56. Truth and Lies

58 0 0
                                    

Author's note,
Paumanhin sa pabitin na mga update, saka sa typo errors and wrong grammar Let me know your feedbacks, drop them at the comment box :)

Please vote and comment,thank you.

__________________________________________________

"Mahal mo ka'mo? "
Pag uulit ni yvonnie habang kumakain siya, may halong pagka sarkastiko nya itinanong dahil nalalabuan sya kay kevin.



"Oo, gago lang ako at hindi perpekto pero marunong naman ako magmahal"

She laugh bitterly. Animo'y joke iyon sa kanyang pandinig kahit hindi nakakatawa.

"Kung mahal mo, bakit ginamit mo? Bakit ipinag-tutulakan mo sa iba, at sa mahal ko pa talaga ha?"

He heaves a sigh before he spoke

"Dahil kilala ko ang kapatid ko, alam ko na kung sakali man, magkatotoo ang original plan ko, hindi na babalik sakin si zandra. Dahil kapag nakuha ko na lahat kay zandra, iiwanan ko sya. Iiwanan ko sya dahil gago ako, iiwanan ko sya dahil mas masasaktan ko lang sya kung magiging kami pa, saka by that time kasal na sya sa kapatid ko, kaya wala ng pag asa."

Napabuntong hinga si yvonnie bago binaba ang kinakain nya.

"Tingin mo ba, mahahanap mo ang tunay na kaligayahan sa pera lang? Aminado ako na lumaki sa karangyaan pero dahil sa bestfriend ko, natutunan kong maging simple at mababaw. Saka alam mo, kaming mga babae, kahit gaano pa kayo di perpekto, nakukuntento kami doon. Sumama ako noon kay nique kahit na ang perang hawak namin eh mauubos. Pero handa akong maging payak at simple ang buhay basta kasama sya. Saka alam mo, may kilala akong mga babae na hanggang ngayon, naniniwalang babalikan sila ng lalaking mahal nila.

May isa doon, pinangakuan na babalikan sya kapag maayos na ang lahat. Pressured kasi sila pareho sa mga nangyayare kaya hindi na nagkaunawaan.. Kung babalikan man sya, edi ang swerte nung babae dahil wala na halos ang nakakatupad sa pangako nila.

Habang ung isa naman, iniwan na ng tuluyan, alam nyang di na sya mahal dahil napagsawaan na sya, tapos na-rebound lang pala sya, pero hanggang ngayon, mag isa syang umaasa at nangangarap na babalikan sya. Kahit alam nyang malabo at imposible, naka kapit sya sa wala. Kasi kung mahal mo, handa kang magpatawad eh, saka wala ng bumabalik ngayon matapos mang iwan. Matapos na ibigay lahat, walang napala kundi sakit. Kaya yang sa inyong magkapatid, ayusin nyo na. Kayo din naman ang magkakadamayan sa huli.. Isa pa kev, wala kang mapapala dyan sa galit mo. Maawa ka sa sarili mo kevin. Tatawagin kitang kevin kasi sya ang nakilala ko, hindi si Reigh na kapatid ng taong mahal ko, kevin may pinagsamahan tayo kahit papaano, kung kaibigan ako para sayo, kahit limang porsyento, ititigil mo na tong ginagawa mo, and i swear, makauwi lang kami ng baby ko ng maayos, hindi ka madadala sa kulungan. Anyway, salamat sa pagkain"

Hindi sya sinagot nito, marahil ay tinamaan sya, samantala
Bigla silang huminto sa tapat ng isang malaking bahay, biglang bumukas ang gate nito at pumasok ang kotse ni kevin, lei wasn't sure if she'll trust him that much lalo pa sa nangyayari, marahil sa kanilang munting pinagsamahan noon ay sapat na para pumanatag ang loob nya. Isa pa, kung totoong masamang tao ito ay baka sana bugbog sarado na sya.

Naniniwala pa din si lei na kahit paano ay may tinatagong kabutihan pa din si kevin sa kanya, pagpasok nila sa loob ay tumambad sa kanya ang isang munting palasyo. Magandang hardin na namumukadkad ng mga pulang rosas, puti, pink at iba pang uri ng bulaklak.
Isang katibayan na sa maayos na pamilya pa din lumaki si kevin.






Yvonnie's mind

"Bahay nyo?"
Aniya ko habang ginagala ang aking paningin sa kabuuan ng aking natatanaw.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon