Chapter 6:A Bunch Of Roses

494 27 4
                                    

ROB POV

I woke up early, ang ganda ng gising ko hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Lea ang babaeng mapapangasawa ko. Am I dreaming? Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising.

Bumangon na ako at agad na nagtungo sa aking bathroom at naligo hindi naman mukhang excited ako noh na makita syang muli?

LEA POV

Pagkagising ko ay agad akong dumiretyo sa bathroom ng aking kwarto at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba para maka pag breakfast.

SCHOOL

Pumasok ako ng napaka lawak ang ngiti sa aking mga labi.

"Wow ganda ata ng araw natin ngayon ha ang lawak ng ngiti ohh abot hanggang tenga" si Ray habang kasabay ko syang naglalakad papasok. Tiningnan ko sya at nginitian lang.

"Anyare sayo Lea, naka singhot kaba ng baygon?"

"Sira hindi noh, maganda lang talaga ang gising ko"

"Weh...BTW ano pala ang nangyari sa dinner nyo ng future husband mo?" bigla ko na naman naalala ang mga nangyari kagabi at lumawak muli ang aking ngiti to the highest level.

"Hala sya ohh...ngiti lang ang sagot, ganda ng sagot mo ateng ha"

"Oh my gosh" sabi ko with matching kilig pa talaga.

"Hala, ano nga nangyari?"

"Beeeeesss"sigaw ni Aliyah samin habang papalapit sa kinaroroonan namin.

"Tingnan mo ang isang to kung makasigaw kala mo taga bundok"

"Grabe ka naman taga bundok talaga ako" sabi ni Aliyah na kunwari ay nagtatampo.

"Oh nga pala Lea anong nangyari sa dinner nyo ng future husband mo kuno?"

"Hay nako Aliyah sasagotin ka lang nyan ng ngiti"at hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha ko.

"Tingnan mo ohh"sabay toro ni Ray sa akin.

"Oy bruha magkwento kana"

"Ohh sige pero mamaya na pag nakarating na tayo sa classroom"

"Ok"

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nakarating kami agad sa aming classroom.

"So ano na kwento kana"hay nako, atat na atat.

Ikinuwento ko na nga ang mga nangyari kagabi sa dinner namin with my future husband.

"So si Rob ang mapapangasawa mo?"

"Exactly"

"OH MY GOSH what a coincidence"

"Kailangan sabay talaga"

"Pero hindi, totoo? Si Rob ang mapapangasawa mo?"

"Bingi kaba? Kasasabi lang diba" si Ray na binatukan pa si Aliyah. Natawa na lang ako sa inasal nilang iyon.

"To naman naninigurado lang naman ehh"

Ilang minuto pa ay dumating na ang teacher namin which is Rob. Ang lawak ng ngiti ha.

Nagkatitigan kami at nag ngitian. Siniko naman ako ni bakla. Tiningnan ko sya at ang lawak din ng ngiti.

"Good morning class!"

"Good morning Mr. Chien!"

OK let's start our lesson now. Nagdiscuss na si Rob at kami ay nakikinig lang nakikita ko rin na pasulyap sulyap sa sakin at kapag nagtatama ang mga mata namin ay ngingiti kami ng sabay, para na kaming baliw buti walang ibang nakakakita.

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon