33. Accidental overnight

73 4 0
                                    

Happy new year again!!
-ate mairo ;)

Minsan, mahirap aminin sa sarili natin kung ano ang totoo sa ating nararamdaman sa sinasabi ng ating isipan na syang nilalabas ng ating tinig.
Madaling sabihin ang salitang


"Okay lang ako''pero deep inside wasak na wasak ka na.
Kaya nating paniwalain ang ibang tao na ipakita ang kabaligtaran ng tunay na nararamdaman. Pero, hindi ang ating mga sarili. Hindi ang Panginoong may likha.


Sa pag-ibig, para hindi ka mahusgahan, mas pipilitin mo nalang magsakripisyo at masaktan. Kapalit ng kaligayahan.. Sosolohin mo hanggat kaya, papasanin mag isa.
Pero ang tanong, hanggang kailan mo dadalhin ang bigat ng mag isa?






Dominique's mind

Sandali ko lang iniwan si yvonnie sa sala para iligpit ang mga gamit ko, Pagbalik ko..
Mahimbing na syang nakatulog sa sofa.

Hindi na ito ang unang beses na natulog sya dito, pero ito ang unang beses na dito sya naka-tulog ng aksidente. Hindi ko inasahan na makakatulog sya, halatang napagod sya ng husto sa ginawa namin at na stress din sa mga ideas na hinihingi ko . lumapit ako sa kanya na mahimbing ng natutulog...



" sorry yvonnie. Para saten naman talaga yung dinner date set-up na yun eh. Hindi ko alam bakit kapag nandyan ka na... Hindi ko maipakita yung totoo. Sorry talaga pero para sayo din naman ito.."

Sambit ko habang nakaluhod sa harapan nya.



Babe, i miss you so much...

I heard her voice.. Am i hallucinating?


Biglang pumasok sa isip ko si ayuri..

Shit! Hindi na ko nakakadalaw sa puntod nya ilang araw na!


Bakit? !


Bakit kase magkamukha pa sila...bigla ko syang naisip nung nakatitig ako sa payapang mukha ni yvonnie, Madalas din kasing makatulog si ayuri dito sa unit ko. Minsan pa nga sa mismong kwarto ko sa bahay namin.. But with due respect, harmless ako sa kanya. Ayokong gumawa ng isang aksyon na alam kong ikakasira namin. Mahal ko sya kaya nirerespeto ko sya.. Kaya sinasakripisyo ko ang kung ano mang nararamdaman ko para lang wag makagawa ng ganoon.

Tumayo ako at binuhat ko sya para dalhin sa kwarto at ihiga sa kama.

May kabigatan sya ng konti kay ayuri.. Pero hindi mataba o chubby..

Kinumutan ko sya at nag iwan ng bukas na lampshade na syang ilaw para hindi madilim, pinagmasdan ko muna sya sandali..

Sa sobrang tuwa ko'ng masdan sya..
Palihim ko syang Kinuhaan ng picture gamit ang cellphone ko.
Medyo naka-nga nga sya matulog pero ang ganda nya pa din..
Yung ganda na hindi mo agad mapapansin para sakin, pero kapag napansin mo na, ang sarap na nya masdan..

Nakakatuwa ang kanyang makakapal na pilik mata, akala ko fake lashes , totoo pala. Hindi sya pango , hindi din matangos, sapat lang ang ilong na bagay sa kanyang mukha. Pinkish din ang kanyang labi na may tamang laki at hugis..

Teka...

Mali na yata to! Masyado ko na ninamnam ang mukha nya. Tumayo nako saka lumabas at sa sala ako matutulog.

Naalala ko bigla yung mukha ni yvonnie na dismayado. Sa susunod, kapag sigurado na ako, may posibilidad naman na yayain ko sya. Kailangan ko bumawi kahit konti. Sa paraang hindi nga lang nya mapapasin. Inayos ko na yung hihigaan ko, sandali kong inalala ang mukha ni ayuri ...

Nireview ko ulet yung mga files at pagkasave saka ako natulog.





--

Kinabukasan~

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon