Chapter 2:Re Coming Their Way

728 40 18
                                    

SCHOOL

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng university papuntang classroom namin ng may tumawag sa akin galing sa aking likoran.

"Lea! Lea!" tumingin ako sa likod ko, si Ray lang pala.

"Ha?"

"Ano ka bang babae ka kanina pa kita tinatawag" hinihingal ito at pawisan.

"Oh bakit may kailangan?"

"Pag tinawag ka may kailangan na agad? Diba pwedeng sabihin ko lang na sabay na tayong pumasok?" sabay irap nya sa akin at pinunusan nya ang mga pawis nya.

"Dami mong satsat, tara na nga"naglakad na kami papuntang classroom.

"Wala pa ba si Aliyah di pa ba magaling ang puso nya?"

"Ewan ko tinatawagan ko kagabi di nya sinasagot, nako.."

"Oh bakit?"

"Baka nag suicide na yon, baka nagbigti, nako wag naman sana"

"OA mo bess ehh no. Wag ka nga magisip ng ganyan di magagawa ni Aliyah yon"

"Nako sana nga"

Napahinto ako sa paglalakad dahil may nakita akong couple na sobrang sweet, yung lalaki sinusubuan nya ng pagkain ang babae, at yung babae naman sobrang kinikilig. Biglang nag flashback sa utak ko ang lahat ng masasayang alaala namin ni Rob nong kami pa, nong di pa nya ko iniiwan.

"Hoy Lea okay ka lang?" tumingin sya sa tinitignan ko.

"Ahhh naaalala mo na naman sya no? Hanggang ngayon di ka parin nakakamove on sa kanya 3 years na ang nakalipas Lea "

"Tara na nga malelate na tayo"aya ko sa kanya para makaiwas sa mga tanong nya.

"Friend wag ka nang umiwas sa mga tanong ko" napalingon ako sa kanya.

"Paano kaya kong hindi nya ako iniwan masaya parin ba kami hanggang ngayon? Hay tara na nga malelate na tayo" nauna na ako sa paglalakad sumunod naman si bakla sa akin.

"Confirm di ka pa nga nakakamove on sa kanya"

"Ewan ko sayo"

Pumasok na kami sa classroom nadatnan namin ang iba naming classmates, kanya-kanyang business. Umupo na ako sa aking upuan ganon din si Ray. May narinig akong nag uusap na isang grupo ng mga babae.

"Girl excited na akong makita ang new prof. natin gwapo daw at sobrang hot"-cm 1

"Oo girl gwapo at hot"-cm2

"Hay nako pag nakita ko yon lalandiin ko ng bonggang bongga"-cm3

Ano ba yan ang lalandi ng mga babaeng mga to. Tinignan ko sila isa-isa mula ulo mukhang paa..akala mo kung sinong kagandahan ehh...mukha namang mga paa at ang kapal-kapal ng mga kolorete sa muka nilang mukhang paa di hamak naman na mas maganda ako sa kanila. Ha? Erase! Erase! Why I'm comparing my self to them? Ah hayaan na nga lang.

Napukaw ang atensyon ko ng may isang lalaking pumasok sa classroom namin...isang lalaking sobrang napaka famillar sa akin, ang lalaking sobra sobra kong minahal at sobra sobra akong sinaktan. Bakit sya nandito? Bakit sya bumalik? Bakit muling nag tagpo ang mga landas namin? Bakit?

"Wow ang gwapo"

"Totoo nga gwapo at sobrang hot ng new prof. natin"

"Sya na ba ang bago nating professor?"

"Oo sya na ata, ang gwapo"

Ilan lamang yan sa mga naririnig ko galing sa mga babaeng classmates ko.

"Good morning class I'm Mr. Robert Charles Chien but you can call me sir Rob or Mr. Chien, but it's up too you"

"Wow ang ganda ng boses sarap pakinggan ang masculine" sabi ng babaeng nasa likuran ko.

Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi nya ako nakita dahil nasa gilid ang upuan ko, wala parin syang pinag bago gwapo parin at ang cute nya pag naka smile. Naglibot ang kanyang mga mata at nagtama ang mga mata namin halatang nagulat sya....nagkatitigan kami saglit ako na ang unang bumitaw sa titigan namin.

"Ok since I'm a new here, can u please introduce your selves one by one, let's start with the boy there"tinuro nya ang lalaki sa unahan.

"I'm John Lim 20 years old"

"I'm Lira Sandoval 19 years old"

"I'm Ray Reyes 19 years old"

Tumingin si bakla sa akin nag tatanong ang mga mata nya kong ok lang ako, nginitian ko lang sya at umupuna sya.

"I'm Kathy Sy 20 years old"

"I'm Mark Smith 19 years old"

Blah! Blah! Blah!

"Hoy Lea ikaw na" sabi ng isang classmate ko.

Tumingin ako sa harapan at nakatingin si Rob sa akin.

"Ha ehh...."

"Ikaw na, introduce your self" sabi nong katabi ko, tumayo na ako at nagpakilala kahit kilala na nya ako.

"I'm Maria Lea Carmen Salonga but you can call me Lea or Carmen 19 years old" ang bilis ng kabog ng dibdib ko, pagkatapos non ay umupo na ako pero nakatingin parin si Rob sa akin yumuko nalang ako para maiwasan ito, nagpatuloy na ang mga classmates ko.

"Ok class since 4th year college na kayo sana naman madali lang kayo sumunod sa mga instruction dalawa lang naman ang instructions ko una mag-aral ng mabuti pangalawa sundin ang unang instruction is that clear?"

"Yes sir"

"Who want to ask me a question?"

"Auhmm sir may girl friend po
ba kayo?" medyo kinikilig pang tanong ng haliparot na to.

"Wala" napatingin ako sa kanya, nakangiti sya.

"Pwede mag apply sir?" nagtawanan silang lahat pati si Rob.

"Ilan na po ba ang naging X nyo? At sino po sila?" tanong ng isa. Ano ba yan, bakit ganyan ang mga tanong.

"Auhmm 2 pero pwede diko na sabihin pangalan nila first letter na lang ng name nila, si S ang una pangalawa si L"alam kong ako yung L na tinutukoy nya.

"Ehh sir sino po ang mas mahal nyo si S o si L?"

"Uhmm si L labis ko syang mahal pero sinaktan ko lang sya" habang sinasabi nya ang mga salitang yon ay nakatingin sya sa akin.

"Ahhh...ano po ba ang ginawa nyo?"

Ring! Ring! Ring!nag ring na ang bell at buti naman.

"Ok class that's enough, I will start our lesson tomorrow, goodbye" nagsilabasan na ang mga classmates ko.

Lumapit si Ray sa akin

"OK ka lang Lea?"

"Yes I'm OK"

"Oh sige pasensya ka na ha mauuna na ako may pupuntahan ako ngayon pasensya na di kita masasamahan ngayon"

"Nako OK lang sige na mauna ka na"at nag beso beso na kami, at lumabas na si Ray.

"Lea follow me in my office now" ha nandyan parin pala sya. Nagtaka naman ako kong bakit, may kasalanan ba ako kong tutuosin sya ang may kasalanan sa akin. Hala grabe..

"Ha? Baki......." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumabas na sya, ano naman sasabihin nya sa akin. Sumunod nalang ako sa kanya..


----------------------------
VOTE

and

COMMENT...

-Lea

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon