Chapter 11:Fireworks

292 19 2
                                    

Pagkababa namin ay hinang-hina ako na tila pakiramdam ko ay nawala ang pagkatao ko dahil sa pagsakay ko doon.

"Hey, you ok?" tanong nito sa akin.

"MUKA BA KONG OK?" sigaw ko sa kanya na tinawana lang nya ako ng malakas. Nang maglalakad na ako para iwan sya ay hinawakan ulit ni Rob ang kamay ko at dinala sa bilihan ng pagkain.

Kumain muna kami dahil medyo gabi narin at nakikita mo na ang magagandang ilaw sa loob ng E.K.

Pagkatapos naming kumain ay dinala ako ni Rob sa mga both, kung saan pwedeng maglaro. Nakita ko ang isang kulay brown na teddy bear na may suot na damit na may nakalagay na "I Love You" bilang design. Nakita naman ni Rob na naka tingin ako sa teddy bear.

"Magkano po?" tanong ni Rob doon sa lalaking nagbabantay sa booth.

"100 for 3 shots sir" tugon naman ng lalaki. Tumango si Rob at nag-abot ng isang daan, madali lang naman ang laro. Kailangan lang makapag patumba ng tatlong sundalo para makuha ang teddy bear na iyon.

Pagkatapos ng tatlong tira ay nakuha ni Rob ang teddy bear, nagulat ako dahil masyadong sharp shooter si Rob pagdating sa barilan. Pagkatapos ibigay ni Rob ang teddy bear sa akin ay nag punta na kami sa Ferris Wheel. Habang nasa taas kami ay hindi ko mapigilan na yakapin si Rob.

"Thank you *sob*"sabi ko sa kanya habang nakayakap ako kay Rob.

"Hey, why are you crying?" tarantang tanong nito sa akin.

"I'm just happy. Thank you" nanatili kaming magkayakap. Pagkatapos ay biglang lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks.

"Fireworks" manghang usal ko dito habang nakatingi sa kalangitan.

"It's beautiful" dugtong ko pa dito. Sobrang ganda ng kalangitan napakaliwanag dahil sa fireworks, nakakagaan ng pakiramdam napaka romantic.

"Yes" sabi naman ni Rob sa akin pero lingid sa kaalaman ko ay sa akin sya nakatingin.

Pabalik na kami sa Manila at napag pasyahan namin na mag-drive thru nalang sa KFC para sa aming dinner, traffic pabalik kaya habang nasa byahe kami ay panay ang kwentuhan at panay ang tawanan namin ni Rob.

"Thank you" sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng bahay.

"Welcome honey, basta ikaw" tugon nito sa akin habang naka ngiti. Nginitian ko rin sya pabalik.

"O sige pasok na ako honey, good night" sabay halik sa pisngi nya, nakita ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ba't sa pisngi lang? Dapat dito oh" sabay turo nya sa labi nya. Natawa nalang ako sa itsura nya.

"Hay sige na nga" sabay halik ko sa pisngi nya. Smack lang sana kaso hinawakan nya ang batok ko, kaya ang smack sana ay naging passionate.

When the kiss end we're both gasping of air.

"Sige na honey pasok ka na, kung ayaw mong marape dito ng wala sa oras" usal nito sabay tawa ng malakas. Ang ganda talaga ng tawa nya. Tiningnan ko naman ito ng matalim.

"Hehehe joke lang honey, ikaw naman di na mabiro, sige pasok ka na" binuksan ko na ang ang gate.

"Sige hon good night" paalam nito sa akin.

"Good night din" sabay wave ng aking kamay. At pumasok na si Rob sa loob ng kotse nya at umalis na sya.

Pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa aking kwarto at agad na ibinagsak ang aking katawan sa malambot na kama. Hindi ko nadatnan sina mommy at daddy, siguro ay baka tulog na sila. Sampong minuto muna ako sa ganoong posisyon bago napagpasyahan na maligo na muna. Habang naliligi ako ay hindi ko maiwasang papangit at mamula habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at pinatuyo ang aking buhok at humiga na muli ako sa aking kama, nang ipipikit ko na ang aking mata ay yon naman ang pagring ng aking phone.

"Hello?" sinagot ko naman ang tawag without looking at the caller ID.

"Hello honey? Tulog ka na ba?" napangiti ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Malamang hon hindi pa, sasagotin ko pa ba ang tawag mo kong tulog na ako?" narinig ko sa kabilang linya na tumawa ito.

"Oo nga naman, hindi ba kita naistorbo?" tanong na naman nito.

"Papikit na sana kaso tumawag ka" masungit kong sagot sa kanya.

"Oh sorry naman, sungit sungit talaga nito. BTW kaya ako tumawag because I just want to say good night ang I love you" biglang bumilis ang tibok ng aking puso na parang gustong kumawala galing sa loob. Napangiti ako.

"Ah..hehehe I love you too hon. Good night din and I love you too" nagpagulong-gulong pa ako dahil sa kilig na aking nararamdaman ngayon. Muntanga na ako dito.

"Sige bye" nagpaalam na ito sa akin.

"Sige bye" at pinatay ko na ang tawag.

Muli ay nag pagulong-gulong na naman ako sa aking kama hanggang sa....

"Aray ko po" nahulog ako sa kama at bumagsak ako sa baba.

"Ouch" habang hawak-hawak ko ang aking balakang.

(Yan kasi kong kiligin wagas, wag kasi ibigay lahat para hindi ka nasasaktan)

Enebe Ms. Author ehh sa kinikilig ako eh. Tyaka humuhogot ka dyan ha, ano meron? May pinagdadaanan ka ba?

(Hindi ah. Ingat kasi minsan)

Oo na po, si Ms. Author talaga imbes na tanongin kong ok lang ako sinermonan pa ako.

(Pasalamat ka mahal kita)

Hehehe I love you too Ms. Author.

(Oo na back to story na tayo)

.......

Humiga na muli ako at natulog na ng may ngiti sa aking nga labi. This is life.

Tomorrow we will start a good morning.

Good night.


----------------------------
VOTE

and

COMMENT...

-Lea

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon