IX

12.3K 179 48
                                    

ELAINE kept her eye on one particular man while she was on bleachers watching the football team train. She was with Camille who constantly screams when Kael, the goal keeper, catches the ball. Kung hindi lang siguro kilala ni Elaine ang katabi niya ay iisipin niyang may gusto si Camille sa kababata nilang si Kael. But she knew Kael wasn't Camille's type. Elaine's eyes weren't on Kael, but rather was on a man with jersey number 02 and surname Baltazar. Kanina pa kasi iyon tingin ng tingin sa direksyon nila at ngingiti na lang bigla kapag iniiwas nito ang tingin. Hindi bulag si Elaine para hindi niya iyon mapansin. Hindi nga lang niya alam kung bakit din siya napapatingin sa binata.

Baltazar - Elaine decided to call him by the surname in his jersey - had long jet black hair with highlights. Hanggang leeg ang haba ng buhok nito at sa bawat galaw ay sumusunod ito. He, once again, looked at their direction and their eyes met. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa kanyang paa pataas hanggang sa ulo at dahil doon, napaiwas siya ng tingin. Hindi na niya muli itong tiningnan at kay Kael na niya ibinaling ang kangyang mga mata.

Kael's eyes were so focused on her, which she was so shocked to see, but what made her more shocked is when the ball landed on Kael's face because he wasn't paying attention at the game. Damn, Kael!

"Kael, 'wag tanga! Puwedeng umiwas, puwede mo ring saluhin kung ayaw mong makapuntos kalaban?"

Halos mabingi si Elaine sa sigaw ng kaibigan niyang nasa tabi lang niya pero sa halip na takpan ang tainga ay ang mukha niya ang tinakpan siya. All of people who are there in the field are looking at them. Siya pa ang nahiya sa ginawa ng kaibigan! Bumuntonghininga na lamang si Elaine nang pumito ang coach nina Kael at pinagpahinga ang mga players.

"Ang hirap maging varsity! Lagi na lang nag-t-training, lagi na lang may practice game. Napapagod din naman kami," reklamo ni Kael nang pumunta ito sa direksyon na kinauupuan nila ni Camille. May hawak itong tumbler na sa palagay niya ay Gatorade ang laman.

"Mahirap talaga kung magpapatama ka na lang ng bola sa ulo - masasaktan ka kasi! Tama na kasi tingin sa crush mo," ani Camille, gumawa ng panipi sa ere nang mabanggit ang crush. "Ayan tuloy, nasaktan ka kasi alam mong hanggang tingin ka lang!" Tumawa si Camille ngunit inismiran lang ito ni Kael. Nakisabay na lang siya sa pagtawa ng kaibigan dahil nakakatawa nga naman ang hitsura ni Kael no'ng sumibangot ito.

Hinanap ng mga mata ni Elaine ang lalaking nakatitigan niya kanina. And she saw him at the other side of the field with a girl resting on his shoulder while he was drinking water from a bottle. Baltazar wasn't hard to find because he was the only one who had a long hair in Kael's team. She didn't know what he had but she couldn't take her eyes off him. There's something in him that made her want to know him more. But she knew she had to back off because, based from what she was seeing, he had a girlfriend. Sa pagngiti pa lang nito ay alam na niya.

She wouldn't ask for his whole name, sapat nang may alam na siya sa pangalan nito kahit Baltazar lang ang alam niya. Tumingin si Elaine sa kanyang mga kaibigan na nag-uusap tungkol sa research nila sa social science, kung paano nila iyon gagawin. Magkakasama sila sa iisang block section at magkakaparehas din sila ng kursong kinuha - Bachelor of Science in Business Administration. Iyon ang gusto ng kanilang magulang para sa kanila kaya iyon din ang kinuha nila. Kung si Elaine ang papipiliin, ang kukuhanin niyang kurso ay Chemical Engineering.

"Simulan na rin nating mag-survey ngayon para tipid tayo sa oras, dito lang naman sa university ang mga respondents natin," ani Camille at tsaka ito tumingin sa kanya. "'Di ba, Elaine, mas maganda kung ngayon pa lang sinisimulan na natin ang research natin, mahihirapan kasi tayo kapag sa susunod pa, magkakasabay-sabay ang requirements natin," bumaling ito kay Kael, "At ikaw, varsity ka pa, malapit na ang interschool, puro training ang gagawin niyo."

Come InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon