Chapter 1:Nightmare

1.1K 43 23
                                    

"Please Rob don't leave me please....." halos lumuhod at magmakaawa na ako para lang hindi ako iwan ng lalaking sobra sobra kong mahal.

"Lea look hindi na kita mahal, hindi lang ako ang lalaki sa mundo na pwede mong mahalin, marami pang iba d'yan makakahanap ka ng mas better sa akin, I don't deserve you Lea" walang emosyong mababakas sa mukha nya at nasasaktan ako dahil wala manlang s'yang pakialam sa nararamdaman ko.

"No! No! I love you so much Rob I can't leave without you, please don't leave me I will do everything wag mo lang akong iwan" pag mamakaawa ko sa kanya na patuloy lang sa pag agos ang mga luha sa mga mata ko.

"I'm sorry Lea...goodbye" tinalikuran na nya ako at humakbang na sya palayo sa kinaruruonan ko, tuluyan na akong iniwan ni Rob habang ako walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.....

"No Rob No wag mo akong iwan...Nooooooooooooo......" napabangon ako bigla at kinapa ang mukha ko, basang-basa na ito ng luha. Napanaginipan ko na naman ang masalimuut na pangyayaring iyon ang pag-iwan nya sa akin. At hanggang ngayon ay sobrang sakit parin ng ginawa nyang pag-iwan sa akin.

Pinunasan ko na ang mukha ko na basa ng luha.

Tok!Tok!Tok!

"Anak gising na babana may pasok ka pa sa school"

"Opo ma maliligo lang po ako" I cleared my throat bago sumagot.

"Ohh sige"

Inayos ko na ang higaan ko at dumiretso sa bathroom ng aking kwarto.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba na para makakain ng almusal

"Good morning mommy daddy" sabay halik sa kanilang pisngi.

"Good morning too anak"

"Upo ka na ng makakain ka na malelate ka na sa school mo"

"Opo mommy" sabay upo ko at kumain na. Ilang sandali ay natapos na kami sa pagkain.

"Sige po mom dad pasok na ako" paalam ko sa kanila habang inaayos ni mommy ang tie ni dad.

"O sige mag iingat ka, uwi agad pagkatapos ng klase walang maglalakwatya ha??"

"Opo dad" sabay halik sa pisngi nila at lumabas na ng bahay.

Nagpahatid na ako sa family driver namin papuntang school.

"Kuya Ben pakibilisan malelate na po ako" sabi ko sa kanya pagsakay ko sa sasakyan.

"Opo mam" pagkalipas ng 15 minutes nakarating na ako sa school. Tumingin ako sa wrisk watch ko at 5 minutes nalang malelate na ako, nagmadali na akong naglakad halos tumakbo na ako, agad akong nakarating sa aking distinasyon. Pumasok na ako sa aming classroom at umupo sa aking upoan tinignan kong muli ang relo ko at 3 minutes nalang bago mag time. Biglang lumapit si Ray sa akin, gay best friend ko since high school. Actually tatlo kaming mag be-best friend, ako, si Ray, at si Aliyah.

"Lea friend alam muna ba ang balita?"

"Ha? Anong balita?"

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon