ROB POV
Inakay ko ang babaeng mahal ko sa couch at umupo kami doon. Sobrang na miss ko ang babaeng pinakamamahal kong ito.
Walang araw o gabi na hindi ko sya naiisip at na miss. Lagi kong tinititigan ang picture naming dalawa na nasa wallet ko. Kaya naman ng mailibing si Shina ay agad akong pumunta sa mall para bumili ng regalo ko sa kanya para sa katatapos lang nyang graduation, babawi ako sa kanya sabi ko sa aking isipan noon. Kaya ng makita ko si Lea sa mall kasama ng ibang lalaki ay biglang matinding selos at galit ang naramdaman ko kaya hindi ako nag dalawang isip na suntokin ang kasama nya.
At sobrang nagulat ako ng ipagtanggol nya ang lalaking iyon at ayaw na nyang sumama sa akin kaya naisip kong may bago na syang mahal at hindi na nya ako mahal pa. Sobrang sakit ng aking nararamdaman dahil sa isiping iyon, palagi aking lasing at walang ganang kumain, hindi ko din kinakausal sina mommy at daddy.
Nagumpisa na akong magpaliwanag sa kanya.
LEA POV
"Noong nasa park tayo tumawag si Franko sa akin at sinabi ko sayo na tungkol lang sa company ang pinag-usapan namin" naalala ko nga iyon at sabi nya nga ay may kunting aberya lang sa company.
"I lied, because not about company ang pinag-usapan namin, that time Franko told me that Shaina is back, I'm so nervous that time kasi alam ko kong ano ang kaya nyang gawin at gawin na naman nya ang ginawa nya sayo dati para paghiwalayin tayo" naalala ko lahat ng ginawa ni Shina noon sa amin para sirain kami, tinangka nya noon na ipakidnap ako at ipagahasa sa mga tauhan nya pero hindi sya nagtagumpay dahil iniligtas ako ni Rob mula sa panganib, galit na galit ako noon sa kanya at lakas loob akong sampahan sya ng kaso para makulong sya sa ginawa nya pero nakiusap ang nga magulang nya sa akin at nangakong ilalayo nila ang anak nila sa amin sa awa ko sa kanyang magulang at pinabayaan ko na lang ito at tinupad naman ng mga magulang nya na ilayo ito sa amin, pumunta sila sa ibang bansa at hindi na sila bumalik pa.
Hindi ito alam ng aking mga magulang dahil hindi ko pinaalam dahil kapag nalaman nila ang nangyari ay malalaman din nila na may boyfriend ako, that time kasi bawal pa akong mag boyfriend at kapag nalaman nila na may boyfriend ako ay ipapadala nila ako sa states kaya inilihim ko sa kanila na may boyfriend ako.
"Nong gabi ding iyon ay pinuntahan ako ng kanyang magulang at sinabi nila na kailangan ako ng anak nila, tinanong ko kong bakit at ang sabi nila ay may cervical cancer si Shaina, ayaw na daw nyang magpagamot at kahit anong pilit nila ay ayaw daw talaga nya kaya hiningi ni Shaina na umuwi na lang daw sila dito sa Pilipinas at umuwi nga sila" mataman akong nakatingin at nakikinig kay Rob habang nag kukwento sya.
"Hiniling daw ni Shaina na kahit sa natitirang buhay nya ay makasama daw nya ako at maranasang muli na inaalagaan ko sya at mahaling muli, nong una hindi ako pumayag pero ng makita ko ang kalagayan nya na hirap na hirap at namimilipit sa sakit ay nakonsensya ako at pumayag sa kagustuhan nya pero ang huli nyang hiling na mahalin ko sya muli ay hindi ko maibigay dahil iisa lang ang laman ng puso ko at ikaw yon Lea" parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko iyon. Si Shaina ang first love ni Rob, childhood sweetheart sila, naghiwalay daw sila ng malaman ni Rob na may iba syang lalaki pero hindi matanggap ni Shaina iyon kaya ginawa nya lahat para magkabalikan sila pero nagkakilala kami ni Rob at minahal nya ako at ganon din ako sa kanya.
"Nasa stage 4 na ang cancer nya noon at sa kabila ng mga ginawa nya sa atin lalong lalo na sayo ay nagawa ko paring maawa sa kanya kaya inalagaan ko sya, sobrang naawa ako sa kanya kapag namimilipit sya sa sakit at wala akong magawa para sa kanya kundi ang samahan sya at pagaanin ang loob nya kahit na gustong-gusto kong puntahan ka at katingkati ang mga kamay ko na tawagan ka pero pinigilan ko ang sarili ko miss na miss kita at kumikirot ang puso ko sa tuwing iisipin ko na parang nagtataksil ako sayo" napatulo na ang aking mga luha dahil naiimagine ko ang paghihirap nya noong panahon na wala ito sa aking tabi.
"And then months had past at walang oras na hindi kita iniisip, gusto kong pumunta sa graduation mo pero doon naman inatake ng sakit si Shaina kaya hindi ako nakapunta, hirap na hirap sya at habul-habul ang hininga nito, hindi ko kayang nakikita sya sa ganoong kalagayan. May ibinigay sya sa aking box at sulat at ibigay ko daw ang mga ito sayo, humihingi din sya ng tawad sa atin sa iyo dahil sa mga ginawa nito" may mga luha na namang pumapatak sa mga mata nito at nakikita kong nahihirapan ito, napapaiyak na din sya habang inaalala ang mga nangyari. Naawa ako sa dinanas si Shaina kahit hindi maganda ang pagsasama namin noon.
"Pagkahingi nya ng tawad ay doon na sya bunawian ng buhay" niyakap ko na ito dahil hindi ko na kayang nahihirapan sya habang umiiyak. Pinunsan ko ang mga luha nya at inihiwalay ito sa akin at tinitigan sya. May kinuha syang box at isang papel sa bulsa nito at kinuha ang isa kong kamay at inilagay ang mga ito doon.
Binuksan ko ang box at nakita ko ang isang mamahaling kwintas, kumikislap-kislap ang pendant nito. Sinunod ko na mang binuksan ang papel at binasa ang sulat.
---------------------------
Pinalitan ko po yong tittle....same story pa rin po....Masyado na kasing makaluma yong tittle nya dati.
---------------------------
VOTEand
COMMENT...
-Lea

BINABASA MO ANG
Forever Yours (Completed)
Fiksi Penggemar"Please Rob don't leave me please....." halos lumuhod at magmakaawa na ako para lang hindi ako iwan ng lalaking sobra sobra kong mahal. "Lea look hindi na kita mahal, hindi lang ako ang lalaki sa mundo na pwede mong mahalin marami pang iba dyan maka...