43. Spaces & Realization

51 3 2
                                    

Author 's note
Pasensya na sa nakaraang chapters kung nasaktan si yvonnie. Ang buhay naman ay hindi laging puro saya lang. Babawi din ako ;)

________________________________________________

The Maid Nextdoor written by IamJamairo.

Yvonnie's mind

Two weeks na.

Two weeks nang lumalayo si dominique. And i think mas okay yun after our fight sa kotse nya , its just that ang hirap iwasan ng taong napakalapit sa puso ko. Ang hirap magpanggap na hindi kami close or magkakilala dahil lang sa issue namin, besides kumakalat na sa mga classmates namin at sa ibang studyante na "boyfriend" ko na si william. Kase nirequest ni william na isuot ko daw yung engagement ring namin, kaya ng makita ni aida yun, sinabi ko na couple ring namin ni william.

On-going ang pagpa-plano namin sa kasal ni william, pero bakit pakiramdam ko mali na ipagpatuloy ko pa?. Ito naman ang gusto ko di ba? Yung malayo kay dominique ? Bakit parang , sa bawat araw na lumilipas ako pa yung mas nahihirapan?.

Hindi na nya ako pinagluluto. Not unless, i-insist ko pa, Oo balik trabaho na ako sa kanya at kinakaya ko na yon, tapos kapag maglilinis ako, umaalis sya. Magkasama kami sa isang place pero napaka laki ng space. Yung ang lapit lang pero napakalayo pa din?.

Sa school, si william na ang madalas ka-group ko sa mga activities. At kapag nasa unit naman, parang nanadya si nique na tatawagan nya si zandra tapos lalabas sila. And then late na late na sya kung umuwi sa gabi. I used to wait him sometime para sana mag usap, pero kapag naaalala ko na tinawag nya akong ayuri, nasasaktan ako. At bumabalik yung galit at sakit kaya imbes na hintayin ko, umaalis nako.



" Yvs, ayos ka lang ba?"


" oo naman."


Kasalukuyan kaming nasa field ni lush. May mga issue na kasing kumakalat na, isang bayarang babae daw ako para makapag aral. The heck! Sino naman ang magkakalat nun? Kaya para makaiwas sa mga tinginan at bulungan, sa field na kami tumatambay.



" hindi yan ang nakikita ko lei."


" ayos lang talaga ako."



" nung nalaman ko na patay na yung mom ko, nandun ka. Ngayon, hayaan mo naman akong damayan ka. I am your bestfriend."

I sighed deep, unfair nga naman sa kanya .




" fine. Hindi ako okay dahil sa mga nangyayare.. Dun sa kumakalat na chismis at sa nangyayare sa amin ni nique."



" ano bang inaalala mo? Yung space sa inyo? You ask for it di ba?."


" hindi naman intended eh...its not like, i say it directly. Gusto ko lang naman na malaman nyang nasaktan ako dahil sa sinabi nya, ayun lang. Pero bigla nalang lumayo sya after namin magusap sa kotse nya noon, tapos kapag nasa unit kami, he treats me like air."



" ano ba yung reason?"

I think, para mas mauunawaan nya ako ay ang aminin ko.




" all this years lush, alam ko na mapagkakatiwalaan kita.. Kaya aaminin ko sa'yo...'



Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at seryosong tumingin sa kanyang mata.



'May nangyare na sa amin ni nique."
Dagdag ko, looking straight at her eyes.


" sus may nang---WHAT!?''.




The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon