Chapter 20:Hot

412 15 1
                                    

LEA POV

Pagkagising ko ay may naramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa may tiyan ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at naglibot ang paningin ko sa buong silid. Nadako ang tingin ko sa mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko, may nakayakap pala sa akin.

Tiningnin ko kong sino ang nagmamay-ari niyon at nakita ko si Rob na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang yakap-yakap ako. Binuhat ko ang kamay nya na nakayakap sa akin at tumagilid para makaharap ko sya at pinatong muli ang kamay nya sa akin.

Pinagmasdan ko ang gwapo at maamo nitong mukha na parang kinakabisado ko bawat angolo nito. Naririnig ko ang malalalim nitong paghinga na tumatama sa mukha ko. Napadako ang isa kong kamay sa pisngi nito at hinaplos-haplos ito. Gosh sobrang mahal ko ang lalaking ito at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala pa ulit ito sa akin, sobrang na miss ko talaga ang mahal ko.

"I miss you so much honey at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka ulit sa akin. Mahal na mahal kita at masaya ako na magkasama na tayong muli" mahina kong sabi dito dahil baka magising bago ko sya niyakap pabalik. Pinikit ko muli ang mga mata ko at muli ay nakatulog ako.

Nagising ako ng wala na si Rob sa aking tabi. Naglibot ang mga mata ko at nakita kong malinis na ang buong kwarto at wala na ang mga nabasag na salamin at mga vase na nagkalat sa sahig.

Bumangon ako at isinandal ang kalahati ng katawan ko sa headboard ng kama at saktong  pagbukas naman ng pinto ng bathroom dito sa kwarto at lumabas mula doon si Rob.

Namula ako ng makita ko ang itsura nito. Wala itong ibang saplot sa katawan kundi ang itim na boxer lang habang pinupunasan nito ang basa nitong buhok gamit ang towel, napakaganda ng katawan nito na akala mo ay isa itong model dahil sa sobrang gwapo at hot nito, ang mga abs nya na mala pandesal, oh my gosh sobrang yummy, hayy ano ba yan ba't ganito ang nasa isip ko, erase erase erase pero isa lang ang masasabi ko sa nakikita ko ngayon, sobrang hot nya tingnan. Napatingin ito sa gawi ko at nagsalita.

"Kanina ka pa gising honey?" tanong nito sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko, ba't ganon ang bagal ng oras habang papalapit ito sa akin, parang nag i-slow motion. At sa tuwing hakbang ng mga paa nya ay bumibilis ang tibok ng puso ko at parang nanuyot ang lalamunan ko kaya sunod-sunod akong napalunok.

"Hey honey, you OK?" tanong nito habang winave pa ang kamay nya sa mukha ko sabay upo sa tabi ko paharap sa akin. Goshness nakakahiya, ehh paano ba naman kasi makalaglag panty ang kagwapuhan nito.

Sobrang pulang-pula na lalo ang mukha ko at dahil sa pagkapahiya ko ay yumuko na lang ako pero mali ata ang move na ginawa ko dahil pagkayuko ko ay yon namang pagsalubong ng mga mata ko sa ano nya, yong ano basta yong ano.

Ano ba yan dahil sa sobrang pagkatulala ko ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ito sa kinaroroonan ko. Pumula pa lalo ang mukha ko na parang kamatis kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

"Uhmm...ahhh...ehhh kagigising lang" nahihiya kong sagot sa tanong nya.

"You OK now honey?" may pagaalala sa tono ng boses nya at nakakunot ang noo nya.

"Ahh, yeah, I'm OK now" hinalikan naman nya ako sa noo na nakapag pakilig sa akin. Sya lang ang lalaking bukod tangi na nakakapag pakilig sa akin ng ganito katindi.

"Sige, magbibihis lang ako, dyan ka lang ha" sabi nito na tinangoan ko lang, agad syang tumayo at naglakad papuntang closet nya. Ilang sandali ay lumabas na ito at nakabihis na sya.

"So tara na?" agad nitong sabi ng makalapit ito sa akin.

"Saan naman?" tanong ko din sa kanya na nagtataka.

"We will talk to our parents, nasa company silang lahat ngayon" paliwanag nito.

"Ehh hindi pa ako nakakaligo at nakakabihis, mabaho na ako" sabi ko dito na inaamoy-amoy ko pa ang aking sarili. Tumawa ito ng mahina at umupo sa tabi ko.

"Honey kahit hindi ka maligo o magbihis ng ilang buwan ay mabango ka parin" nakangiti pa ito habang nagsasalita.

"Hoy, hwag mo nga akong pinagloloko" sabay irap ko dito at halukipkip na tinawanan lang nya. Namiss ko ang mga ngiti at tawa nyang mga yan.

"Promise honey maganda at mabango ka parin" sabay amoy nya sa akin. Kinilig naman ako sa sinabi nya at ngingiti-ngiti na rin ako.

"So let's go" tumayo na ito mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay nya sa akin para matulongan ako sa pagtayo na agad ko namang tinanggap, tumayo na ako at inayos ang aking sarili pagkatapos ay agad kaming lumabas ng silid ni Rob na magkahawak kamay.

Pagkadating namin sa company ay agad kaming sumakay sa elevator na magkahawak kamay parin mula kanina at ang bilis parin ng tibok ng puso ko, kinikilig parin ako hanggang ngayon, habang nasa elevator kami ay tahimik lang, pinipisil-pisil din ni Rob ang aking kamay kaya minsan ay napapatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. Nang magbukas na ang elevator ay agad kaming dumiretso sa office ni dad.

Pagpasok namin ay nadatnan namin ang mga magulang namin sa loob na nag-uusap tungkol sa company. Nakaupo sila sa couch na magkakaharap. Magkatabi sina mommy at daddy habang magkatabi naman si tita at tito sa harap ng aking mga magulang

"Hello everyone" may kalakasang sabi ni Rob sa kanila para maagaw nito ang atensyon nila at nabaling nga ang mga atensyon nila sa amin.

"Anak" sabay pang sabi ni mommy at mommy nya.

Lumapit kami sa kinaroroonan nila at umupo din kami sa may couch sa gilid nila. Magkahawak kamay parin kami ni Rob hanggang ngayon.

---------------------------
VOTE

and

COMMENT...

-Lea

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon