23. Rainbow

95 3 0
                                    

The next day, Dominique head to the usuall place he used to go.
this time he carries the plastic container where he placed the caldereta na natira nya last night. it was a bright and sunny day when suddenly, Clouds collides and thundersounds occur.

" Maaraw naman pero mukhang paulan na. kamusta ka babe? may dala akong caldereta.. wag ka sana magtatampo ha? alam mo naman na paborito ko to.. "


raindrops started falling..



Hindi naman sya nag aalala kase covered naman ang musuleyo , unti unti.. Nagbalik ang ilang mga alala-ala.

Tila, masarap sariwain ang mga kaganapang nilipas ng panahon at bahagi nalang ng kahapon, lalo na sa tuwing umuulan, tulad ngayon.

Naalala nya pa, Noong unang beses silang nagkita..

Unang beses nya itong makasama..

At mga panahong sila'y masaya.

Para kay dominique, napaka unfair ng mga nangyayare sa kanya.

Si Ayuri na lang ang tangi nyang kaligayahan , binawi pa.
Hindi naman sya maluhong klase ng lalake kahit kaya nyang mabili ang lahat.
Sapat na sa kanyang makitang masaya si Ayuri at ang Mama nya. Kuntento na sya sa mga ganoong bagay..

Muling nagbabalik ang sakit na dulot ng malagim na nakaraan.
Napakahirap tanggapin para sa isang tao na ganun na lamang namatay ang taong mahal nya.

Ang buhay ay parang bagyo. Darating at darating ang unos na wawasak at magpapahina sayo.
Susubukin kung hanggang saan ang katatagan mo.
Susubukin ang pananalig mo sa nasa itaas.
Tulad nang malakas na bagyo, raragasa ito sa bahay at sisirain lahat .. Tatangayin ng malakas na hangin ang iyong bubong, gigibain ang inyong bahay.. sisirain lahat.

Pero hindi dapat panghinaan ng loob at mawalan ng pag asa.

Dahil sa bawat unos na dumarating sa buhay ng tao, may araw na sisikat at magbibigay liwanag muli.

May araw na magpapa-alala na habang may bukas na dumarating maging masaya at magpasalamat.

Sa bawat dilim, may liwanag.
At sa liwanag, naroon ang bahagharing magbibigay kulay muli.

Sa buhay ni Nique, Si ayuri ang nagsilbing bahaghari ngunit sya din ang nagdulot ng dilim at pighati.

Sa pagtapos ng ulan, isang dasal ang kanyang muling iniwan sa puntod ng dalaga.




" Babe, babalik na lang ako sa mga susunod na araw ha . Sana masaya ka dyan kasama ang mama mo, wag ka mag alala makakamit din natin ang hustisya para sa inyo."


At ngayon, sumilip ang bagong araw.
Sa buhay ni Nique, si Yvonnie na kaya ang magsisilbing bagong bahaghari sa kanya?.



____________________________________



Kahit katanghalian na nagising si yvonnie ay agad syang nagtungo sa unit ni dominique para handaan ito ng almusal, hindi alam ni yvonnie na sa mga sandaling iyon, wala na pala si dominique dahil maaga itong nagtungo sa puntod ni ayuri. Nagluto lang sya ng pancakes at ng gigising na nya ito, walang sumasagot. Naka lock kaya iniligay nalang nya sa isang plastic container at itinabi sa patay na oven toaster. Ang sumobra sa kanyang ginawa ay syang inalmusal nila ni lush.



"Kamusta yung raket mo, lush?"



"Inalisan ko na. Ayoko magtagal don eh. Easy money pero delikado. Delikado ka sa customer na bibili sa product mo"



"Mas okay yang wala ka dun. Maghanap ka nalang ng bago"


"Oo naman noh. Patapos na ang sem, dahil nakakalahati na tayo. Next sem ako na magpapa aral sa sarili ko "

"Kaya yan lush, tiwala lang. Mahahanap mo yung trabaho na nilaan sayo at who knows, baka nandun si mr .destiny"



"Mr. Destiny? Pauso ka yvs."


"Hindi ako, si IamaJamairo yon. Haha i mean, mr.destiny kase sya nga yung nilaan sayo na makilala mo. Sabi nila kadalasan daw, kundi sa college mo makilala, eh sa work. "


"Trabaho kailangan ko yvs, di lovelife. Hindi ako mapapa aral nyang love-love na yan, saka sino ba iyang IamJamairo?"


"Pancake kinakain natin, di ampalaya ah, ang bitter nito. Si IamJamairo ay isang simpleng manunulat, na may paghanga kay Sic Santos, Ray Nathaniel Amante, Jhing Bautista, Allyloony, Jonaxx at iba pang sikat na authors. Pati si marcello Santos III din idol nya, sila ang mga inspirasyon nya sa pagsusulat. Maganda si IamJamairo, sana nga sumikat eh"


"Ah, ganun. Sisikat din sya sa hinaharap. Basta ako trabaho talaga"
Naisip pa din ni lush ang sinabi ni yvonnie. Oo nga, ganoon naman talaga eh. Pero malinaw na trabaho ang kailangan nya. Para sa kanyang pag aaral at maayos na kinabukasan. Hindi naman nya masisisi ang kanyang mama auntie kung hindi na nito kayang pag aralin sya. Nauunawaan iyon ni lush, kaya buo ang loob nya na ngayon, mas masasandalan nya lang talaga ang pader. Este sarili nya, na wala nang ibang kikilos para sa kanya kundi ang sarili nya.
Dahil ang mga pagsubok ay dapat na sinu-solusyonan at hindi basta nalang iiyakan.

Alam nilang dalawa na marami pang pagsubok ang darating, dahil nag uumpisa pa lang sila. Marami pa, kaya dapat handa sila at buo ang loob.

And as for dominique and lush. In every rain or storm, there will always be a rainbow and sunshines after it. Ganoon naman ang buhay, masasadlak ka sa kalungkutan, problema, pagsubok, unos, bagyo, lahat na. Pero sa mga panahong pinagdaraanan mo ang mga iyon, nahuhubog ka ng panahon at ng karanasan. Pinatatag ang iyong paniniwala at pananam-palataya. At sa dami ng pagsubok na dumarating at tila hindi nauubos, nasasanay na ang tao. Nagiging manhid nalang sa nangyayare. May ilang, natututo. May ilan din na hindi. May ilang desperado umangat, kaya nangtatapak ng iba. May ilang sumuko na, pero marami pa din yung lumalaban. Makulay ang bahagharing lumilitas matapos ang ulan. Kasing kulay ng buhay na sa atin ay inilaan ng panginoon. Bawat kulay ng bahaghari ay paniguradong may deskription, may kahulugan na sa araw-araw natin ay malamang may kadikit na dahilan. Purpose kung bakit ganito o ganyan ang mga nangyayare.



Isang ala-ala ng nakaraan ni dominique ang may kinalaman sa bahag-hari. Ang kanyang kabataan, at ang katotohanang ito'y paborito din ni ayuri. Kaya sa tuwing makaka tyempo sya ng rainbow, iyon ang mga ala-alang nababalikan nya. Ala-alang kay sarap balikan kahit sya ay nasasaktan. Pero ganoon talaga, laging kasama sa buhay ang masaktan. Hindi dapat ito kinakahiya, dahil iyon ang nagtuturo sa atin para mas maging maingat at wag agad basta maniniwala. Relaxing ang rainbow sa paningin, nakakamangha at ito ay bahagi ng bawat isa sa atin noong ating kabataan. Mga panahong ang uso pa ay sarangola, sungka, patintero at taguan. Ngayon, dahil nagbago na. Iilan na lamang ang nakaka appreciate sa bahag-hari. Iilan na lamang natutuwa na sa simpleng sarangola. Iilan na lamang ang mga batang nag aamoy pawis dahil sa initan naglalaro, ngayon ay amoy pawis ng kapwa nya batang naglalaro sa kumpyuteran. Madami na nga talagang nagbago.

Nang tumila ang ulan, nagmaneho sa si nique palayo sa sementeryo, kung saan ang tungo nya, abangan.




Kinahapunan ay nagtungo na sila sa university para pumasok. Hindi sila magka klase kaya naman walang kailangan alahanin si yvonnie kung masisira ba ang araw nya o hindi. Dahil naabutan nya kanina na wala naman tao ay binaon nalang nya yung ginawa nya. Hinintay naman sila ni aida sa lobby ng unibersidad.

_________________________________________________
A/n
This on going story is under editing, self-editing lang Haha wala akong editor eh. Anyway salamat sa'yo, sa pagbabasa ng story ko at  nag-a add ako ng ilang parts, baka maguluhan kayo.
Don't forget to vote.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon