25. Strawberry Game

62 3 0
                                    

Strawberry Game.

( Ps: Baka malito kayo, nasa flashback pa din po tayo :) eto yung reason kung bakit sya napagod the whole week)

Yvonnie's mind

Agad sakin'g bumulaga ang malamig na hangin ng baguio.

Napahawak ako sa mga braso't balikat ko dahil alas syete palang pero halos mahamog pa.

Napaka ungentleman nitong masunget na to! Iniwan ba naman ako bigla buti biglang napalingon samin si vrick at bumalik..

Inabutan nya ko ng jacket na suot nya..

" thanks vrick! " with ngiting -tagumpay.

Nag smile and nod lang sya.
Oh wow!
Ang gwapo nya ngumiti !

Napahinto ako sandali para tanawin ang kapaligiran..
Medyo may kalayuan yung nilakad namin bago namin marating ang isang strawberry field tapos may malaking bahay sa gitna kaya tanaw na tanaw agad ito.
Pagdating namin sa bahay, inasikaso kami ng isang matandang babae.


"Hi nanay josie, kilala nyo naman na po sina denicx at vrick.. Si yvonnie po, Personal maid ko at yvonnie si nanay josie ang caretaker dito sa townhouse"
- pakilala nya sakin. Nasaktan naman ako dun kahit na alam kong totoo.


" magandang umaga po nanay josie!"


" magandang umaga din ihja ..akala ko si ayuri ka..Tuloy kayo, naka hain na ang almusal sa mesa"


"Ah.. Hehe sabi nga po nila"

Ayuri again? Magha-hire na nga ako ng private inspector :3

Nalula ako sa mga pagkaing naka hain sa isang mahabang mesa. Hindi ako pamilyar sa iba, maliban na lang sa menudo, valencia, maja , lumpiang shanghai, chicken pop at fruit salad. Or should i say strawberry salad. Basta, iyon lang ang kilala ko. Ang iba ay hindi na ako pamilyar. Ikinuha ko ng plato si dominique, pero may hawak na sya sarili ko nalang ang inaasikaso ko. Lahat sila ay sinasabihan ako ng "kain pa, tikman mo'to" kahit sa loob-loob ko'y masyado akong nahihiya.

Portion-portion lang ang kuha ko, para matikman ko lahat. Pagdating sa lamesa ay naupo ako sa tabi ng master ko. Nanlaki pa ang mga mata nya nang makita ang plato ko. Puno kasi.


"Seriously? You can eat all that?" Puna nya

"Oo, pagkain to eh. " mataray na sagot ko.


"Yvonne---"

"Its Yvonnie, vrick. As in Ay-vo-ni"


"O-okay. Ay-vo-ni, what Jd's trying to say is, are you sure you can eat all that? C'mon, fiesta ang pinunta natin dito. Maraming bahay ang makakainan mo, dapat di ka nagpakabusog dapat"



"Ay, ganon ba yun. Sorry, wala kase akong malay sa mga ganito."



"Okay lang yan, yvonnie. Wag mo na pansinin yang dalawa" dagdag naman ni denicx.

Edi, dinedma ko nga. Nakalimutan ko na ngang kuhaan dahil sa gutom ko at masyado akong na-excite eh. Pero ayos lang, hindi ko naman kailangan makisabay sa kanila na kinuhaan muna bago kainin. Like, pray muna di ba?.
matapos namin kumain, hindi bisita ampeg ko, nagkusa nakong tulungan si nanay josie kahit ayaw nya. Tapos hinatid nya ko sa kwartong gagamitin ko.

Sabi ni nanay josie, pyesta daw ngaun dito kaya mamaya maguumapaw sa dami ang tao na bibisita.
Nagtataka tuloy ako kung paano kami magha-hiking kung pyesta?

Nung halos patapos na kami nina nanay josie mag luto at mag ayos ng long table, isang banda ang naririnig ko. Mula sa bintana tinanaw ko sila kaso dahil sa strawberry field kaya di ko makita, Naririnig ko lang.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon