Epilouge.

75 0 0
                                    

🌸🌸
"If you think you've done everything in this world before you permanently leave, think again."

-Yvonnie lei Sanders.


Sakay ng isang puti at magarang limousine, ang isang babaeng naka suot ng kanyang pangkasal. Naka taklob ng mahabang belo ang kanyang ulo na ang haba ay hanggang laylayan, habang hawak ang kumpol ng mga paborito nyang bulaklak sa kamay, huminto ang magarang kotse sa tapat ng isa sa pinaka matandang simbahan sa bansa, ang simbahan ng Barasoain sa bayan ng bulacan.

Lumapit ang isang ginoo para pagbuksan ang dalaga. May mga nag ayos ng laylayan ng kanyang mahabang gown at may mga kumukuha din ng litrato..

Kumakabog sa kaba ang dibdib ng dalaga habang nakatayo sa bukana ng simbahan, sa bukas ng malaking pinto at saliw ng kantang On this Day ni david pomeranz, nagsimula syang humakbang palakad sa pulang carpet na nakalatag sa gitna.

Sa bawat hakbang na kanyang tinatahak, isa isang bumabalik ang lahat ng mga nangyari. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Napapaligiran din sya ng mga kislap ng camera mula sa mga bisita. Direcho lang ang kanyang tingin, nangingibabaw ang isang matipunong lalaki, suot ang kanyang pinaka magarbong barong tagalog naka natayo at nag aabang sa dulo. Nang makarating sya halos sa may gitna ay dinaluhan sya ng kanyang magulang, nanlalamig ang mga kamay nito nang hawakan nya, naka ngiti man ngunit ang mga luhay nagbabadya nang pumatak.

Hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi nang makarating sila sa may altar. Lumapit ang lalaking kanyang pakakasalan, upang abutin ang kamay ng babaeng kanyang pinaka mamahal. Sa puntong iyon, tila nawala ang pagkalalaki nito dahil hindi nya mapigilan ang pagdaloy ng mga luha nya ng makipag kamay sya sa ama nito at humalik sa pisngi sa ina ng dalaga.

Walang tamang salita para ipaliwanag ang pareho nilang nararamdaman.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang pari..







Flashback a year ago.

Nang makabalik sa pilipinas sina denicx at lush, may kasama silang isang babae at batang babaeng anak nito. Agad tinawagan ni denicx si dominique para makipag kita..

Ito na pala ang magiging sagot sa kanilang pinagdaraanan.



Dominique's mind.

"Maraming salamat denicx, hindi ko akalain na sa wakas ay mababawi ko na din ang mag ina ko."

"Kami pa ba? Sus. Man up now bro, makipag kita ka na dun sa hilaw"

Ngunit bago yun, kinausap ko muna ng masinsinan at personal ang aking mga bisita, lubos akong nagpapasalamat sa kanila.

Kinabukasan din ay tinawagan ng secretarya ko si william, at sabihing naroon ako para pormal na makipag ayos. He agreed at sya pa mismo ang pumili ng lugar na aming pagkikitaan. Alas kwatro ng hapon, dumating sya sa usapan.

Tumayo ako at nakipag kamay sa kanya.

"Lets be straight to the point now" he said as soon as we shook our hands.

"Chill, you're too nozy like a child, want some drink?"

He smirk at cross out his arms. Yabang.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon