"Anak" lumapit ang mommy ni Rob sa kinauupuan namin at niyakap si Rob na sinuklian naman din nya ito. Nang maghiwalay sila ay ako naman ang niyakap ni tita.
"Thank you" bulong nito sa aking tenga, bakit nag te-thank you si tita sa akin, ng maghiwalay na kami ay nginitian ako ni tita na nginitian ko din pabalik. Bumalik na si tita sa inuupoan nya.
"OK, since everybody is here, we need to talk" pormal na sabi ni Rob sa aming lahat at walang mababakas na emosyon sa kanyang mata.
"Yes, we need to talk about the wedding" matigas din na sabi ng daddy nya habang ang aking mga magulang ay tahimik lang.
"Itutuloy parin ang kasal namin ni Lea" nanahimik lang kaming lahat at hinayaan si Rob na magsalita.
"Na sana last last month pa pero naudlot dahil nawala ako. I just need to do that and I told you before the reasons why I need to leave Lea for a while" what, so alam nila ang dahilan kong bakit ito nawala at hindi manlang nila ito sinabi sa akin.
"Yes we know, at dapat lang na matuloy ang kasal ninyong dalawa" si daddy ang nagsalita at hindi ko na napigilan ang sarili ko ay kumibo na ako.
"Wait,,,what? Do you all know the reasons po kong bakit nawala si Rob pati kayo mommy, daddy?" nagtataka ko namang tanong sa kanila na nakatingin sa aking mga magulang.
"Yes" sabay pang sabi ni mommy at daddy.
"So, alam nyo po pala lahat, pati kayo mommy at daddy, ba't di nyo manlang sinabi sa akin?" sarcastic kong sabi sa kanila.
"Honey, don't get mad to them, nong nagpaalam ako sa kanilang lahat na mawawala ako sandali ay sinabi ko din sa kanila na kung pwede ay wag na lang sabihin sa iyo, and I'm sorry for that honey" hinarap ako nito at niyakap na tinugunan ko din. Nang maghiwalay na kami ay humarap kami muli sa kanila.
"I'm sorry po" hinging paumanhin ko sa kanila dahil sa inasal ko kanina.
"Its OK baby" sabi naman ni mommy sabay ngiti nya sa akin.
"Kung gayon, kailan ang kasal?" tanong ng daddy nya kay Rob.
"Bukas"
"BUKAAAASSS?" sabay-sabay na sigaw naming lahat at nanlalaki ang mga mata namin na tumingin kay Rob.
"Can you please lower down your voice everyone, tyaka hindi ako bingi kaya huwag kayong sumigaw" si Rob na napatakip pa sa kanyang tenga.
"Sorry" sabay-sabay din naming sabi.
"OK, Rob seriously bukas? Madami pang preparation ang gagawin para sa kasal nyo ni Lea" sabi ng mommy nito sa kanya.
"I know mom, everything is ready, everything is prepared kaya no worries"
"Paano mo nagawa yon ehh kakabalikan lang natin?" tanong ko dito.
"Well, gumising ako ng maaga kanina at agad kong tinawagan lahat ng connections at resources ko para tulungan akong ayosin lahat-lahat ng kakailanganin para sa kasal natin so everything is prepared and OK" mahabang paliwanag nito. Is it real, hindi ba ako nananaginip? Bukas na bukas din magpapakasal na kami, na bukas na bukas din magiging officially Mrs. Chien na ako.
"Ahh kaya pala pagkagising ko ay wala ka na sa aking tabi kanina ehh ang aga-aga pa naman" sabi ko naman dito.
"What? Magkatabi kayong natulog ni Lea?" gulat na naman ang tonong tanong ng aming mga magulang sa amin.
"Opo, but its not what you think, walang nangyari, natulog lang po kami so relax guys" ngingisi-ngisi pang sabi ni Rob.
"Yeah, that's true po, promise wala kaming ginawang iba ni Rob" sabi ko naman na sinang-ayonan ang paliwanag ni Rob. Totoo naman ehh walang nangyari, natulog lang kami, syempre dalagang pilipina ako kaya tyaka ko na lang ibibigay yon pag kasal na kami.
Tiningnan ko ang mukha ng aming mga magulang para makita kong naniniwala sila at mukhang hindi kombinsido at ang daddy ni Rob ay nakangisi ito kay Rob.
"Talaga?" paninigurong tanong ng mommy ko. Ohh kita nyo, sabi na ehh di sila kombinsido.
"Promise po wala talaga, natulog lang po kami" sabay pang sabi namin ni Rob para makumbinsi ang mga ito.
"Siguradohin mo lang ha Rob, you can only own my daughter after the wedding, is that clear?" sabi ni daddy habang matiim na nakatitig kay Rob. Pinisil ko ang kamay ni Rob na hanggang ngayon ay magkahawak kamay parin kami.
"Yes po"
"Good, dahil kapag may hindi magandang nangyari sa anak ko ay babawiin ko sya sayo kahit na ako mismo ang nagtulak sa kanya na pakasalan ka, and search for the best Doctor para ayosin ang mukha mo " ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si dad.
"Don't worry Benedick dahil ako mismo ang sasapak sa kanya kapag sinaktan o may hindi magandang ginawa si Rob kay Lea" sabi ng daddy nya habang nakatingin ito kay Rob.
"That will never happened dad, mahal ko si Lea kaya hindi ko na sya muling sasaktan tulad nong iniwan ko sya" tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay ko at inakbayan naman nya ako, isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat ni Rob.
"Mabuti naman kong ganon" nginitian naman namin ni Rob ang mga ito.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay nagpaalam si daddy, tito at Rob dahil may haharapin daw silang cliyente pero babalik din daw sila pagkatapos. Ayaw pa ngang sumama ni Rob ehh dahil kababalik lang daw nya tyaka gusto daw nya akong makasama pa dahil sobrang miss na miss daw nya ako. Oh diba sobrang sweet ng honey ko kaya kinilig ako ng todo pero hindi ko pinahalata sa kanila.
Ako, si tita at mommy naman ay kasalukuyang nagkwekwentuhan, actually sila lang dalawa ang nagkwekwentuhan dahil hindi ako makarelate sa pinag kwekwentuhan nila kaya nagbasa na lang ako ng mga magazines na nasa ilalim ng mesa sa gitna.
---------------------------
VOTEand
COMMENT...
-Lea
BINABASA MO ANG
Forever Yours (Completed)
Fanfiction"Please Rob don't leave me please....." halos lumuhod at magmakaawa na ako para lang hindi ako iwan ng lalaking sobra sobra kong mahal. "Lea look hindi na kita mahal, hindi lang ako ang lalaki sa mundo na pwede mong mahalin marami pang iba dyan maka...