41. Lovesick

87 4 1
                                    

A/n
Okay, natagalan bago ang update, kaya heto na. Hahaha :D sa special friend ko na si ate Maricel, ito na yung update. :*



Warning! Spg xD
Read at your own risk!

* * * * *



Dominique's mind

Buong gabi akong gising dahil binabantayan ko sya. Ako naman nagdala sa kanya dito kaya responsibilidad ko sya.. Hindi din maalis sa isip ko kung bakit ko sya nahalikan nun.

I just find it sexy and inviting..

Para kasing natutuwa ako na nagselos sya kay zandra. If she is really jealous.

Kinalaingan ko lang lumabas sa gitna ng malakas na pagulan, hindi ko yata nasubaybayan ang weather update dahil sa biglaang pag ulan, halos humapas ang mga sanga ng puno sa bintana at para maitali ang mga sanga nung puno ng manga na humahampas sa bintana, Sa lakas kase ay halos wasakin na ito..

Nagsuot ako ng kapote pero hindi naman yata nakatulong dahil basa din ako.

Matagumpay ko namang naitali ng lubid ang mga sangga , ngunit nanuot na ang panlalamig at basa sa katawan ko. Naligo ako at agad at kumuha ng mas kumportableng damit hindi pa man ako nakakapag damit nang bigla nalang umikot ang paningin ko..

Parang naka ramdam ako ng hilo, napakapit ako sa gilid ngunit ang paningin ko ay nagiging malabo na. Ang sakit sakit lang ng ulo ko pero wala naman ako magawa dahil ayokong magising si lei. Hanggang sa tuluyan na akong napabagsak sa sahig at ang huling tagpo ay dumilim na ang paligid ko ng tuluyan.














Yvonnie's mind

Rise and shine!!! nagising ako sa sinag ng araw na dumapi sa aking mukha joke, with stretching-stretching pa! umaga na kaya nagising ako syempre.. Napangiti ako dahil maganda ako este ang gising ko..


" Oh my god!!"

Napabalikwas agad ako ng kilos dahil tumambad sa aking paningin ang nakahandusay na si Dominique sa lapag..



" Hoy? HOY!..." Sigaw ko habang
Tinatapik-tapik ko ang pisngi nya pero ayaw nyang gumising.

Naramdaman ko din na tila nag iinit sya at nanginginig..




"Bakit nasa lapag ka natutulog? At naka tapis ka pa ng tuwalya lang?? Hoooy!"



Pinilit kong maalalayan sya para ilipat sa kama at binalot ng kumot. Nangalkal din ako ng termometer at gamot, mabuti nalang at mayroon.. Di kaya lalo syang lamigin dahil naka tapis lang sya ng tuwalya? Kailangan nya mapalitan ng maayos na damit kaya buong-loob ko syang binihisan. Sinuotan ko sya ng preskong t-shirt, ayokong kapain kung may brief ba sya basta hindi ko inalis yung towel na nasa bewang nya, mukha namang may brief sya kaya kumuha ako ng short at tiniis ko ang hiya masuotan lang sya saka ko inalis ang towel. Nagbasa din ako ng bimpo saka iyon ipinunas sa katawan nya para sumingaw yung init, tapos nilagyan ko din yung tinupi kong basang bimpo sa kanyang noo.

Isiniksik ko ang thermometer at after one minute ay tumunog ito,
40°c ? Hala! Inaapoy na sya ng lagnat.. Kinalma ko ang sarili ko at nagmadaling maghanap ng malapit na botika. Hindi ko alam kung saan ako nakarating basta makabili lang, syempre nagtatanong tanong ako at papansin pa dahil sinakyan ko pa yung kotse ni nique. Bumili na din ako ng ilang manok at kung ano pa para iluto.. Pinakuluan ko yung manok at nung malambot na'y sinalinan ko ng bigas. Hinimay ko yung napakuluang manok para igisa at nung medyo naluluto na yung lugaw ay hinalo ko.. Nilagyan ko din ng spring onions at scrambled egg para makadagdag sa lapot at lasa.. Tapos asin at paminta kahit di naman nya malalasan. Yung natirang manok ay iti-tinola ko..



The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon