50. The Resignation

95 3 0
                                    

Yvonnie's mind

Blanko ang utak ko sa mga tinuturo sa amin hanggang sa matapos nalang iyon, lutang ako.

" kein teyow, my treat"- untag ni liam

" Oo nga. Nakakagutom e"- aida

" ikaw ybs? Tara?" Lush

" kayo nalang. Gusto ko na umuwi"

Lumapit naman si william sa akin at itiningala ako sa kanya.

" we'll eat and go home okay?"

No choice kundi ang sumama ako. Besides, may medications nakong kailangan inumin regularly. Dad is right, kailangan ingatan ko ang sarili ko. Kumain lang kami sa mcdo tapos hindi na ako nagpahatid kay william pero convoy ang ginawa nya para daw makasigurado. Pagdating namin ni lush sa unit ko ay dumirecho nako sa kwarto ko, minsan nandito ako pero madalas nandun sa isang bahay namin na malapit lang din dito at kung inaakala ng lahat na maayos na? Definitely not. Nakapaligid sakin ang mga body guards at si nique? Hindi sakin nakakalapit.
Habang si lush naman ay mag aasikaso na sa pag pasok sa trabaho. I insert my earphones at nakinig sa music..

Ngayon, pakiramdam ko may sarili akong mundo.
Bakit ganito ang feeling kapag nakikinig ng music? Kahit hindi naman ako kilala nung singer at song writer, parang sa kanta nya, sinasabi nya lahat sa akin. Its as if, he/she knows me kaya nasasapul ako sa bawat linya ng kanta.


(Insert Almost is never enough)

Ang sakit, na parang sinasabi sa kantang ito ang sitwasyon namin ni dominique. Nang magising ako ay nasa kwarto ko na ako sa bahay ng aking mga magulang. Kinandado din ako ni daddy at para makapasok dito sa school may mga body guards pa na nakabantay sa paligid kaya hindi makalapit sakin ng maayos si dominique. Ang hirap na umaktong iniiwasan ko sya kahit ang gusto ko ay maglakad palapit sa kanya. Yakapin sya ng mahigpit at hawakan ang kanyang kamay. Hawakan ng mahigpit at hindi ko na bibitawan pa. Pero ngayon, iba. Nadudurog ang puso ko or should i say puso ni ayuri.. Naisip ko, saan ako lulugar ngayon? Kahit lumaban ako ay baliwala dahil hindi ko naman puso ang nagmamahal kay dominique. Hindi ko puso ang kanyang minamahal dahil matagal ng wala ang puso ko sa akin. Matagal na akong namatay at tila ba si ayuri ang nabubuhay sa katauhan ko. Sya ang nakikita, sya ang naalala.

Sya.

Lagi nalang Sya.

Pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa aking mata. Nasa isang bahay namin nga ako pero may mga guards sa labas. Can't i live my life back? Yung walang magpipigil sakin if i want to party all night and get drunk? I missed it. Yung amoy ng mall, mga damit na naka sale , new arrivals ng sapatos. Tell me? Normal pa bang maituturing ang buhay ko? Bahay-school lang lagi. Wala akong ibang makita kundi apat na sulok ng kwarto ko o yung mga mukha ng mga kaklase kong chaka ang iba. Sorry, ka-beastmode eh. I want to go out, roam around, walk around. Hindi ko din naman masisisi si daddy kung ang OA na nya, kaso paano naman ako? Alam ko mali ang ginawa ko pero ito na nga eh, sinusunod ko na sya. Sana naman kunsiderasyon sa feelings ko.
I missed him. Naiiyak ako na ganito kami ngayon. I can't contact him dahil wala akong sariling phone at blocked ang mga social networking sites sa windows 8 ko, Akala ko ba lalaban kami? Pero bakit wala syang ginagawa? Bakit hinahayaan nya lang yata ako? One of these days baka ikasal nalang ako bigla. Hindi na ako updated sa nangyayare, bigla nalang may schedule ng pre-nup photos, hindi ako sumisipot kaya hindi natutuloy. Seryoso ako, ayoko ng ituloy. Pero bakit ganito? Bakit parang ako lang ang lumalaban? ..

And i hate it. I hate myself too sa desisyong sinabi ko kanina kay nique .

If i only have the rights, i would choose to stay and be with him.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon