42. Left

68 4 0
                                    

Yvonnie's mind

Malinaw iyon sa aking pandinig.

Mahal kita
________________________________________________________________________________________________________________________




_______________________________________Mahal na mahal kita, ayuri.




Ako si Yvonnie Lei Sanders at hindi si Ayuri.. Hindi ko matanggap na sa unang beses na may gumawa noon sa akin ay hindi pa pala ako ang nasa isip. Yung kaninang pagod at saya ay nawala, kundi napalitan ng sakit at lungkot.

Bakit kase hindi ko pinigilan? Ako talaga yung mali eh..

No choice ako kundi mag iwan nalang ng note na nauna na akong umalis sa kanya, mas pinili ko talagang hindi na sya hintayin at binantayan ko hanggang sa Bumaba na din ang lagnat nya kaya naisip kong umalis na, hindi pa ako nakatulog dahil maaga naman na. Minonitor ko lang ang temperature nya, nung okay na sya, ang pag-alis lang naisip ko. Wala akong puwang doon at maging sa puso nya. Ito ang pinaka kumplikado sa lahat eh, huli na ng makumpirma ko na gusto ko sya. Mahal pa nga yata.

Alam ko naman na mag kikita pa din kami kaso ayoko syang makita ngayon. Masyadong masakit sa akin na ganun ang nangyare.. Dati sinasabi ko na, mahihina yung mga ganun pero ngayon naging isa ako kaya mahina din ako. Kapag pala napunta ka na mismo sa ganoong stado ay hindi ka na makakapag isip. Madadala ka na lang..

Nagpatulong ako sa mga tao kung saan makaka sakay papuntang bus station..

Uuwi muna ako sa parents ko. Nagtext naman ako kay lush na magiging solo nya muna yung unit , hindi ko din maiwasan ang sandamakmak na inabot na sermon kay lush. Alam ko nag alala sya pero i can't tell her kung ano ang ginawa namin ni dominique. Malamang naman kase, magpapanic yon. Kung ano pa iisipin.

Dumaan muna ako sa WHU para sa mga namiss kong lessons. Ayokong mag exam na walang alam, Nagbigay ako ng pekeng medical certificate kase yun ang sinabi kong reason. Kakastart pa lang ng bagong sem tapos may absentces ako? Kawawa naman yung grades ko.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong kausap nina mommy si William sa salas.


" Mom..dad" - bungad ko.


Nagulat pa sila ng makita ako..
Nagulat pero kung makapag chikahan with some snacks akala mo at ease lang ang buhay. Well, wala nga pala silang alam sa kagagahan ko.



" Oh! Sweetie goodthing your here.. Pinag uusapan namin ng daddy mo ang engagement party nyo ni william."


" Po? Di ba tapos na po yun?"


" Ang daddy mo kase nag iinsist na isa pang party. "- mom



" that's true anak, last time were just a simple gathering. This one is going to be big" daddy added.




"Ah.. Okay po. Akyat po muna ako sa kwarto ko.."
Walang gana kong sagot.



"Lei..." William called. I took a glance,
Nginitian ko nalang si william to acknowledge his pressence, Dahil seriously, hindi nakaka gana ang mga happenings sa aking party life. I miss the bar, that loud noise, those party bitches and hottie like men. Kaso, wala. Stuck in a middle of freaking contract and portraying my duties. Bwesit naman kase! Bakit ang mahal nung vase na yon? On the second thought, it was first owned by a queen. No wonder, basurang mataas ang value.

Kinagabihan ay nandun pa din si william. Doon na sya pinaghapunan kaya ayun, sabay-sabay kami, todo puri sila na bagay kami, part of me ay natutuwa, but most of me ay hindi at next week na agad ang party. Puro tango at 'Oo' lang ako.. Bakit ganito? Dapat masaya ako eh. Kase alam ko naman na sya yung gusto ko pero nung sa nangyare sa amin ni nique naiba na.
May bagay pala na saka mo lang marerealize kapag nangyari na. Mga nararamdaman na, malilinawan lang unless harapin mo. Ang pagpapakasal ko ba sa kanya ang solusyon para mawala sa isip ko ang nangyare samin ni dominique? Ang gulo kase.

The maid next door.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon