'Worried'

21 3 2
                                    

Irina's Pov

"Irina! Irina!"

Nagising ako sa boses na tumatawag sa akin, iminulat ko ng unti-unti ang mga mata ko pero agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko at sakit ng katawan ko.

A-anong nangyari?

Naramdaman ko na may tumitibok sa kung saan ako nakahiga ngayon, ramdam ko ang normal na pagtibok nito, kaya napa angat ako ng tingin, nanlalaki ang mata ko ng marealize ko kung saan ako nakapatong.

Pero agad kong napansin ang noo niya na may dugo ito kaya agad akong nag panic at kahit masakit yung katawan ko agad akong napa upo at tinitigan ang walang malay na napaka gwapong lalaki sa harap ko.

Arrggh! Irina hanggang dito lumalandi?!

Panic mode alert!!

"Red? Red! Wake up!.."

Sabay mahinang yugyog ko sa kanya,
Pero hindi parin siya nagigising, ano nang gagawin ko? Bigla tuloy akong kinabahan! What if?-----
Stop it Irina! Wag kang mag iisip ng kung anu-ano! Tumitibok pa nga yung puso niya diba? Wag exaggerated!

Pero anong gagawin ko!!

"Irina!! Answer me! Please!.."

Teka! Si Raven yun, napaangat ako ng ulo paitaas at nakikita ko sila Raven mula rito, at ngayon ko lang narealize na nahulog pala kami sa isang bangin pero hindi naman gaanung malalim dahil natatanaw ko pa sila mula dito.

Ibig sabihin ba nung mahulog kami ni Red dito sa bangin nauna siya kesa sa akin? O niyakap niya ako para hindi ako ang masaktan kaya ba wala akong galos sa katawan, kaya ako nakapatong sa kanya dahil ayaw niya akong masaktan?

Nang mabuo ko na ang nasa isip ko ay agad akong napatakip sa bibig ko.

Oh my god! G-ginawa niya yun? Para sa akin? Para hindi ako ang magalusan at masaktan? Pero bakit?

Naramdaman ko na lang na nag iinit yung mga mata ko, at agad na tumulo yung luha ko.

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon, naiinis ako na natutuwa, naiinis kase hindi naman niya kailangan gawin sa akin yun dahil pwede namang kaming dalawa yung masaktan sa pagkakahulog, natutuwa kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na may sumagip sa akin, oo alam ko sinagip na din ako ni Raven nung miserable pa ako at natutuwa ako dun, pero iba ngayon eh! Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit?

"Irina! Please answer me!"

Nag angat ako ulit ng tingin sa itaas para sagutin sila Raven na ok lang ako.

"R-raven andito kami, ok lang naman ako, p-pero si R-red...."

Napalingon ako kay Red na wala paring malay, agad akong lumapit sa kanya at iniangat ang kanyang ulo upang ipahiga sa legs ko.

I'm worried right now..

Dahil sa akin kaya nangyari to'! Pano pag may nangyaring masama sa kanya!

"Thank god! Just stay there, tumawag na kami ng rescue.."

Tumango ako kahit hindi naman ako gaanong natatanaw ni Raven, wala na akong lakas para sumagot pa, dahil nanginginig ako, ilang sandali nalang makakaalis na din kami dito ni Red, kailangan gamutin na yung sugat sa noo niya at mga pasa, dahil dumudugo parin yung noo niya.

Nakita ko pa yung kamera ko sa di kalayuan sa akin kaya iniabot ko ito.

Hay! Salamat hindi nasira,..agad ko itong isinuot sa leeg ko.

Ilang sandali pa ay may lubig na tumambad sa amin at may bumaba na tao, ito na siguro yung rescue na sinasabi ni Raven, nang tuluyan ng makababa yung isang lalaki ay may sumunod naman na dalawa.

"Maam halina na po kayo.."

Nagdadalawang isip pa akong napatingin sa lalaki at bumaling ang tingin ko kay Red na wala paring malay.

"Maam wag po kayong mag alala ang kasama ko na po ang bahala sa kasama niyo.."

Sabi niya na halatang nabasa ang nasa isip ko, marahan nalang akong tumango, at kumapit sa lalaki, naramdanan ko naman na unti-unti na kaming tumataas dahil sa may humihila sa amin.

Napasulyap pa ako kay Red na ngayon ay itinali siya sa likod ng lalaki, nang tuluyan na kaming makarating sa itaas ay agad na lumapit sa akin si Raven at niyapos ako ng yakap.

Medyo nagulat pa ako dun, nabaling ang tingin ko kay bestfriend na ngumiti sa akin, pero...may halong lungkot..anong problema niya

"Oh god! Are you ok Irina? May sugat ka ba?, galos? Masakit ba yung katawan mo? Ano sabihin mo?.."

"Raven, ok lang ako.."

Ayan na naman siya eh! Parang tatay!

"Bestfriend.."

Agad akong niyakap ni Tiffany, at narinig ko pa mahina niyang pag iyak.

Teka nga! Umiiyak ba siya dahil nakita na ako? O may problema talaga siya? Parang iba kasi yung iyak niya, parang nasasaktan siya, parang angbigat ng problemang dinadala niya.

"Bestfriend, are you ok?.."

Worried na tanong ko, kumalas naman siya sa akin at pinunasan niya agad yung pisngi niya, tas tumawa siya ng pilit, halata naman talag na pilit lang yun.

"Ano ba naman na tanong yan bestfriend! Oo naman ok lang ako, at teka nga ako dapat ang magtanong sayo niyan.."

Ngumiti ako sa kanya kahit alam kong meron talaga siyang problema, pero hindi muna ako magtatanong dahil wala pa akong lakas nanghihina pa ako at ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga, bukas ko nalang siguro siya kakausapin.

"Sir ok na po.."

Nabaling naman ang tingin ko kina Raven na ngayon ay inilagay na sa stretcher si Red ng mga rescurer, nakahinga ako ng maluwag nang masigurado kong ok na siya ngayon.

Sa totoo lang talaga, halos di ko na alam ang gagawin ko kanina na makita kong wala siyang malay at may dugo siya sa noo.

I'm really worried about him..

At ewan ko kong bakit nakakaramdam ako ng takot,takot ng makita ko siya sa ganoong sitwasyon,parang may nag iba kasi sa sarili ko pati narin sa nararamdaman ko ngayon? It's really wierd!,pero hindi ko lang matukoy kung ano yun..

Wala lang naman siguro to diba? Nadadala lang siguro ako sa emosyon ko kanina sa mga nangyayari kaya ganun!

At kung ano man yun, sana hindi mag dulot sa akin ng sakit sa puso at hindi ako masasaktan ulit..










Nakapag ud na din! Hehe..
Salamat sa pumapansin sa story ko at nag vo-vote! ^_____^

I'm super duper happy!!!

"Capturing you"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon