55. Fight for love

82 1 2
                                    

Author's note,
Masakit ang updates, ganun talaga. Walang madali sa mundo.
Pasensya na din sa napaka bagal na update ko, kasing bagal ko mag move on.

Please vote and comment. Thank you!
_________________________________________________




Nang magising si zandra ay sinalubong sya ng matinding sakit ng ulo at isang masamang balita.

From : Hon Ko

Ang bagal mo kumilos! Ako na ang bahala! Wag ka makikielam dahil pamilya mo ang tutuluyan ko!


Paulit-ulit nya iyong binasa dahil baka mamaya nagkakamali lang sya pero hindi, naroon ang text na iyon na tila pagbabanta sa buhay nya at ng taong mahahalaga sa kanya. Hindi nya alam ang uunahin, kung mag aayos ba muna o tatawagan si nique. Sa huli ay nangibabaw ang concern nya kay nique at tinawagan ito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi sumasagot. Napamura sya ng maalala nasa school pala ang mga ito at kasalukuyang nag eexam, wala na syang choice kundi ang magtext.



To : John Dominique

Jd, no matter what happen wag ka lalayo sa mga kaibigan mo. Kinakabahan kasi ako e, basta mag iingat ka ha.



She fixed herself and left the hotel para puntahan ang nobyo ngunit wala ito sa apartment nya. Nagtext sya kung nasaan ito at lalo syang natakot sa sinagot nito..

From: Hon Ko,
Pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito sa oras na makita ko sya. Damay-damay na, wala na akong pake kung ikasal kayo o hindi. Mas malaki makukuha ko dito, break na tayo! Wala ka ng silbi!


Agad nya itong kinontak pero wala na, out of coverage area na, dali dali syang kumilos para puntahan si dominique, sana lang hindi sya mahuli.











Yvonnie's mind

Maaga kaming natapos sa final exam, hindi ko alam kung tama ba ang mga naisagot ko, at dahil irregular si william may subjects syang di kami magka-kaklase, agad din namang umalis si lush dahil may pasok pa sa work, at dahil nag iisa ako, naisipan kong magpunta ng mall para tumambay. Bigla kasi akong natakam sa choco shake at siomai na sobrang anghang. At dahil hindi ko din dala si Baby Jade, no choice ako kundi ang mag commute. Nag ikot-ikot muna ako bago bumili tapos naupo sa foodcourt. Habang nagba-browse ako ng social media, nakatanggap ako ng text mula sa unknown number.



From :+63123456789

Let's talk please. Meet me at the park of the nearest mall, we just have to talked about US a long time ago.



Napakunot-noo ako, sino kaya to? Nagreply ako kaso ayaw nya magpakilala, hindi pa ako aalis kung di nya sasabihin sya si dominique at nakitext lang. Dahil wala akong mga alalay, ayon malaya ko syang makikita. Sa daan ko na inubos yung shake at agad na sumakay ng jeep. May 15mins din ang binyahe ko bago makarating sa tagpuan namin. Lumang park ito kaya walang kata-o tao. Naupo ako sa isang bench at kinakabahan..magkikita kami, makakapagpaliwanag ako, baka maging kami ulit..


Great yvs! Paliwanag? What for ? Kasal ka na

That thought suddenly wake me up from the idea of having us back together.

May sampung minuto na akong nakaupo nang makaramdam na ako ng kakaiba. Hindi kasi ako paghihintayin ni nique dahil di nga nale-late yon.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng may sumakal sakin mula sa likod at may kung anong nakakasulasok na amoy na ang sakit din sa dibdib kaya unti-unting nawawala ang paningin ko.

Lord, help me and my baby .

______________________________________________



The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon