Special Chapter 2

49 1 0
                                    

Denicx's mind

"Ano nakausap mo na?"

"Hindi sumasagot lush e"

"Hays! Gusto ko man itawag kay yvs yan kaso wala dapat syang idea dito."

Muli kong pinatay ang pang sampung dial ko sa bumber ni nique, lumapit ako at saka tumabi kay lush habang nandito kami sa loob ng office ko sa resto.

"Kalma ka lang okay? Hindi pa naman natin nakukumpirma dun sa babae, pero malakas ang kutob ko."

Bahagya syang natawa kaya pinisil ko sya ng mahina sa tungki ng ilong.

"Babae lang ampeg? Ganorn?"

"No, i just trust my agent."

"Owkay " kibit balikat nyang sagot.

Dahil dun sa grad ball kaya nagka ayos kaming dalawa at mas nagkaunawaan. May mga priorities syang kailangan unahin kaya hindi ko naman sya minamadali, ganun pa man hindi ako nawawala sa tabi nya.

Nang mga sumunod na araw, hindi pa din nagpaparamdam si nique kaya naman ng biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko itong sinagot.

"Den, pre!" Aniya ng masagot ko ang tawag.

"Hello? Nique!? Pucha ka! Tawag ako ng tawag sayo!"


"Sorry ngayon ko lang naalala, may sasabihin ka ba?"

"Meron pre, sana matuwa ka".

" ano ba yun?"

"Makinig kang mabuti ha, may nakilala akong babae na sa tingin ko, magiging sagot sa mga problema mo."

"Paano naman nakatulong yang nakilala mo?"

"Basta, nasa London pa talaga 'tong tao na'to kaya babyahe kami doon ni lush sa weekend para magset ng meeting sa kanya. Sana pumayag sya, at kapag pumayag sya, iuuwi ko sya dito sa atin."

"So, do you need my money?"

"Gago hindi! Hihiramin ko lang yung private plane nyo para may masakyan kami roundtrip, ginamit kasi yung samin, I need your permission kasi sa iyo naman naka pangalan ang lisensya nun."

"Okay, tawagan mo ko agad, at sana yang nakilala mo ang maging sagot sa problema ko."

"No problem."

Nagpasalamat sya bago ko ibaba kaya naman tumawag ako agad sa secretary ko para ayusin ang papeles para sa pag alis namin ni lush.


🌸

Yvonnie's mind

Preso. Para akong isang preso sa mansyon na to dahil hindi ako makalabas. Naka lock lagi ang kwartong kinalalagyan ko at halos dinadalhan nya lang ako ng pagkain kada oras ng pagkain or kung ano ang hanapin ko. Lagi syang galit sa akin kada hindi ko papansinin ang dinadala nya, one night may narinig pa akong ingay, at nalaman ko na nagdadala sya ng babae sa kwarto namin. Nasa guest room kasi ako naka kulong, may sariling cr kaya para talaga akong preso. Wala din ang cellphone ko nasa kanya, cut ang linya ng telepono nakakapag music naman ako at nakakapag basa dahil kahit yun manlang eh mapaglibangan ko. Hindi na din ako makapunta sa schedule ng check up ko, puro sya na lang ang kumikilos. Nagtataka din ako bakit di ako hinahanap ng mga magulang ko. Ano kayang kasinungalingan ang sinabi nya? Tsk. Kung di lang ako buntis, baka tinalon ko na tong bintana kaso hindi pwede e.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon