35. Fiancé

53 3 0
                                    

Yvonnie's mind

" Oo lush eh.. Makakahabol ka pa ba?"

' di na yata ybs eh.. Goodluck na lang'

" thanks. Ingat ka sa work, bye na"

" thanks. Bye love ya yvs!"


Muli akong napadapa sa kama matapos kong patayin ang tawag kay Lush. Matapos ang ilang missed calls, nasagot din nya. Kailangan ko pa naman sya dito ngayon, sayang lang at nasa trabaho sya.
Kaninang hapon nagsidatingan na ang mag aayos dito sa bahay. Dun ang set up sa back garden malapit sa pool area.

Tapos dumating na din yung make up artist , hair stylist at fashion designer na mag aasikaso sakin.
Nung settled na lahat, nag umpisa ng dumating ang mga co-business partners and colleuges ni daddy.

Bawat isa ay may magarang kotse. Magandang amerikanong damit at pabonggahan ng cocktail and long gowns ang mga kasama nila. To think na pre-enggament pa lang to, ano pa kaya kung lahat eh iimbatahan nina daddy.
I want to sleep, Ayoko magpakita sa tao mamaya.. Gusto ko ng tumakas at lumayo pero baka ikasama sa parents ko kaya di nalang.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni may kumatok sa kwarto ko.



' Sino yan?'

" ma'm Lei nandito na yung mag aayos po sa inyo"

" sige. Dun nalang sa kabilang kwarto"

Nagsuklay ako bago sila hinarap, malawak ang ngiti nila sa akin pagpasok ko. Inabisuhan ako na 
unang sinuot  ang gown..

Cream peach color v tube dress na above the knee sa harap tapos may long tail sa likod na see-through type dahil manipis lang. May mga naka tahing diamonds sa harap ng tube at Crisscross sa likod ang tube dress.
Sinunod ang make up, last ang buhok.
Sanay naman ako maayusan pero ngayon hindi ako sanay sa mukha ko.. Hindi dahil ngayon, engagement ko na.

" Ang ganda ganda mo Ms. lei! Pero bakit nakasimangot ka po?" - make up artist.

" Stunning beauty! Winner!! Kaya lang tama si ateng, ma'm ayos lang po ba kayo?" - hairstylist

"Ayos naman..siguro?"

" excited po ba kayo ma'am?" -hairstylist

" um, slight " i lied.


Una, hindi ako aware kung sinong lalake ang basta ko nalang papakasalan. Pangalawa, hindi ako Love-attached dun sa tao. Ang dami dami talagang tumatakbo sa isip ko ngayon. Puro 'what if's halo-halo talaga. Dinadaan ko nalang sa ngiti at sa pagsasabi na ayos lang ako kahit hindi.
Mula sa kinapupuwestuhan kong silid ay nadidinig ko ang malakas na tugtogan sa labas. Coming from daddy? Sinasabi nyang biglaan pero sa nangyayare, halatang planado. Parang hinintay nalang nya ko na makauwi from baguio and palawan tapos ito na agad. Lumabas nako sa kwarto at naglibot sa bahay. Umiiwas ako sa tao kase baka may kung sinong makakita sakin tapos madala nako agad dun sa event. Nadaanan ko ang parking lot namin, madami na ang mga magagarang sasakyan ang naka parada. Gusto ko tuloy umalis ngayon at maglayas. Gusto ko ng takasan ang haharapin kong buhay. Naiiyak din ako kase gusto ko maranasan yung, maligawan sa bahay, suyuin, pagsumikapan, pahalagahan, tapos yung makakasundo ko sa mga trip ko, sa mga kalokohan ko pero syempre hindi ako dadalhin sa maling buhay. Gusto ko mangarap na , haharapin ko yung araw-araw ng kasama yung taong mahal na mahal ko.
Pero..

Matagal ko naman alam na ganito ang kakahinatnan ko. Noon kase, wala naman sakin. I always admire the lovestory of my parents. They fall inlove to one another in the lather part of their relationship. I hate , but i have to admit na meron nakong nagugustuhan. Atfirst, akala ko si William yon. All this years kase, sya yung ideal guy na tumatakbo sa utak ko. But things have change when i start to meet this guy. Sabi nilang, habang kinikimkim lalong lumalalim. Kaya sana..habang maaga pa at wala pako exactly dun sa Love spot, maiwasan ko na.. Kung maiiwasan ko nga ba.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon