

"Irina.."

Napalingon naman ako sa kanya..

"Oh?"

Nakakunot kong tanong, pero nakatitig lang siya sa akin, hanggang sa unti unti bumababa yung mukha niya sa mukha ko na ikina atras ko bigla..

Damn! Ano bang problema ng lalaking to!

"Raven..anong trip yan?"

Nakakunot ko paring tanong sa kanya ganun parin yung porma namin, malapit parin yung mukha niya, at nakatitig lang sa akin..

Ok? Ang weird ni Raven, sanay naman ako na ganito siya pero minsan talaga nagugulat ako sa pinag gagawa ng lalaking to sa akin..

Hindi parin siya natinag at mas nilapit pa yung mukha niya sa mukha ko, my eyes are widend , bigla tuloy bumilis yung tibok ng puso ko, sh*t! Ano yun?..

"Raven!.."

Bigla ko agad siyang tinulak dahilan para mapalayo siya sa akin, nantitrip na naman to eh!

"Pffft...Hahahahahaha..look at your face in the mirror Irina you're so cu------"

*poink*

"Aray..!"

Binatukan ko nga, sabi ko na eh! Nantitrip na naman, Tsk! Wala talagang magawa ang lalaking to'

"Ikaw ang hilig mo talagang mantrip, tsk!..babatukan kita ulit eh!.."

Inis na sabi ko, na mas iki na tawa niya pa, mas lalo naman akong sumimangot..

"You're really that cute ha Irina,nakasimangot ka kasi kanina eh, kaya ginawa ko yun.."

Tawa parin siya ng tawa..
Aba! Baliw talaga.
Hinimpas ko naman siya dahil naiinis parin ako sa kanya, hanggang sa nahawa na ako sa kakatawa niya..

"Ehem.."

Napatigil lang kami sa kakatawa ng may tumikhim, at sabay kaming napatingin ni Raven.

"Red..now i know kaya ka natagalan.."

Natatawang saad ni Raven.

Wow! Kaya pala eh! May inatupag pang babae, di ba niya inisip na mag wa-one hour na kaming naghihintay sa kanya, bw*sit siya ha!

Napatingin naman siya sa akin patungo sa kamay ko na hinawakan ni Raven nung hinimpas ko siya, iwan ko ba binaba ko agad yung kamay ko kay Raven at bumitaw, sh*t Irina! What was that?

"So, who is she?.."

Tanong agad ni Raven ng maka upo na sila, Ano ba naman tong' kasama niyang babae idikit niya na kaya yung sarili niya sa bakulaw na'to para di na sila maghiwalay, kung maka dikit eh! Parang wala ng bukas, psh..
Biglang akong napatingin kay bakulaw na nakatitig pala sa akin then he smirk, Anong problema ng bakulaw na'to?!, inismiran ko lang siya at iniwas yung tingin ko, At yung babae napatingin din sa akin, at aba! Tinaasan ako ng kilay, Damn this b*tch! Kalbuhin ko kaya yung kilay niya! Magiging si kokey na talaga siya, ang linta eh! Wag niya akong tinitingnan ng ganyan, kung ayaw niyang subukan ako kung paano ako magalit.

"She's Claire.."

Tumingin naman yung si claire kay Raven ng napaka landing tingin, aba! Anong balak ng babaeng to? Lalandiin niya din si Raven? Kakalbuhin ko na talaga to eh!

"Nice to meet you claire, I'm Raven and this is Irina.."

Napabaling ulit yung linta sa akin at nginitian ako ng pagka lapad, ang plastic ha! Pwede na siyang ibenta..

Nginitian ko din siya ng pagka luwag luwag, ofcourse hindi lang siya ang marunong..

"You're girlfriend?..."

Tanong bigla nung linta..
Ano?! Nagkatitigan kami bigla ni bakulaw at sabay kaming bumaling kay Raven at hinhintay yung magiging sagot niya..

Ano naman kaya ang isasagot ng lalaking to'?
Napatitig naman siya sa akin at ngumiti ng malapad..

Oh-oh! I don't like that Raven..

pero nagulat padin ako sa sinabi niya..


"Soon, she's going to be my girlfriend..."



Done!
*like & comment*

"Capturing you"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon