57. The Face-off

80 0 0
                                    

🌸 🌸 🌸

Dominique's mind

Tumigil kami sa isang magarang mansyon, automatikong bumukas ito kaya nakapasok agad kami. Kung paano nag ka-access ay dahil sa isang device na tinapat ni Zandra sa traffic light nito sa may gilid. Parang E-pass kapag dumadaan sa kahabaan ng North luzon express way, ibig sabihin nakarating na nga sya dito.

Bumungad samin ang karangyaan ng paligid at kahabaan ng daan bago matunton ang isang bahay na may malawak na hagdanan.

"Nandito na tayo" aniya kaya bumaba kami.

"Wait couz, where are we? I didn't know you have a place like this"

"This is not mine couz."

"Nasaan nga tayo?" Dagdag ko.

"Let's get inside first so you'll know"

Sinalubong kami ng ilang katulong, binati sya't hinayaan lang kami.



"Ma'am zandra may bisita nga po pala si Sir Kevin, nasa itaas. Hindi nya pinapababa kaya nag aalala na kami. "
Aniya ng katulong bago kami iwanan.


"So, tama ako. Nandito nga si lei."

That made me think, paano naman mapupunta si lei dito sa lugar na'to.

Nevermind, ang mahalaga, makita namin sya.


"Let's find her" dagdag ni liam, at dalian naman kaming pumasok sa loob.


"Chill couz. Hintayin natin ang magaling kong jowa, dahil sya pa din ang may kontrol sa bahay na ito. Ma-imbento ang taong yun."

Hinainan kami ng maiinom at makakain, kaya lang masyado akong tensyonado at di mapakali. Miss na miss ko na si Yvonnie.

Ilang sandali pa ay may malakas na ugong mula sa tambutso ng motor ang umalingaw-ngaw. Napatayo kaming lahat at inabangan ang papasok mula sa pinto. Masasapak ko ng wala sa oras kung sino man tong kevin na to.

Nakarinig kami ng malalakas na yabag, o sadyang attentive ako kaya ultimo iyon ay naririnig ko. Napayukom ako ng aking kama-o, nang bumukas ang pinto at maangas na lumitaw ang isang lalaki, nag alis sya ng helmet.

Ngunit imbes na sugurin agad ay natigilan ako. Laking gulat din nya ng magtama ang aming paningin at napa ngisi ng nakakaloko.


"Oh, nandito na agad kayo? Nakakainis naman. Hindi pa nga nag iinit ang eksena masyado kayong mainipin sa ending" bungad nya saka hinagis sa couch ang helmet.


"Kev--"


"Alam ko naman na dadalhin mo sila dito zandra" -pagputol nya sa sasabihin nito


"Ano? May mga pulis na ba? O bakbakan muna bago sila dumating?" Aniya sabay tawa ng pilit.

Nasasagad na talaga ang pasensya ko sa taong ito, pero bakit ganoon ni hindi ako makakilos.

"Ilabas mo na si lei , kevin. Maawa ka sa baby nila ni william. "

"Awa? Ha ha ha ha! Benta yang joke mo ha. "

"Ang labo mo naman kevin eh, bakit mo ba kasi ginagawa to? Pinagtatabuyan mo ko sa iba, tapos maninira ka din ng may relasyon? Kev, ano pa bang kulang sakin? Ano pa ba kailangan mo? Binigay ko na lahat ng kaya ko, maski yung hindi ko kaya ginagawa ko para sa ikakasaya mong leche ka , tapos ngayon ganito pa? Dudungisan mo pa ang pagkatao mo? Para saan ba?"

Hindi ako kumikibo, nakikinig lang ako sa usapan nila. Dahil kakaiba ang pakiramdam ko.

"Wala naman sa'yo. Kundi nandito sa lalaking katabi mo! "

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon