Chapter 19:The Letter

365 18 1
                                    

Dear Lea,
       
            Siguro kong nababasa mo na ito ay patay na ako. Nong una kitang nakita sobrang galit, inis, at inggit ang naramdaman ko para sayo dahil sa mas pinili ka ni Rob kesa sa akin kaya naman ginawa ko ang lahat para mapaghiwalay kayong dalawa at bumalik muli si Rob sa akin sinubukan ko nga ring ipakidnap ka at ipagahasa sa mga tauhan ko pero hindi ako nagtagumpay sa balaking iyon, napaka desperada ko no, kasalanan ko din naman ehh kong bakit ako iniwan ni Rob dahil nagtaksil ako sa kanya at huli na nang marealize kong mahal na mahal ko sya, kinumbinsi ako ng aking mga magulang na pumunta na lang sa ibang bansa, hindi ako pumayag pero wala akong nagawa kundi sundin ang gusto nila. Ayokong umalis ng bansa dahil hindi ko pa nababawi si Rob mula sa iyo, at bago kami umalis ng bansa ay isang malagim na krimen ang nangyari sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan sa tanan ng buhay ko, nagahasa ako ng isang grupo. Paulit-ulit akong inangkin ng mga demonyong mga iyon, mga wala silang konsensya at puso mga hayop sila, gusto ko ng mamatay ng mga panahon na iyon dahil sa nangyari sa akin, pagkatapos nila akong angkinin ng paulit-ulit ay basta na lang nila akong iniwan sa lugar kong saan nila ako dinukot, hindi ko sinabi ito sa mga magulang ko kaya wala silang alam sa nangyari sa akin, maging si Rob ay hindi rin nya ito alam. Ilang taon akong nagluksa dahil doon, at nagaalala na ang aking mga magulang dahil hindi ako lumalabas ng bahay at nakakulong lang, balisa, tulala at palaging umiiyak, at ilang ulit ko na ding sinubukang magpakamatay pero hindi natutuloy dahil kung hindi palpak ay pinipigilan ako ni mommy at daddy. Dumaan ang mga taon na ganon parin, hanggang sa napagod na ako sa kakaiyak at sa kakaluksa. Pinilit kong bumangon ulit at ipagpatuloy ang buhay at ng unti-unti na akong nakakabangon ay doon naman dumating pa ang isang malaking problema na makakapagpahinto ulit ng buhay ko. Nitong nakaraang taon ko lang nalaman na may sakit na pala ako, akala ko normal lang ang pagsakit-sakit ng puson ko kaya naman pinagwalang bahala ko ito pero ng hindi ko na talaga makayanan ang sakit ay nag desisyon akong magpacheck up na at doon ko nalaman na malala na pala ang sakit ko, I have a stage 3 cervical cancer. Unti-unting naglagas ang buhok ko, at nong nalaman ng mga magulang ko na may sakit ako ay sinubukan nila akong ipagamot pero ako ang unang sumuko, pinipilit ako ng aking mga magulang na magpagamot muli pero hindi na ako pumayag pa at mas lalong lumala ang sakit ko, nasa stage 4 na ang sakit ko, ang nasa isip ko noon ay siguro karma ko na ito dahil sa mga masasamang ginawa ko sa inyo ni Rob kaya tinanggap ko na lang ang kapalaran ko. Pinili ko ang umuwi na lang dito sa Pilipinas kasama ang lalaking pinakamamahal ko at sinabi ko sa mga magulang ko na pakiusapan si Rob na kung pwede ay makasama ko sya at maramdaman muli ang kanyang pagaalaga para sa akin hanggang sa huling hininga ko, natuwa ako ng pumayag si Rob sa gusto ko at pinuntahan nya ako, patawarin mo ako Lea kong naging selfish ako, nagawa ko lang ang mga iyon dahil sa pagmamahal ko kay Rob. At patawarin mo ako kong hindi ko inisip ang mararamdaman mo, halos madurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko si Rob na palihim na umiiyak habang nakatitig sya sa larawan mo dahil sa pangungulila nya sayo sobrang sakit Lea mas masakit pa sa sakit na pinagdadaanan ko pero tanggap ko na na ikaw lang ang kanyang mahal at hindi ako. Patawarin mo sana si Rob dahil wala syang ginawang mali ako ang humiling sa kanya yon na alagaan ako. Ako na ata ang pinakamasayang patay kung magkakatuluyan kayo. Alagaan mo sya ha. Hanggang sa huli. Paalam.

-Shaina

Humihikbi at humahagulgol ako habang binabasa ang sulat ni Shaina. Naawa ako sa dinanas nya. Sobra pala ang pinagdaan nya at humahanga ako sa kanya dahil sa lahat ng pagsubok na dinanas nya ay nakaahon at nalagpasan nya ito ng mag-isa.

Ng matapos kong basahin iyon ay agad kong niyakap si Rob ng napakahigpit na sinuklian naman nya ito. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa pagiyak, oo may ginawang kasalanan si Shaina sa akin pero naawa parin ako sa kanya dahil sa matinding dinanas nya sa buhay at kung ako siguro ang nakadanas ng lahat ng iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko, mababaliw na siguro ako kung sa akin nangyari ang lahat ng iyon.

"Rob *sob*" nakayakap parin ako sa kanya habang umiiyak.

"Shhhh" alo nya sa akin habang hinahagod ang likod ko para mapatahan ako. I'm still sobbing like a baby hanggang sa tumigil ako sa pagiyak at hinarap si Rob.

"Honey, naawa ako sa kanya" malungkot ang boses ko na turan dito.

"Wherever she is, I'm sure she's now resting and happy" niyakap muli ako ni Rob ng mahigpit kagaya ng yakap nya kanina. Nanatili kami sa ganoong pisisyon hanggang sa nakatulog ako.

ROB POV

Narinig ko ang malalalim ng paghinga ni Lea, liningon ko ito at nakita kong nakatulog na pala ito. Mugto ang mga mata at mukhang stress na stress.

I carried her and put her on my bed, nang maibaba ko na sya sa aking kama ay umupo ako sa tabi nito at pinagmasdan ang maganda at maamo nitong mukha. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hindi ko napigilan ang butil ng luha na tumulo galing sa mata ko.

"Your so gorgeous honey" mahina kong anas dito bago tumayo at lumabas ng aking silid para kumuha ng bimpo at tubig.

Pagkakuha ko ay agad akong bumalik sa kwarto ko at pinunasan si Lea. Habang pinupunasan ko ang mukha nya ay napadako ang mga mata ko sa mapupula nitong mga labi. Natetempt akong halikan iyon kaya unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan ito. Naramdaman kong gumalaw sya kaya agad kong inilayo sa kanya ang mga labi ko. Tumagilid ito ng higa. Tumayo na ako at ibinalik ko na ang gamit na ipinampunas ko sa kanya.

---------------------------
VOTE

and

COMMENT...

-Lea

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon